KABANATA 39

Mulai dari awal
                                    

“Mga gago kayo!!!” Galit na sigaw ni drusilla ng makita si max at kiko na kasama s ulysses.

“Oh diba ang galing ng lumakad” Masayang pag yayabang ni kiko dahil sa galit ni kys ay bigla niyang sinuntok ang dalawa nagulat naman sila.

“Mga gago kayo halos mabaliw na ako kakahanap sa kanya akala ko kinuha na sya ng mga kalaban na sainyo lang pala siya! Hindi niyo man lang ako ginising na kukunin nyo siya!!” Galit niyang sigaw sa dalawa.

“Sorry kys umiiyak kasi si ulysses kaya kinuha namin ang himbing kasi ng tulog mo” Na Iiyak na sagot ni kiko habang naka hawak sa pisngi niyang sinuntok ni kys.

“Wag na sanang mauulit to maraming nadadamay na kasama natin  mga pagod sa trabaho bumalik na kayo sa kanya kanya nyong silid” Seryosong sabi ng kanyang ama tumingin muna ng masama si kys kila kiko bago binuhat si ulysses.

“Pasalamat kayo suntok lang inabot niyong dalawa sabihin ko kaya kay sue to baka patay na kayong dalawa” Pananakot ni drusilla sa dalawa agad naman silang lumapit sa dalaga.

“Wag maawa ka drusilla” Pagmamakaawa nila tinawanan naman sila ng dalaga.

“Bitawan niyo nga ako yan napapala ng magnanakaw ng bata dapat isa pa para pantay dagdagan ko gusto niyo?” Mabilis na lumayo ang dalawang binata tumakbo na sila pabalik sa kulungan ni rollin tumawa naman si drusilla.

“Tama na yan maulog na ulit tayo!” Sabi ni mavi sa kanya sabay batok tinignan naman siya ni drusilla ng masama.

“Makabatok ka naman!” Mataray na sita ni drusilla sa kanya binatokan din siya nito tsaka tumakbo papasok sa silid nila hinabol naman siya ni mavi.

----------

Hindi bumalik sa pag tulog si kys ang kambal ang pinatulog niya ulit nakatingin lang siya sa anak niya habang mahimbing silang natutulog.

“Hindi ngang natatanging anak ka ni sue uly kamukhang kamukha mo ang daddy mo” Mahinang sabi nito tsaka ngumiti.

“Makikilala niyo din siya soon kapag maayos na ang lahat sa ngayon malabo pa hindi bali nandyan naman ang mga kaibigan ng daddy niyo para tawagin niyong papa mahal na mahal kayo ni mama ulycon gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang kayong dalawa” Seryosong sabi nito tsaka hinalikan ang noo ng kanyang dalawang anak.

Tumayo na siya sa pag kakaupo naglakad siya papunta sa terrace ng kanyang silid nakatingin lang siya sa paligid habang may mga ngiti sa labi pero agad ding nawala ng may mapansin siyang tila may kakaiba sa paligid.

Agad niyang naalala si rollin dali dali siyang bumalik sa loob at isinarado ang pintuan papunta sa may terrace niya.

Lumabas siya ng silid niya kinatok niya muna ang silid nila mavi bumukas naman agad ito.

“Bakit kys?” Tanong ni drusila habang humihikab.

“Bantayan mo ang kambal may kakaiba akong napansin sa paligid pupunta lang ako kila fenris” Sabi nito hindi niya na hinintay na sumagot si drusilla mabilis na itong lumakad papunta sa kulungan ni rollin.

Lumakad na din si drusilla papunta sa silid ni kys tumingin muna sya sa paligid bago pumasok sa loob nahiga siya sa kama ni kys habang nakatingin sa kambal.

“Nag salita na ba?” Malamig na tanong ni kys pagpasok niya napatingin naman sila sa kanya 

“Ang aga mo ata natutulog kapa ba?” Tanong ni fenris sa kanya.

“Maging mapagmatyag kayo may napansin akong pagala gala kanina” Seryosong sabi nito bago kinuha ang latigong ginagamit nila kay rollin at walang sabi na pumasok siya sa loob sumunod naman agad si fenris.

“Sino pa ang mga kasama mo maliban kay rosemarry!” Sigaw ni kys bago hinampas kay roliin ang latigo na hawak niya tulad ng dati ay  ngumisi lang ito.

“Magsalita ka kung ayaw mong idamay ko ang mag ina mo!” Seryosong sabi ni kys nawala ang ngisi nito at naging seryoso.

“Wag mong idadamay ang mag ina kong babae ka!” Sigaw ni rollin sa kanya muling inihampas ng dalawang beses ni kys ang hawak niyang latigo sa likod ni rollin.

“Oras na hindi kapa nag salita hindi ako magdadalawang isip na ipakuha ang mag ina mo tandaan mo yan!” Seryosong sabi nito at pinaghahampas niya na ang likuran ni rollin hindi siya tumigil hanggang sa hindi siya mapagod.

________

*ROSEMARRY’s POV*

____

Nakatingin lang ako sa ina ni jacob habang takot na takot syang nakatingin sa akin dapat lang na matakot ka sa akin dahil ito na ang huling araw mo dito sa mundong ito kong hindi ka lang sana nagsalita  sa ina ni sue kong itinikom mo na lang sana yang bibig mo hahayaan pa kitang mabuhay.

“Ano ang sinabi mo kay jean? Sinabi mo bang ang anak ko ang tatapos sa anak niya?” Malamig kong tanong sa kanya umiling iling naman ito.

“Wala akong sinabi sa kanya maniwala ka” Sagot niya sa akin sinampal ko siya hindi mo ako mauuto rosita! Hinabol ka ni jean noong araw na yon alam kong may sinabi ka.

“Ano pa ang nakita mo sa anak ko?!” Muling tanong ko.

“Wala na wala na akong ibang nakita sa kanya” Nanginginig niyang sagot.

“Anong huling mensahe mo sa anak mo rosita?” Malamig kung tanong sa kanya habang hinahanplos ang mukha nya.

“Wag maawa ka hindi na ako magsasalita pa” Pagmamakaawa niya sa akin tumawa naman ako.

“Hindi ko kailangan maawa sa isang katulad mo dahil isa ka sa mga sagabal sa plano ko! pagkatapos kitang patayin isusunod ko ang anak mong pakialamero din!” Nakangiting sabi ko sa kanya hindi niya na mapigilang hindi maiyak.

“Maawa ka rosemarry” Pinagdikit niya ang dalawang palad niya habang nakatingin sa akin.

“Kahit umiyak ka pa ng dugo dyan hindi kita kakaawaan!” Sigaw ko sa kanya at hindi nag dalawang isip na dukotin ang puso niya nakangisi akong nakatingin sa kanya habang  nakatingin siya sa puso niyang tumitibok tibok pa winasak ko ito sa harapan niya. Tsaka ko pinutol ang ulo niya.

Hindi ka mapigilang hindi matawa habang nakatingin sa ulo nyang nahiwalay sa kanyang katawan.

Binuhay kona ang apo sa hawak lighter at hindi nag dalawang isip na ibato sa kanya yon lumakas ang tawa ko habang nasusunog ang katawan nito.

Isa isahin ko kayong lahat isusunod kita jacob mag hintay ka lang malapit na ang kamatayan mo ipagpatuloy mo  ang pagiging tapat kay sue at sa pamilya niya, Ano kayang mararamdaman mo ngayon wala na ang iyong ina ni hindi ka man lang natulungan ng pinoprotektahan mo sarili mong ina hindi mo na protektahan.

The Last Blood [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang