Kinapa ko ang paligid ko, dahan dahan akong nagmulat ng mata, kinusot ko ang mga mata, nagtataka ako dahil hindi pamilyar sa'kin ang buong kwarto.

Bumangon ako at inalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko. sinuot ko lang ang tsinelas ko.

Lumabas ako ng kwarto, linibot ko ang tingin sa living room hanggan sa tumama ang tingin ko sa taong natutulog sa sofa.

Naglakad ako papalapit sa kanya, lumuhod ako at tiningnan mabuti ang kabuoan ng mukha nya.

Ngayon ko lang napansin ang haba pala ng pilik mata nya at itim na itim ang makapal nyang kilay.

Hindi ko mapigilan mapangiti, Ang gwapo nya kahit ubod ng sama ang ugali.

Hindi ko na napigilan ang sariling haplosin ang pisngi nya, natatakot din ako na baka magising sya.

"Kung sana lang naging mabuti kang asawa hindi tayo aabot sa puntong kailangan kong itago ang lahat"

Kakaunti palang ang na aalala ko pero hindi ko mo na iyon sasabihin sa kanya, Gusto ko kapag nalaman nila tuluyan ng bumalik ang alaala ko hindi iyon putol putol pa.

Binitawan ko sya ng bigla nalang sya gumalaw, agad akong napatayo ng magmulat sya ng mata.

"Do you need anything?"bumangon sya at kinikusot pa ang dalawang mata.

Kalahating gabi pa lamang.

Umiling ako, sana lang wala syang narinig sa sinabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinaupo ako sa kandungan nya. uminit ang pisngi ko ng amoyin nya ang leeg ko.

"Archer-"saway ko sa kanya, nakikiliti ako.

Naglakbay ang dalawang palad nya sa bewang ko, halos hindi na ako makagalaw sa ginagawa nya.

Pinatong nya ang baba sa balikat ko.

"I miss this moment Avery"hinalikan nya ang pisngi ko.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinaglalaruan ang kuko ko.

Pamilyar na pamilyar sa'kin ang ganitong pakiramdam, para bang hinahanap ko buong araw at si Archer ang kayang magparamdam sa'kin.

"Damn baby! para na akong pinatay sa loob ng tatlong taon, hindi ko kayang mawala ka ulit sa'kin"

Inipit nya ang hibla ng buhok ko sa tainga ko, hanggan balikat ko lang naman ang buhok ko.

Hinaplos nya ang pisngi ko at dahan dahan nyang pinaglapit ang labi namin dalawa.

Pumikit ako at niramdam ang mainit nyang labing dumadapo sa labi ko, tumugon ako sa bawat halikan namin, sinabit ko ang dalawang kamay sa balikat nya.

Habol habol ko ang hininga ng tuluyan magbitaw ang labi namin.

"Tasted like strawberry"

Gamit ang singlalaki ng kamay nya pinunasan nya ang gilid ng labi ko.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, Nararamdaman ko na naman ang sinasabi nilang butterfly in my stomach.

"Let's sleep"humikab ako.

Tumango sya, tatayo na sana ako ng pigilan nya ako.

"Dito na tayo matulog"

Kumunot ang nuo ko, malaki naman ang sofa sakto sa dalawang tao pero baka mahulog kaming dalawa kapag naglikot ako matulog.

"Baka mahulog tayo"kinakabahan kong sabi.

"Hindi tayo mahuhulog dahil matagal na akong nahulog sayo Avery"he smirked.

Damn it, bumanat pa natatakot na nga ako baka mahulog ako tapos ganito sya.

My Unwanted Wife (Book 2)Where stories live. Discover now