spoken Poetry no.20

2 3 0
                                    

Credits to the owner : Ace Lochlan ( hehhe my pinsan)


Ako ang buwan,
ako ang bituin sa kalangitan,
ako rin ang ulap na nagbibigay ng ulan.

Ako ang gabi,
sa tuwing malungkot ka, ako ang iyong katabi.
Hindi nagdalawang isip na sa 'yo ay makinig.

Sa lahat ng reklamo mo sa mundo,
sa mga rason ng pagpatak ng luha mo,
ang lahat ng iyon ay alam ko.

Alam ko kung gaano ka kahina,
alam ko na ilang beses ka ng hindi naniwala.
Alam ko na ilang beses ka ng umayaw, bumitaw
sa pag-asa na maririnig ka pa nila.

Pero ako,
naririnig kita,
naiintindihan kita,
dahil pareho lang naman tayong dalawa.

Ang pagkakaiba nga lang ay minamahal kita
habang ikaw naman itong nagmamahal ng iba.

Ako ang buwan,
ako ang bituin sa kalangitan,
ako rin ang ulap na nagbibigay ng ulan.

Ako ang gabi,
karamay sa mga madilim na sandali,
saksi sa mga palihim mo na pagngiti.

Sa tuwing napupuyat ka nang dahil sa kanya,
sa tuwing tumatawa at kinikilig ka.
Kung minsan tuloy naisip ko na ansarap sigurong maging siya. Yung may tao na sa 'yo ay humahanga,
nag-aalala, at kausap hanggang sa pagsapit ng umaga.

Hanggang kailan kaya aasa,
kahit kitang-kita naman na napakalaki ng pagkakaiba.
Hindi maikakaila, hindi ko kayang ibigay ang kaya niya.
Ang mga ngiti, ang mga pagtawa sa tuwing kayong dalawa lamang ang magkasama.

Nakatingin sa malayo,
Naghihintay sa pagbabalik mo.
Ngunit lagpas na sa pinag-usapan nating oras ang kamay ng relo, ngawit na ang ang mga tuhod at braso.
Pinagtitinginan na ng tao,
pero pangako
para sa'yo
maghihintay ako.

Naghintay ako
pero hindi ka dumating.
Masakit man isipin
pero kailangan tanggapin,
na imposible ka na maging akin
kahit ilang beses pa na pilitin.

Nasasaktan ka ng dahil sa kanya
habang ito naman akong nasasaktan ng dahil sa'yo.
Sinasabi mong pare-parehas lang sila
nang hindi man lang lumilingon sa kinatatayuan ko.

Ako ang iyong kaibigan sa tuwing sasapit ang gabi.
Ako ang iyong takbuhan, sa tuwing hindi makangiti.
Ako itong hindi lumisan, ako itong sa 'yo ay nanatili,
pero ako tong iyong iniwan at hindi mo pinili.

Ako ang buwan,
ako ang bituin sa kalangitan,
ako rin ang ulap na nagbibigay ng ulan.

ako ang gabi,
ang gabi mo na sandalan,
ngunit handa mong kalimutan
sa oras na sumikat na ang araw sa silangan

𝐔𝐧𝐭𝗼𝐥𝐝 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠𝐬Donde viven las historias. Descúbrelo ahora