Tila nanigas siya sa kinauupoan niya na makita niya ang ulo ng lalaking matagal niya ng hindi nakikita ang lalaking minahal niya ng sobrang ang lalaking ama ng kanyang anak walang iba kundi ang ulo ni rollin.

"Hindi!!" Galit na sigaw nito lumakas ang iyak nito "Rollin hindi , Hindi to totoo bakit? bakit hindi ka lumaban bakit?" Muling sigaw nito.

"Rollin!!" Halos yakapin niya na ang ulo ng lalaking pinakamamahal niya dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya.

"Magbabayad kayo papatayin ko kayong lahat!!" Galit nitong sabi habang yakap yakap parin ang ulo ni rollin.

"Nice rosemarry totoo ngang may relasyon kayong dalawa" Malamig na sabi drusilla tila binuhusan naman ng malamig na tubig si rosemarry ng marinig ang boses ng dalaga mula sa itaas napatingala siya lalo itong nanigas sa kinauupoan niya ng makita si sue na masamang nakatingin sa kanya.

"Sue" Tawag niya dito hindi sumagot ang binata tumulon ito palapit kay rosemarry hindi siya nag dalawang isip na hilain ang buhok nito at kinaladkad palabas ng bahay niya.

"Sue nasasaktan ako!" Sigaw ni rosemarry pero tila wala itong naririnig pag kalabas nila ng bahay niya ay ibinato niya si rosemarry sa may damuhan nagpagulong gulong ito! Agad na nilapitan no sue ang dalaga at sinipa sa may tyan!.

Tumilapon naman si rosemarry tumama ang likuran niya sa may puno.

"Oras na may nangyari sa mag ina ko papatayin kita!!" Galit na sigaw ni sue sa kanya tumawa naman si rosemarry.

"Pasensyahan na lang tayo!!" Sagot nito kasabay ng pagkawala ni rosemarry tumingin sa paligid si sue pero hindi niya na maramdaman ang presensya ng dalaga.

Agad siyang pumasok sa bahay niya.

"Ikaw na ang bahala sa bata mavi patayin muna siya drusilla tara na!!" Aya ni sue sa kanyang kapatid bago nawala agad naman sumunod si drusilla kay sue.

"Awwohh" Malakas na alulong ng mga inutosan ni ernouf na mag abang kong susugod ba sila naalarma ang lahat dahil doon agad na pumunta si kys sa silid kong saan nagtatago ang kambal niya.

"Umalis na kayo fenris" Nag aalala na sabi ni kys sa binata niyakap niya muna ang kambal at hinalikan sa noo bago siya lumabas ng silid sakto naman ang pagdating ni sue at drusilla.

Tila nanigas si kys sa kinatatayuan niya makita muli ang binata ganun din si sue nakatingin lang siya kay kys.

"Nasaan ang kambal?" Tanong ni drusilla na nakapag pabalik ng ulirat niya.

"Nasa loob ikaw ng bahala sa kanila sasama ang aking ina sa pag layo niyo" Sagot niya dito yumakap muna si drusilla sa kanya.

"Mag ingat ka" Sabi ng dalaga kay kys tumango naman siya kumalas na si kys sa pag kakayakap sa kanya.

"Umalis na kayo" Madiin niyang sabi dito bago tumakbo at naging lobo na nakatingin lang si sue sa papalayong dalaga naalala niya ang lobo na yon hindi siya pwedeng magkamali yon ang nakita niya noong araw na nanganak si rosemarry.

Sumunod na din ang binata sumabay siya sa dalaga na tumatakbo para salubungin ang mga kalaban.

"Awwohh!!" Malakas na alolung ni kys hudyat para umalis na sila fenris naging lobo na ito binuhat na ni ulrica ang kambal bago sumakay kay fenris.

"Sumunod ka sa anak natin filtiarn hindi ako mapakali" Nag aalala na sabi ng ginang sa kanyang asawa.

"Hindi ko pababayaan ang naka natin ulrica wala ka dapat ikabahala" Sagot nya sa kanyang asawa.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now