4 | Bahaghari

15 2 0
                                    

Hindi ko inasahan na sa araw ng aming pagtatapos ay matatapos din kami.

"Congratulations, fellow graduates of batch 2021-2022!" Bati ko sa mikropono at doon sumunod ang malakas na palakpakan. Bukod sa ako ang hinirang na batch valedictorian, ang puso ko'y sumisigaw ng labis na kasiyahan dahil sa wakas ay nakapagtapos na rin ako ng Senior High School, kasama si Kiel.

Ngunit ang inaakala kong magiging masayang selebrasyon ay nauwi sa matinding pagluha.

Pababa na ako ng enteblado nang salubungin ako ni Kiel ng isang yakap. Labis ang aking pagtataka dahil kakaiba ang yakap na iyon. Tila walang kahulugan, bakit parang hindi siya masaya?

"Ayoko na, Hazel. Let's break up." Biglaan niyang sabi. Walang padalos-dalos. Nanigas ako sa aking kinatatayuan kasabay ng unti-unting pamumuo ng luha sa aking mga mata.

"A–Ano'ng ibig mong sabihin, Kiel?" Para akong isang malaking tandang pananong ngayon sa kanyang harapan dahil sa dami ng katanungan sa aking isipan.

"It was fun ... being with you. But I think I have no more reasons to continue this relationship with you." Paliwanag niya na parang wala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan namin.

Ilang minuto kaming naging tahimik ngunit kalaunan ay tuluyan na niyang binigkas ang huling mga salita bago niya ako talikuran.

"Shine for me, Hazel. Thank you for being with me. Goodbye."

Hindi ko alam pero automatiko na lamang akong napangiti sa kanya, habang umiiyak. "I will, Kiel."

I will and I can.

"Goodbye."

At sa kalagitnaan ng aking pagluha, napatingala ako nang sumilay ang isang napakagandang bahaghari. Na para bang nakikiayon sa mga pangyayari.

Matamis akong napangiti. Natapos man, pero alam kong may mas magagandang bagay ang paparating sa akin.

Masakit pero doon ko napagtanto na para siyang itim na kulay—na hindi ko makikita ang bahaghari sa kanya, kundi sa iba. At kung hindi man sa iba, ay sa aking sarili.

Dahil kaya kong maging sarili kong bahaghari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EscapadeWhere stories live. Discover now