01

18 4 0
                                    

1 Misyon

Ang hacienda na pamamayari ng pamilia Santiago, ang haciendang ito ay nakatago malapit sa kagubatan at malayo sa siyudad na dating walang katao-tao at aakalain mong abandonado na, ngunit nitong nakaraang linggo ay tila nabuhay ang hacienda. Maraming malalaking sasakyan na puno ng mga armadong lalaking sakay ay sunod-sunod na dumating. Mga tao ito ng mga Santiago, tinatawag silang Santiman ng mga taong nasa industriya ng negosyo.

"Dadating ang papa mamayang hapon" anunsyo ng ika-tatlong anak ni Don Satiago na si Dario sa dalawang nakakatanda niyang kapatid — ang panganay na si Alonso na naka upong nagkakape at nag babasa ng libro habang ang ika-lawang anak na si Kairo ay naka tayo malapit sa durungawan, malayo ang tingin at isip sa sarili, napukaw lang ito ng marinig ang boses ng paganunsyo ng kapatid na si Dario.

"Sya ang nagpatipon satin dito pero sya yung huling darating" sabi ni Kairo na humarap sa mga kapatid "that's papa kuya, what do you expect? He always take his time" pag usap naman ni Dario sa kanya "hmm, ano nga ulit ang dahilan bakit tayo nandito?" Mahinang natawa si Dario sa tinanong ng kanyang kuya Kairo

"Kasasabi mo lang kanina kuya," muling tumawa si Dario. Nasa isip niya ay nababaliw na ata ang kanyang kuya "pinagtipon tayo ni papa dito" dugtong niya pang sabi "what? No, that's not what I meant. Ang ibing kong sabihin ay bakit tayo ipinatipon ni papa dito" pagkla-klaro ni Kairo sa kapatid "ohh, I don't know. Tanong mo kay kuya Alonso" sagot ni Dario. Sabay namang tungin ang dalawa sa nakakatanda nilang kapatid

"Hindi ko alam" malumanay na sabi ng kuya nila, sa kanilang tatlo si Alonso ay ang mas elegante, mabagal ngunit malumanay kung magsalita at parating kalmado, ngunit makikita parin ang malakas nyang awtoridad na awra.

"Ohh c'mon, Alonso, I know you know something. Sabihin mo na" paggiit ni Kairo, hiniwalay ni Alonso ang tingin sa binabasang libro para tignan ang kapatid na si Kairo "it's for papa to tell, KUYA Kairo" may konting diin nitong sabi "ahem" mahinang tikhim ni Dario na kasabay nitong siniko si Kairo na kasalukuyang katabi nya'ng nakaupo

Naguguluhan namang tumingin si Kairo sa bunso, hindi maitukoy ang iniasta nito. Ilang sandati lang ay mabilis na yumoku si Kairo, ang direksyon ay naka'y Alonso "sorry, kuya" mababang sabi nito sa kuya. "Don't forget what mama thought us, Kairo" pagsasabi ni Alonso at ngumiti sa dalawang kapatid.

Nung nabubuhay pa ang Donya Santiago, ang parati nitong tinuturo ang salitang respeto sa tatlong anak, pagkakaroon ng respeto sa isat-isa bilang  isang pamilya. Hindi lang respeto pati narin ang disiplina, kalidad ng oras at komunikasyon. Si Alonso ang maaalam sa itinuro ng Donya sa kanila dahil nakasama niya ng mas matagal ang Donya, napanaw ang Donya nung labintatlong gulang palang si Alonso, habang si Kairo ay pitong gulang at limang taong gulang naman si Dario.

"Anyway, mga kuya's, babalik na ako sa kwarto ko may kailangan pa akong gagawin" nakangiting paalam ni Dario at tumayo sa kinauupoan na sinundan rin ni Kairo ang pagtayo "me to, sa labas lang ako, iche-check ko lang ang mga tauhan natin" tango lang ang sinagot ni Alonso sa dalawa at bumalik na sa pagbabasa.

———

Wala sa sariling naglakad si Kairo sa mahabang pasilyo, may mga katulong siyang na nakasalubong "good morning, sir!" Magkasabay na bati ng tatlong kababaihan. Hindi na sila nag taka nung hindi bumati pabalik si Kairo dahil halatang wala talaga ito sa sarili at siguradong hindi niya napansin na may kababaihan sa harap niya.

Nitong nakaraang taon nagsimula ang pag-akto ni Kairo na parating wala sa sarili, parating natutulala at paminsan pang nababalisa. Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanya maging ang pamilya nito ay hindi alam.

Ang dating Kairo ay malayong-malayo sa Kairo ngayon. Ang dating Kairo ay maraming napapansin sa paligid, matalas ang paningin at pandinig, napapansin ang konting kamalian at kahit malayo pa ang tao ay napapansin agad nito na may paparating — ginagawa pang laro ang paghuhula kung sino iyon — ngayon, kahit nasa harap na niya ang tao ay hindi niya na ito napapansin, kailangan pang tapikin kung kakausapin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MirurayaWhere stories live. Discover now