Chapter 2

25 7 0
                                    


" Honey, gising na! " gaya ng nakasanayan nagising na naman ako sa bunganga ni papa. Yung bunganga ni papa kulang nalang gawin kong announcer ng buong barangay.

" Eto na po." Aniya ko bago bumangon at ayusin ang sarili.

"Ngayon ang araw.... papa hindi na ako kakain babye " sambit ko at nagmadaling umalis.

" P-pero honey.... hay ang batang iyon talaga napaka pilya "

"Hindi na ako makapag hintay ibigay ang letter kay marco hehe kilig na naman. Honey faith umayos ka dapat hindi ka tameme mamaya. " Sambit ko sa aking sarili.

Nag hintay ako ng bus na sasakyan ko papasok sa eskwelahan...

(6 minutes later...)

"honey! " rinig ko na sigaw ni coleen.

Honey: coleen, ngayon na! nakita mo naba si marco ha, ha?

Fana: speaking marco ayan na ang iyong marco, sweety honey. sabay turo ni fana sa hindi kalayuan.

Kahit malayo kitang kita ang kagwapuhan ni marco.

"Ano pang hinihintay mo honey? puntahan mo na dali! " sambit ni coleen sabay hatak sakin papunta sa harap ni marco.

" H-h-hi, m-marco! " utal-utal kong bati.

" Anong kailangan mo? " sarkastiko nitong sakin. Hindi ko lubus akalain na masungit siya.

" W-wala naman gusto ko lang sana ibigay to sayo !" sambit ko sabay abot sa love letter. kinakabahan ako pero go parin.

" Sino ka? " sambit ni marco.

" A-a-ako? " pagtatakang sagot ko.

" Obvious naman diba? " ani niya.

" Honey faith cabello,y-you can call me h-h-honey. "

" Hahahaha honey huh! " sambit niya sakin sabay kuha sa letter.

" Ah sige mauuna na ako salamat marco! " malaking ngiti ang iginawad ko sa kanya.

" Tssss! stupid. " rinig ko na sabi niya. Parang gusto ko bawiin ang letter pero ayoko. Pasapak nalang isa lang gigil ako ha!.

Coleen: ano tinanggap ba?.

" Oo, pero alam mo pangit pala ugali niya. "

Coleen: talaga honey?.

" Oo tinawag niya akong stupid, Nakakainis siya!"

Fana: hayaan mo na honey maganda ka naman brain doesn't matter.

Coleen: totoo honey tyaka hindi lang naman ikaw ang bobo rito, lahat tayo bobo kaya nga nasa section 8 tayo e hehe.

" Jj boys! " malakas na sigaw ni ma'am jane.

" Ano ba 'yan Jericho, john ramos, jason, justine. Ginagawa niyong spot ng rayot ang school kayo talaga pinapasakit niyo ang ulo ko. "

Ngayon alam niyo na kung bakit jj boys sila bukod sa puro nag sisimula sa j ang name nila nga jejemon rin sila.

Ma'am jane: honey bat ganyan ang itsura mo, umayos ka.

Coleen: ma'am sinabihan po kasi siya na stupid nung new student.

Jericho: h-ha S-sino nagsabi sa honey mi'love ko?

Fana: yung new student nga bobo ka talaga.

Ma'am jane: sa bagay may tama naman siya. Pero huwag ka mag papaapekto mas matimbang ang tao maginoo, marespeto kaysa sa matalino. Tama ba ako class?.

" Opo " sagot ng lahat sa kanya.

Ma'am jane: yan good ngayon coleen dala mo ba ang manicure set mo?.

coleen: syempre naman po ma'am .

Ma'am jane: linisan mo ako ng kuko gusto ko yung may design gandahan mo ha, Kayong lahat gawin niyo nalang kong ano ang gusto niyo.

"Opo ma'am jane " sagot ng lahat kay ma'am jane.

Coleen: ma'am maganda po ang korte ng kuko mo, malambot din ang mga paa mo, attractive po ito tignan lalo na kong nakatakong ka!

Ma'am jane: talaga ba?

Coleen: opo ma'am, totoo po.

" Ms. Jane, ano ang ginagawa mo!" sigaw ng principal sa teacher namin.

Sa ganito lang umiikot ang araw ko sa school nakaka boring talaga.

" Coleen, fana mauuna na ako umuwi ha babye! "

" babye honey! " masayang sambit ng dalawa sa'kin.

" Hoy, Stupid duckling leg! "Gulat ko na tawag sakin ng isang lalake mula sa likuran ko.

" Anong duckling leg?? sambit ko sabay lingon...Si marco pala 'yon nag sisimula na ako mainis sa ugali niya. Pinapahiya niya ako sa maraming tao.

"Ano bang kailangan mo? nakakainis kana!" Galit kong saad.

Marco: Gusto ko lang isauli 'tong love letter mo.

Honey: H-ha isasauli?

Marco: Mag aral ka muna kahit simpleng pag gamit ng punctuation marks hindi mo alam.

"love letter? honey anong love letter?."Malditang sambit ni hailey.

Hailey: Oww look guys ang lakas ng loob mag bigay ng love letter ang isang katulad niyang bobo!

" Share mo lang ?." saad ko sabay kuha sa love letter. Umalis ako agad dahil nahihiya ako andaming tao na nakatingin sa akin at bahagyang nabubulungan pa ang mga ito.

Naisipan ko mag lakad-lakad muna sa tabing ilog bago umuwi, Papalipasin ko muna ang galit ko duon.

5:15pm na at kailangan ko na talaga umuwi dahil gabi na.Sumakay ako ng bus at naghintay sa lugar na bababaan ko.

" Pa nandito na po ako." Mahinang aniya ko.

" Oh anak bat parang malungkot ka?kaninang umaga sobrang saya mo tapos ngayon malungkot kana...Baka gutom lang 'yan kumain ka muna rito."Sambit ni papa bago ako hinainan ng pagkain.

"Thankyou papa, Ikaw lang ang pinaka-mabait na lalakeng kilala ko!" aniya ko sabay kumain ng pakain na hinain niya.

Hindi na kami nakapag-usap nang matagal ni papa dahil may customer na dumating sa shop.Sa second floor kami ng shop nakatira ni papa ibenenta niya kasi ang bahay namin para mapagawa itong shop pero ayos lang naman dahil doon ay may pang-gastos kami araw araw.

Pagkatapos ko kumain ay umakyat na agad ako at tumungo sa kwarto ko.Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang love letter na isinauli niya sakin.

Binuksan ko ito at nagulat ako sa naging laman ng love letter na ginawa ko...

dear marco

(Dear: Marco )

Maligayang kaarawan (!) alam mo bang crush kita(,) sobrang (Sobrang) maamo ang muka mo kahit sinong babae ay mabibihag mo(.) bilib ( Bilib) din ako sa talino mo(.) sana (Sana) mapansin mo ako happy birthday uli!.

(pangalan ng may gawa.)

Honey faith cabello ayusin mo ang pag-susulat ng liham kahit bata ay marunong non.Sa edad mo 'yan hindi mo parin ba alam ang pag-gamit ng punctuation marks?...Ayoko bigyan pansin ang mga babaeng walang alam katulad mo.

Nagulat ako sa nabasa ko.Pinapamuka niya talaga na wala akong alam.Ano naman kong wala at least marunong ako rumespeto at makisama hindi katulad niya.

Fondness of afflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon