----
Paano ba natin pagtaagpuin,
Ang sigaw ng pusong kay damdamin?
Malabong tayo'y magtagpo,
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Ako'y nababaliw na sa kakaisip,
Kung gusto mo rin ba ako'ng mahaplos.
Bakit ba ako'y kinikilig,
Kapag kausap kita, puso'y natatangi.Para akong tanga na umaasa,
Na baka sa huli, wala rin pala.
Bakit ba di makatulog,
Pag naalala kita, puso'y naguguluhan.Kahit sa panaginip ko,
Ikaw'y nagpapakita, pinapangarap ko.
Hinihiling ko na sana,
Hindi na matapos ang araw na ikaw'y kasama.Kailan ba mangyayari,
Ang oras na magtapat ka sa akin?
Sana ganoon ka rin kinikilig,
Kapag naiisip mo ako, labis ang ligaya.Ngunit hanggang ilusyon lang pala,
Dahil alam kong malabo mangyari iyon.
Pero hanggang kilig lang iyon,
Kilig na nagsimula sa'yo.Dito nagsimula ang lahat,
Simula ng pagtatagpo natin.
Napatatanong na lang ako,
Ano bang meron sa'yo?Bakit ako kinikilig ng husto?
Kahit sa panalangin ko,
Ikaw ang laman ng bibig ko,
Pusong tapat na umaasa sa'yo.
YOU ARE READING
𝐔𝐧𝐭𝗼𝐥𝐝 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠𝐬
PoetryThis book is a collection of spoken poetry dedicated to all of you, especially those who feel alone, rejected, in love, or heartbroken. I hope it resonates with you and brings you comfort.