Chapter Three - Reading

21 11 0
                                    

"C'mon, bro. Sumali ka na! Ngayon lang 'to!" Sabi ni Sebastian nang makalabas na ang teacher sa classroom namin. "KJ mo naman!"

Nagkanya-kanyang grupo na ang iba naming kaklase habang kaming lima ay nasa pinakalikod ng mga upuan, nakatingin kay Jonathan na yamot na yamot na inaayos ang gamit.

"It's tiring, Seb. Try to fit in my shoes, bro." Sagot ni Jonathan.

I am not even surprised if one of the people who will not participate in this kind of event is Jonathan. He's been a lazy ass ever since day one. Gusto na siguro n'on matulog sa bahay nila at who knows... Baka may iba pa siyang ginagawa sa gabi kaya ganyan siya kapagod kapag umaga at hapon.

Hindi katulad ko na maaga natutulog at gumigising dahil maganda iyon sa kalusugan. Ang mga taong 'to, binibigyan na nga ng oppurtunidad na ayusin ang sarili tapos kung hindi sinunod... Sasabihing, ayaw ko pa mamatay! Bata pa ako! May pangarap pa ako! And so on...

"J-Jonathan, the more the merrier." Narinig kong nahihiyang wika ni Coran. Bumaling ako sa kanya at nakita ang mahigpit na pagsiklop ng mga kamay niya sa harap ng dibdib.

Medyo tumatama na sa akin ang pagkamahiyain ni Coran, a'. Mukhang magiging mahiyain na ako any moment... pero walang particular time. Siguro sa next life ko?

"Coran is right, Jon. Mas masaya ang event kung kasama ka." Si Nazreal.

"Masaya?" I ask them. I don't find it happy when Jonathan is with us. He's dragging us down with his laziness. Wala rin iyong kaibahan. Hindi naman napapansin ang presensya niya, kung napapansin man, kasama niya si Damian Estrova. Kasama niya ako!

"Same tayo, Dam! Hindi ako sang-ayon na may kaibahan kung sasali man si Jonathan o hindi." Si Sebastian.

E, bakit mo pinipilit na sumali?

Malalim na bumuntong hininga si Jonathan kaya napatingin kami sa kanya. "Kapagod magsalita. Have fun guys." Sinakbit niya ang bag sa kanyang balikat. Pagkatapos ay isa-isa niya kaming tinapik sa mga balikat namin at naglakad patungo sa pinto.

Sinundan siya ng tingin ng iba. Bumuga ako ng hangin at bumalik na sa aking pwesto. Umupo ako at bumaling sa pwesto noong hinayupak na nerd at napasinghap nalang sa pinanggagawa niya.

Can't he see? We are all busy with our plans tapos nakaupo lang siya at nagbabasa? Sa anong dahilan ba siya sumali sa camping na 'to?

Dapat ako lang ang good student dito! Dapat nag-iisa lang ang Damian Estrova!

"Punta tayo sa lahat ng tent, ha! Pwede naman siguro iyon 'di ba?"

"Pwede 'yan! First time nating maranasan ang ganito dahil walang girl's scout sa private school!"

"Ang swerte ni Kathryn at classmate niya ang crush ko!"

"Mas swerte tayo 'no!"

"Ay, oo nga!" At nagtawanan ang mga babaeng nasa gilid ko.

Mamayang alas singko ng hapon magsisimula ang event at may tatlong oras pa kaming maghanda. Pwede kaming umuwi sa mga bahay namin para kumuha ng damit at gamit na gagamitin sa loob ng isang gabi. Saturday bukas at matatapos ang 'camping' bukas ng umaga.

Dahil walang magawa, naglabas ako nang random na libro galing sa bag ko at nagplanong magbasa. Pero nang maisip na iyon ang ginagawa ng hinayupak ay binalik ko nalang iyon sa loob ng bag. Baka masabihan pa akong manggagaya!

Yamot ang mukha, umikot ang mga mata ko sa paligid para hanapin si Coran.

Mukhang may alam siya sa nerd na 'yon kaya kikilatisin ko siya.

Sakto at wala rin siyang ginagawa sa upuan niya. He looked lost amid a busy room. Sumitsit ako at agad bumaling ang mga mata niyang parang maiiyak sa akin.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa upuan ko. Kumiling ang ulo niya sa gilid at naukit ang pagtataka sa kanyang mukha. Sinamaan ko siya ng tingin at muling sumenyas sa kanyang lumapit.

"A-Ano 'yon, Damian?" Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng lamesa ko.

"Sit." Tinuro ko ang kaharap na upuan at sinenyasan siyang umupo roon. Ang nagmamay-ari naman ng upuan ay willing naman binigay kay Coran habang namumula ang pisngi.

Nagpasalamat si Coran sa babae at umupo na siya sa harap ng lamesa ko. Bale, magkaharap kami.

"Anong pag-uusapan natin?"

"About that damn nerd."

"N-Nerd?! Si Gio ba ang s-sinasabi mo?"

"What else, Coran?" Sarkastiko kong tanong.

Napapahiya naman siyang yumuko at nagsorry. Bakit pa naging kaibigan ko 'to? Napakamahiyain!

"Mukhang madami kang alam sa nerd na 'yon kaya sabihin mo sa akin."

"H-Huh?" Nag-angat siya ng tingin. "Hindi ko naman siya ganoon ka kilala, Damian."

"You know his full name, Coran." I knock some sense to him. Maliban sa pangalan niya, nerd siya at transferee, wala na akong ibang alam tungkol sa hinayupak na iyon. Nakababa ng pride na maliit lang ang alam ko tungkol sa kanya habang itong kaibigan ko ay may alam.

Magpapalagpas pa ba ako? Si Damian Estrova yata 'to! Magaling ako sa lahat!

"N-Nag-usap lang kami sa library, Damian. H-Hindi naman iyon nasundan..."

"Anong klaseng libro ang binabasa niya sa panahong iyon?" Tanong ko, medyo naiinis dahil walang kwenta itong kaharap ko.

Hindi agad siya nakasagot. Nagkasalubong ang mga kilay ko at nagtagal ang tingin sa kanya. Para siyang nag-iisip. Bumaling ako sa pwesto ng hinayupak at nakitang hindi na siya nagbabasa. Iniikot nalang niya ang ballpen sa kamay habang ang isa ay nakaikot ang daliri sa sentido. Parang nahihilo.

"Ano na, Coran? Aabutin tayo ng taon dito!"

"S-Sorry... Hindi ko kasi matandaan."

Bumalik ang tingin ko sa kaharap. This is hopeless... "'Wag na nga lang--"

"A-Ahm... Natatandaan ko na." Pinutol niya ako. Umangat ang isang kilay ko at naghintay.

"Tungkol yata iyon sa u-utak... Damian. Yong binabasa niya."

Big Brain: What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon