CHAPTER 18

3 0 0
                                        

Continuation.....
Wed

"Ano? Bernal? Bat nandito ka sa klase ko? Diba sabe ko makakapasok ka lang sa klase ko pag nakausap kona nanay mo?" Sabe ni ma'am sabay tumayo ako, aga aga nam babad trip si ma'am april.

"Klase mo lang to pero di mo classroom." Sagot ko sabay nag x ng mga braso.

"Aba! Sumasagot kapa?" Inis na tanong ni ma'am.

"Kase may bibig ako." Laban kopa.

"Sagot ka ng sagot pero wala ka namang masagot sa recitation!" Aniya pa.

"Baket? Pag sinagot koba tataas agad grades ko? Hindi naman diba?! Tataas lang grade ko pag may binayaran akong project na ang presyo isang libro na ng he's into her! Tas iyang pa xerox nyo parang ginto ang papel! Tres isa? Aba hanep! Tas nga thesis naman dapat ipasa sa tamang oras pano kung di namen nagawa kase nga marameng ginagawa sa bahay?! Bawal mag paka anak? Bawal kumilos sa bahay? Kailan iyong thesis ang uunahin namen lagi?! Sabay pag nag papa quiz ka bawal bura? Baket?! Bawal bang mag kamali? Pag nag kamali bawal ng itama? Bawal rin lumingon lingon! Ma'am hindi kame manloloko! Kahit nahihirapan nako hindi ako tumitingin sa iba! Kailangan pag recitation may masagot, putanginang buhay to. Pag nasagot walang premyo? Inangyan!" Sigaw ko sa sobrang inis ko.

"Anong ugali yan ha bernal?! Akala mo matalino ka? Maka pag sabe ka ng ganyan?!"

"Bat ikaw ma'am? Matalino ka? Bat di kaba nag kakamali noon? Sige tatanungin kita? Ano ang isa sa pinag babawal sa north korea? Makatama ka lang may tama ka." Naka ngising sabe ko.

"Hindi ko alam! Dahil hindi naman ako taga doon!" Sabe naman ni ma'am.

"Oh tamo? Hindi ka pala taga dun kaya di mo alam? So bat moko tinanong kung sino ang pumatay kay magellan? Alam koba? Nasa harap bako ni magellan nung pinatay sya? Nag time travel bako? Ha?!" Gigil na usal kopa.

"Wala akong pake! Napaka walang respeto! Lumabas ka sa klase ko!" Sigaw na naman nya, kaya binitbit kona mga gamit ko at umalis na ng room! Akala nya natutuwa ako sa kanya? Baka kaltukan ko sya! Mag pupunta sana ako ng room na parang apartment kaso nakita ko si blue sa ilalim ng puno na nag gigitara kaya huminto ako sa di kalayuan, nilabas ko iyong lapis at mga pandrawing ko dahil idodrawing ko sana si blue.

Nag simula nakong idrawing sya, pag tapos kong idrawing kinulayan ko naman, naka tatlong papel ako ng mukha nya at ang gwapo nya. Tinago kona sa bag ang gamit ko at pumunta ako sa kanya.

"Blue." Bati ko sa kanya sabay tumingin sya saken at ngumiti.

"Hi, tara samahan mokong tumugtog." Yaya nya saken sabay umupo ako sa tabi nya.

"Ano yang nginuguya mo?" Tanong ko dahil ngumunguya sya.

"Bubble gum." Sagot nya sabay tumugtug sya.

"Pamilyar yang tugtog nayan, hmmm~ hmm~ ah!! Ako at ikaw?" Tanong ko sabay nag nod sya, "Kantahin mo nga?"

"Sinlinaw ng langit na bughaw, hanggang sa dulo, ako at ikaw iginuhit na ng tagdahana. Na tayong dalawa ay maging isa~" kanta nya dun sa line kung saan parang ang lungkot ng pag ka kanta nya kaya napa tingin ako sa mata nya.

"B-blue, bakit ka umiiyak?" Tanong ko ng makita kong umiiyak si blue.

"Para kameng asimptota, pinag tagpo ngunit kahit kailan hindi itinadhana." Biglang sabe nya na parang may tumusok sa puso nya.

"Kase kung hindi naman kase talaga kayo para sa isat isa, hindi talaga kayo. Baka way lang sya para makita mo iyong talagang itinadhana sayo. Baka way lang sya para mahanap mo iyong totoong kaligayahan mo? Pag kase hindi kayo pwede, wag mo ng ipilit. Kase masasaktan na lang." Sabe ko sabay binaba nya iyong gitara nya at hinatak nya ako papalapit sa kanya, "Baket?"

"Hanggang ngayon, kuhang kuha mo parin ang mga nasa isip ko, mahal ko." Aniya, tinawag nya na naman ba akong mahal? Pangalawang beses na to.

"Ganun naman kase dapat, kung mahal mo. Pakawalan mo kase lalo lang kayong mahihirapan pag di nyo niletgo ang isat isa." Sabe ko, bat koba nasasabe to? Kusang lumalabas sa bibig ko na parang alam na alam ko iyong nangyare sa kanya.

"Pasensya na, at napaka madrama ko na naman." Sabe nya sabay umayos na ng upo.

"So? Anong trip mo, blue?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw." Huh? Ako? "Ikaw kako, ano bang trip mo?"

"A-ah, haha! Trip kong mag drawing, marunong kaba?" Tanong ko sabay nag nod sya, nilabas ko iyong mga pang drawing ko at binigay ko sa kanya.

"Anong didrawing mo?" Tanong ko.

"Tong puno muna, dyan ka lang ah?" Sabe nya sabay lumayo sya at nag pose naman ako ng naka peace ang dalawa kong kamay.

Mag 20 minutes bago sga natapos mag drawing, "Ang Ganda!" Sabe ko ng makita ko iyong drinawing nya, "Drawing mo nga iyong Room na apartment."

Sabay nag simula na syang mag drawing, at tapos na agad! Ten minutes palang tapos na nya agad! Bat ang bilis? Haha! Ang angas!

"Ang ganda! Kahit walang color ang ganda ng pag ka drawing mo!" Puri ko dun sa drinawing nya at ngumiti lang sya saken, "Try mo nga idrawing iyong Bulaklak na yan at eksakto! May paru paru don!"

Nung nag drawing sya ang gwapo nya lalo!

"Tapos na." Sabe nya sabay nagulat ako nung tinignan ko, bat ang ganda nya mag drawing at ang bilis?

"Ang ganda! Haha! Ang ganda!" Puri ko.

"Mas maganda ka."

"H-ha? Hahaha salamat! Haha!" Totoo nyan kinilig ako! Haha! Huta!

"Kinilig ka na naman." Asar nya, "Namula kaya pisnge mo" kaya tinakpan ko iyong mukha ko sabay nag palobo sya ng bubble gum.

"Hindi ako kinilig no!" Naka pout na sabe ko sabay hinatak nya iyong mukha ko at nilapit sa mukha nya.

"Talaga?" Tanong nya habang naka palobo parin iyong bubble gum at nag nod ako sabay nag pout lalo.

d0_0b!!
d>_<b!!

T-tinapat ni blue iyong bubble gun sa labi ko! Dinikit nya iyong lumolobong bubble gum sa labi ko! Narinig kopang tumawa si blue habang naka dikit iyong lumulobong bubble gum sa labi ko! Bat nya ginawa yun!

Napapikit ako sa sumunod na ginawa ni blue! Dahil umusog sya papalapit sa mukha ko at pumutok iyong bubble gum! So bali! Mag kakiss na kame pero may bubble gum sa labi namen! Hutangina! Blue! Bat moko ginaganito?! Argh!! Blue may bf ako! Hindi tama to! Argh! Waahh!! Papatayin moko sa kilig blue!

(。>﹏<。)!!!!

*DUG! DUG! DUG! DUG!

To be continued.....

My Familiar You •[COMPLETED]•Donde viven las historias. Descúbrelo ahora