Chapter 11

135 1 0
                                    

Boyfriend

Pagkalipas ng isang linggo matapos kong pumunta ng condo ni Zamira ay araw araw hinahabol ko siya, nagpapadala ng pagkain sa trabaho niya, nagbibigay ng paborito niyang bulaklak at kahit na dedma lang ako ay hindi pa din ako sumusuko kasi baka kapag nakita niyang determinado talaga akong makuhang muli ang loob niya ay bigyan niya muli ako ng pagkakataong itama ang mali ko at bumawi sa kaniya.

Handa akong maghintay ng ilang dekada makuha ko lang muli ang tiwala na sinira ko noon.

Nangingiti ako habang pumipitas ng mga bulaklak sa hardin ni mama, rosas ang paborito ni mama habang kay Zamira naman ay sampaguita o kaya kulay puting tulips. Pumipito pito pa ako dahil excited na muli akong makita siya, nasilayan ko na siya kahapon kahit sandali lang pero parang hindi 'yon sapat, gusto ko ay araw araw ay kasama ko siya.

Zamira is like my sun, without her I'm not shining, walang liwanang ang mundo ko. She's my hope , my everything kaya naman kahit na ayaw niya na sakin ay pipilitin ko pa din.

I will chase her.

And I will get her by hook or crook.

Inamoy ko ang bulaklak at inisprayan ito ng pabango, malay ko pang ang baho pala nito tapos amuyin niya, bawas points 'yon.

"Ayieee, Sir David sa'kin ba 'yan?." Nilingon ko si Oten na parang ngingisay.

Nangingilabot akong umiling. "Kay Zami." Ani ko at tinalikuran siya.

"Masyado ka namang straightforward sir nakakasakit ng damdamin." Sabi niya ngunit hindi ko nalang siya pinansin. Kinawayan ko siya ng patalikod at pumasok ng bahay.

Aaminin kong sobrang nasasaktan ako tuwing tititigan ako ni Zami na para bang isa akong walang kwentang estranghero para sa kaniya, before those eyes are filled with love but now it have nothing, gone the love she was feeling for me, hindi na niya ako mahal, ngunit handa ko ding ibalik 'yon, kahit na alam kong mahihirapan ako dahil wala na nga ang pagmamahal niya pati nadin ang tiwala niya. Kaya gumagawa ako ng paraan para mabalik ang tiwala niya sa akin ay para mahalin niya ulit ako.

For her to trust me again to take care of her heart.

I want us to comeback and be together again, i hope.

"Aalis ka na?." Tanong ni mama ng makita akong nakabihis at inaayos ang sarili. Tumango ako at ngumiti. "Goodluck." Aniya at tinapik ang balikat ko bago iwan.

"Mag-iingat ka ha!." Pahabol niya pa.

Napangiti ako. "Yeah, i will."

Nung isang araw ay tinanong ni papa sa akin kung bakit hinahabol ko daw si Zamira kahit alam ko namang walang pag-asa, hindi na niya ako mahal at wala siyang tiwala sa akin. But i answered. "I know... i know she doesn't love me anymore, wala ng pagmamahal ang natitira sa kaniya para sa akin, i waste a freaking five years not trying to work and fix everything so now it's complicated. Mahal na mahal ko si Zamira papa.... Kaya kong maging isang aso at alalay maging akin lang siya, kung sabihin niyang pumatay ako ay gagawin ko, kung sabihin niyang siya lang ang mamahalin ko ay kayang kaya kong gawin 'yon pwera nalang sa isang bagay- ang lumayo sa kaniya at kalimutan siya, because without Zamira I'm nothing, she's my sunshine pa, my light..."

I learned that hanggang ma aga pa ay ayusin mo na ang lahat bago pa mahuli ang lahat, if you fix the damage earlier it will work again dahil kapag pinaghinatay mo pa ito ng matagal ay maaaring pwede ka nang mawalan ng pag-asa, hindi lahat ng tao ay kayang mag hintay at mag tiyaga.

Give Me Where stories live. Discover now