Pait ng Paasa

7 9 1
                                    

----

Alam mo ba ang sakit na walang kapalit?
Yung taong parati mong kinukulit,
Bigla ka na lang pinalitan,
Nang walang sabi, walang pasabi’t sulat.

Yung taong gusto mong maging bahagi,
Ng buhay mo, ngunit di pinili,
Sa isang iglap, ikaw’y iniwan,
Nagpaalam nang di ka tinanong man.

Yung taong hindi mo pinagsawaan,
Bigla na lang naglaho’t iniwan.
Ang puso’y nagtaka’t naguguluhan,
Bakit ikaw lang ang naiwan?

Sa tingin mo, kayo’y nagmamahalan,
Ngunit sa huli, ikaw lang nasaktan.
Alam mo ba ang kasabihan nila?
Walang taong paasa, kung walang umaasa.

Minsan, mapapasigaw ka na lang,
"Sana!"
Sana di na lang kita nakilala,
Sana di na lang umasa.

Ngunit ngayon, nandito pa rin,
Ang sakit ng pusong iniwan,
Pait ng paasa, walang hangganan,
Sana di na lang kita nakilala.

𝐔𝐧𝐭𝗼𝐥𝐝 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠𝐬Место, где живут истории. Откройте их для себя