CHAPTER 14

2 0 0
                                        

Continuation.....

"Bat ang tagal mo? Saan kaba galing?" Tanong saken ni Lewellyn nung maka sunod ako sa kanila sa canteen.

"Nag cr nga diba? Tss..nagugutom nako." Naka pout na sabe ko sabay may inabot saken si daniel na siomai rice.

"Kumain ka." Sabe nya sabay aabutin kona sana iyong siomai rice kaso may bumaba ng braso ko at nilapit ako sa kanya.

"Ako lang dapat ang bibili sa kanya ng pag kain dahil responsibilidad ko yun sa girlfriend ko." Seryosong usal sa kanya ni jeff, mag aaway na naman ba sila? Tss!

"Papakainin ko lang jeff, gutom na gutom na yan oh.. Ang tanga naman neto." Naiinis na sumbat rin sa kanya ni daniel sabay lumapit sa kanya si jeff at kwinelyuhan sga ni jeff.

"Ano? Sinong tanga?! Sino?!" Gigil na tanong sa kanya ni jeff tas hinatak kona si jeff papalayo at hinatak ni leway at keicee si daniel.

"Mag si tigil nga kayo! Dahil sa pag kain nagiging ganyan kayo! Para kayong mga ewan!" Sigaw ko sabay lumabas mag isa ng canteen..

Nakakatuwa na nakakainis, nakakatuwa kase feeling ko ang ganda ko kaso nakakainis kasw nag aaway silang dalawa dahil saken.. Mga baliw!

Nag punta muna ako ng library para mag pahimasmasan at para mag chillax.. Nanood muna ako ng conjuring 1 syempre mag earphone ako para di maingay...tangina! Gago! Nakakatakot iyong babae sa taas ng kabinet!!

d0_0b?!

"Waahhh!!!!" Napasigaw ako sa sobrang lakas sa loob ng library at napatayo! May kumalabit saken!!

"Shhh!!!" Saway saken nung librarian..

"I-ikaw..." Usal ko sa kanya nung nalaman ko kung sino iyong nangalabit saken, tinignan nya lang ako sa mata, "bat ba bigla bigla kang nang gugulat?"

"....."

"Mag salita ka oy." Sabe ko sa kanya kaso di nya ako pinansin tas umupo sya dun sa tabi ng upuan ko kaya umupo na lang din ako, sinilip nya iyong pinapanood ko.

"Alam mo yan? Sikat na horror movie yan diba?" Tanong ko sa kanya at nag nod lang sya, tas bigla kong na alala iyong kanina nung bigla syang nawala.

"Bat pala bigla bigla kang nawawala kanina? Ah?" Tanong ko sa kanya sabay tinignan nya lang ako sa mata! Ayan na naman iyong mga mata nyang kulay blue! Na naka titig saken! Shitt!! Parang kumakawala ang kaluluwa ko! Parang sasabog ang sistema ko! Bat ganyan ka makatingin ah?!

"A-ano palang name mo? Madalas na tayong nag kikita pero diko parin alam name mo.. Hehe ako pala si aika, aika bernal, ikaw?" Pag papakilala ko ng sarili ko sa kanya..

"....."

"Ahh.. Wala ka bang pangalan?"

"...."

"Hoy, wag mo naman ako ipakausap sa hangin, ano kako name mo?" Tanong kopa ulit pero di sya nag salita tumingin lang sya sa ID nya na nakadikit sa unifoem nya kaya napatingin rin ako dun.

"Number 6 ka sa classroom nyo?" Tanong ko dahil nakalagay dun student number 6 at..." Wala kang pangalan?"

Tanong ko sabay di sya nag salita, "Mukhang wala ka ngang pangalan, teka! Diba nakaka pag salita ka? Bat ayaw mong mag salita ngayon?" Tanong ko sa kanya kaso nginitian nya lang ako! Isang nakakapamatay na ngiti! Gagi! Nakakakilig!!

"Ang duga, bat ayaw mong mag salita?? Tss! Di bale na nga lang.. Pwede bang Blue na lang itawag ko sayo? Blue naman iyang mga mata mo e, ha??" Naka ngiting tanong ko sa kanya sabay nag nod sya.

"Good--"

"Bernal, bat nandito ka?" Napalingon ako sa tumawag saken, si ate jade pala yun.

"Ahh wala nag paparelax lang ng utak.. Masyadong masakit ulo konate jade e." Pag papalusot ko sa kanya sabay tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Dapat sa clinic ka pumunta hindi rito, bumalik kana sa clasaroom." Sabe nye pa saken kaya napa kamot na lang ako ng ulo.

"May kinakausao pako e." Naka ngusong sabe ko sa kanya.

"At sino naman ang kinakausap mo? Hangin? Baliw kama nga talaga, bumalik kana sa room."

"May kausap ako eto oh---" naudlot iyong sasabihin ko nung pag harap ko kay blue, wala na sya.. Huta naman!

"Oh? Asan? Wala, bumalik kana dun." Sabe pa ni ate jade saken ng naka pamewang.

"Nandito sya kanina eh, kausap ko pa nga sya bago ka dumating.." Na guguluhang pag explain ko.

"Wala kang kasama rito kanina, tangeks.. Bumalik kana nga dun." Kunot noong sabe nya sabay lumabas na sya ng library.

Ako? Walang kasama rito? Bawil ba sya? Kasama ko kaha si blue kanina, ang ganda ganda ng ng usapan namen e. Binigyan ko pa sya ng pangalan... Pero bat bigla na namang nawala si blue? Grabe... Nakakabaliw isipin kung bat bigla bigla syang nag lalaho, sino kaba talaga?!

To be continued.....

My Familiar You •[COMPLETED]•Where stories live. Discover now