"Si rollin at rosemarry ang nasa likod ng mga gulong kaganapan na to mag kasabwat silang lahat kitang kita ng dalawang mata ko yon at narinig ko ang totoo sue hindi mo anak ang batang nandito sa bahay kundi anak ni rollin at rosemarry ang batang totoong papatay sayo at sa atin pinaako lang sayo ni rosemarry ang bata para sa trono balak nilang kunin ang trono ng bawat panig para sa pansariling nais lang nila kailangan na natin patayin ang bata sue kundi tayo ang mauubos nag aalala ako para kay kys lalo na ngayon balak nila rosemarry na sumugod kila filtiarn para patayin ang mag ina mo" Napaupo na ako sa sahig pinag susuntok ito dahil sa galit sa sarili ko.

"Wala akong kwenta wala akong kwenta!! Hindi ko man lang na protektahan ang mag ina ko wala talaga akong kwenta yung mga araw na kailangan nila ako wala ako sa tabi nila!!" Sigaw ko habang pinag susuntok ang sahig.

"Kailangan na nating kumilos sue utosan muna ang mga tauhan mong kumilos na!" Madiin na sabi ni mama sa akin "Tsaka muna isipin kong paano ka makakabawi kay kys sa ngayon kailangan na muna natin silang iligtas!" Dagdag nito sa seryosong tono.

"Mama mauna na kayo don may dapat pa kaming gagawin" Seryosong sabi ni drusilla.

"Bahala kana sue kung ano ang gagawin mo kay rosemarry" Sabi sakin ni mama bago lumabas ng kwarto.

"Mag papakita ka na ba sa kanya?" Tanong ni mavi sa akin.

"Hindi muna iwanan niyo na ako dito" Malamig kung sagot tumango naman sila.

"Wag mo sanang isipin na ginago ka naman ginawa lang namin kong ano ang makakabuti sa mag ina mo" Pag kasabi ni mavi yon ay tuluyan na silang lumabas ng silid.

Nanatili lang akong nakaupo sa sahig habang nakatingin sa kawalan.

Ganito na ba akong kawalang kwenta pinaniwalaan ko ang kasinungalingan bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito anong napala ko ngayon? sarili kong anak nagawa kung ipapatay tapos inako ang batang papatay sa akin anong kagaguhan ang ginawa ko?.

Kailangan kong makabawi sa mag ina ko kailangan kong itama ang pag kakamaling nagawa ko gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako ni kys.

________

*KYS EUNA's POV*

____

Nagulat ako ng may mga naririnig akong ingay mula sa labas kaya napabangon ako sa kama ko sumilip ako sa bintana para makita kung ano ang nangyayari.

Napakunot ako ng noo ng makita ko si mama jean kasama ang mga maraming bampira anong meron anong ginagawa ni mama dito?.

Lumabas ako ng silid ko para alamin kung ano ang nangyayari.

"Mama anong nangyayari?" Tanong ko habang papalapit sa kanyan.

"Ang kambal nasan? Maging alisto kayo susugorin kayo ng nila rosemarry nalaman niya ng buhay ka" Seryosong sagot niya sakin bigla naman akong kinabahan.

"Iligtas nyo na ang sarili niyo kys" Muling sabi niya sa akin.

"Haharapin ko siya mama ipapalayo ko ang kambal kay fenris" Seryosong sagot ko sa kanya.

"Hindi ko iiwan ang mga kasama ko para lang makaligtas ako kailangan ko silang tulungan mama" Dagdag ko nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Nandito lang kami hindi ka naman hahayaan" Sabi niya sa akin.

"Salamat mama sasabihan ko lang po si fenris" Paalam ko sa kanya kumalas na siya sa pag kakayakap sa akin tumakbo agad ako sa silid niya para sabihan siya.

Kumatok agad ako maya maya pa ay bumukas ito halatang kagigising niya lang.

"Fenris kailangan mong ilayo ang kambal nalaman na ni rosemarry na buhay ako at balak nilang sumugod dito para patayin kaming mag iina iligtas mo ang kambal" Pakiusap ko sa kanya wala itong imik seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Kahit hindi ka makiusap sa akin kys ililigtas ko talaga ang kambal hindi ko hahayaan na mahawakan nila kahit hibla ng buhok nila sinisiguro kung walang mangyayari sa kanila" Seryosong sagot nito sa akin kinuha niya na ang jacket niya at lumabas ng silid niya.

Tumingin siya sa paligid kita ko ang pag singkit ng mga mata niya at pag igting ng panga nito.

"Nasaan ang kambal?" Seryosong tanong niya.

"Na kay zarahi sa silid ni mama" Agad na sagot ko.

"Ililigtas ko ang kambal pero sana iligtas mo din ang sarili mo ibibilin kita kay ernouf ingatan mo ang sarili mo" Seryoso na sabi niya sa akin tumango naman ako.

"Hihintayin ka namin ang pagbabalik mo sana wag mong bibiguin ang kambal” Sabi niya habang nakatingin sa mga kasama naming naghahanda na.

“Pangako gagawin ko ang lahat para sa lahat tatapusin ko na ang mga dapat mawala” Sagot ko sa kanya nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Ngumiti siya sa akin ng kumalas  na siya sa pag kakayakap sa akin.

“Sigurado akong alam na ni sue na buhay ka handa kana bang harapan ang gago na yon?” Tanong nito medyo na tawa naman ako dahil sa tawag nito kay sue.

“HIndi ko pa alam sa ngayon fenris okay na akong makilala ng kambal ang tunay nilang ama kong ang para sa amin na dalawa hindi kopa masasagot sa ngayon” Seryoso na sagot ko.

“Kapag niloko ka niya ulit kukunin kita sa kanya tandaan mo yan kys manghihiram siya ng mukha ng aso” Ngumiti naman ako sa kanya.

“Mag ingat ka ingatan mo ang kambal ko dahil kong hindi lagot ka sa akin” Tumawa naman siya.

“Puntahan mo nalang sila sa silid ni mama susunod ako don” Sabi ko sa kanya bago ako tumakbo palapit sa mga kasama namin.

“Maayos na ba ang lahat?” Tanong ko sa kanila.

“Okay na po lady rudina nakahanda na ang lahat yung iba nasa paligid na para mag abang” Sagot ng ernouf sa akin.

“Kapag may problema sabihin mo sa akin si ama nasaan?” Muling tanong ko.

“Pumunta sa silid ng iyong ina gising na daw ito” Agad akong nag paalam sa kanya halos takbuhin kona papunta sa silid ng aking ina pag pasok ko sa loob ay nadatnan kong karga karga niya si conwenna.

"Mabuti at gising kana mama" Nakangiti kong sabi sa kanya ngumiti naman siya.

"handa naba ang lahat sa labas?" Tanong ni papa sa akin tumango naman ako.

"Nakahanda na po oras na sumugod sila malalaman po natin agad" Sagot ko tsaka ko hinaplos ang mukha ni conwenna.

"Wag kayong makulit okay ililigtas kayo ni fenris" Sabi ko sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa noo.

"Mamma" Tawag niya sakin magiging maayos din ang lahat kambal ko siguraduhin yon ni mama.

Lumapit ako kay fenris dahil buhat buhat niya si ulysses hinalikan ko ng noo nito.

"Oras na sumugod sila fenris ilayo muna ang kambal magbibigay ako ng palatandaan kung nag tagumpay ba kami sa labanang ito mag ingat kayo" Seryosong sabi sa kanya tumango naman siya may tiwala ako sayo fenris alam kong iingatan mo ang kambal.

"Kailangan kong samahan ang mga kasamahan natin mama papa wag na kayong lumabas" Seryosong sabi ko sa kanila "Zarahi ikaw ng bahala sa kanila" Tumango naman siya ngumiti ako sa kanya bago ako lumabas ng silid nila mama.

"Nakahanda na ang lahat nandito na din sila ford sila mavi at drusilla susunod sila may aayosin lang silang problema" Salubong sa akin ni mama jean.

"Sabi ni drusilla siya na daw ang bahalang susunod sa kambal kong sakaling susugod sila ngayon" Sabi naman ni ayame.

"Yong regalong pina handa mo may magbibigay na sa kanya" Sabi naman ni steven tumango naman ako.

Hinawakan ni mama jean ang kamay ko napatingin ako sa kanya.

"Nakahanda na din ako mama"  

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now