Sa likod ng Ngiti

10 7 0
                                    

---

Ano meron ka? Sa tingin ko'y ligaya, 
Sa bawat galaw, puso ko'y napapa-iba. 
Sa iyong ngiti, ako'y nahulog, 
Walang ibang nais kundi ang iyong yakap.

Ikaw ang sagot sa bawat tanong, 
Damdamin ko'y tanging sa’yo, walang kapantay, 
Di kayang itago, pag-ibig na tunay, 
Sa bawat araw, ikaw ang saya, sa aking buhay.

Ikaw ang dahilan, saya’t galit, 
Sa isip ko'y ikaw, di matutulungan kahit. 
Di maipaliwanag, tadhana'y kay ganda, 
Sa tibok ng puso, ikaw ang dalangin ko sana.

Sana’y pahalagahan mo ang nararamdaman, 
Ikaw ang liwanag sa bawat oras ng aking tahanan. 
Bawat sandali, ikaw ang nais, 
Sa puso’t isip, ikaw ang tanging pagsisisi.

Pasensya na, kung ganyan ang nadarama, 
Ikaw ang inspirasyon sa mundo ng saya. 
Kahit anong mangyari, andiyan ka sa bawat hakbang, 
Ikaw ang pangarap sa aking awit at lahat ng saya.

𝐔𝐧𝐭𝗼𝐥𝐝 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠𝐬Where stories live. Discover now