Prologue

1 0 0
                                    

Nahahati ang Asgard sa tatlong katangian.  Ang mga taong walang kapangyarihan na tinatawag na Soliya at ang mga taong may kakayahang maging isang imortal na tinatawag na Kasaya at ang pinakahuli ay ang tatlong taong makapangyarihan sa lahat ang Asgarya at ang pinakamataas sa tatlo ay ang kinikilalang hari ng Asgard.

Ang natitirang dalawa ay syang namumuno sa dalawang lahi. Si Gayon ang namumuno sa Kasaya at ang bagong silang na sanggol  na magsisilbing bagong pinuno ng Soliya.

" Kamahalan magsisimula na ang pagbabasbas sa bagong silang na sangol"

" susunod na ko "

Yumuko ito at dahan dahang umalis.

Ngayon ang araw ng pagbabasbas.

Tumingala ako at tumingin sa mga larawan na nasa ding ding.

Ilang pinuno na ng Soliya ang lumipas.

Ilang pinuno na ng Soliya ang kanyang binasabasan.

Napatingin siya sa larawan ng kaunaunahang pinuno ng Soliya.

Kitang kita ang maluwalhating ngiti sa kanyang mga labi.

" Ang iyong saling lahi ay patuloy na pinangangalagaan ang bayan na iyong minahal at ngayon ang araw ng pagbabasbasan sa susunod na pinuno ng Soliya at sana patnubayan mo sya kagaya ng iyong patnubay sa iba pa "

At sana sa pagkakataong ito ay ikaw na ang taong ito Asmara matagal ko ng hinihintay ang iyong pagbabalik.

Alam kong pipilitin mong makabalik sa Asgard at ang makita kang muli ang pinakaaasam kong mangyari.

Ang makitang muli ang buhay na buhay mong mga ngiti at ang mga mata mong nangungusap sa akin.

Asmara ilang taon pa ba ang aking hihintayin. Ilang taon pa ba ang aking titiisin bago ka bumalik.

" Kamahalan naghihintay na po ang lahat " bumalik muli ang aking tagasunod.

Mukhang nagsisimula na ang ritwal.

" Kamahalan" napalingon siya sa bagong dating.

" alam kong nalulungkot ka sa tuwing sumasapit ang araw na ito pero kaylangan nating gawin ang ritwal, wala pang pangalan ang bagong silang na sanggol "

" Gayon " tawag niya sa pangalan ng bagong dating.

" Kamahalan ipagpaumahin mo ang aking mga sinabi pero nararapat lamang na maumpisahan na ang ritwal siya ang magiging bagong pinuno ng Soliya kaya nararapat lamang na ibigay natin sa kanyang ang ating papuri at paggalang "

Lumakad siya ng dahan dahan at ipinatong ang kanyang kanang kamay sa kanang balikat nito.

"Umayos ka ng tayo Gayo alam mong hindi ko kaylangan ng iyong pagpupugay para sa akin ay pareho lamang tayo ng estado at katayuan, pareho lamang tayong namumuno "

Tumayo ito at nakangiting tumingin din sa larawang nakadikit sa dingding.

" Alam kong alam mo kamahalan na hanggang ngayon ay wala pa rin ang prisensya ni Asmara "

" Alam ko Gayo at alam ko rin na pareho lang tayong naghihintay ng kanyang pagbabalik "

Tumingin ito sa kanyang mga mata. Kitang kita niya ang abuhing mga mata ni Gayo bakas rin roon ang kalungkutang ng banggitin niya ang pangalan ni Asmara.

" kamahalan naghihintay na ang lahat"

Tumango siya at sabay silang naglakad palabas ng kanyang silid.

Nakasunod lamang sa kanila ang kanyang mga kawal at taga sunod.

Kitang kita ang magarbong palamuti sa kaharian.

A LOVE FOR ETERNITYWhere stories live. Discover now