Kumunot ang nuo ko, maghihintay pa sana ako ng sasabihin nya pero hindi nya tinuloy.

Tumayo sya at naglakad papunta ng kusina, limang minuto na lang paghihintay ko bumalik na rin sya at may dalang dalawang kape.

Inabot nya sa'kin ang isa, kinuha ko iyon at uminom, hindi talaga ako mahilig magkape pero malamig ang panahon.

Umupo ulit sya sa tabi ko.

"Tina paano kung bumalik ang alaala mo? iiwan mo ba kami dito?"seryoso nyang tanong.

Binaba ko ang kape.

Napaisip ako bigla.

"Hindi ko kayo iiwan, kung pwede nga lang itali ko kayo sa poder ko gagawin ko"pagbibiro ko.

Para na rin pamilya ang turing ko kay Kaloy, sa tagal namin magkasama.

Kung darating naman talaga sa punto na bumalik ang alaala ko wala sa plano kong iwan ang mga taong nagmamahal sa'kin habang wala ako.

May parte pa rin talaga sa'kin na gusto kong malamang kung sino ang mga magulang ko o ano ang buhay ko noon.

Ang hirap hirap itanong sa mga taong hindi mo naman lubusan kilala, kagaya nalang ni Archer, bat ko na naman naisip ang lalaking iyon?.

Isang linggo na rin noong huli kaming nagkita.

"Tina"winawaygay ni Kaloy ang kamay malapit sa mukha ko.

Napakurap kurap ako, hindi ko namalayan nakatulala na naman ako.

"Okay kalang?"nag-aalala nyang tanong.

Tumango ako pero sa loob loob ko hindi talaga, ilan araw din kasi ang lumilipas na may napapanaginipan ako, masyadong malabong panaginip.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko totoong nangyari sa'kin, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Kaloy pwede bang mangyari ang mga nasa panaginip?"tanong ko.

Nag-isip mo na sya sandali bago ako sinagot.

"Depende rin, kung malakas talaga ang connection mo sa panaginip"

Isang katahimikan ang namamatigan samin dalawa, masyadong malalim para maintindihan ko ang ibig nyang sabihin.

Nagkatitigan kaming dalawa, kumalabog ang dibdib ko ng unti unti nyang ilapit ang sarili.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, ilan pulgada na lang maglalapit na ang labi namin dalawa.

Pinikit nya ang dalawang mata, magsasalita sana ako pero may biglang sumipa ng pintuan.

Pareho kaming napatayo sa sobrang gulat, nanlaki ang mata ko ng pumasok si Archer at galit na lumapit samin.

"Anong ginagawa mo d-"pinutol nya ang sasabihin ni Kaloy.

"Shut up Kaloy, she's mine"

Hinawakan nya ang wrist ko kaya nabitawan ko ang kumot, halos kaladkarin na nya ako palabas ng bahay.

"Sir nasasaktan sya"sigaw ni Kaloy, akmang susunod si Kaloy ng pigilan sya ni Archer.

Pilit kong inaalis ang kamay nyang nakahawak sa wrist ko, masyadong mahigpit kaya nasasaktan ako.

Dinala nya ako sa likod ng sasakyan, buti nalang tumila na rin ang ulan.

"Ano ba? bitawan mo nga ako nasasaktan ako"sigaw ko sa kanya.

Sinandal nya ako sa sasakyan at binitawan ang kamay ko, sobrang gulat ko ng hampasin nya ang salamin  ng sasakyan kaya nasira iyon.

"Dapat ako lang ang may gusto sayo, tan*ina! bakit sila nakikisali?"galit na galit nyang sigaw sa harap ko.

Tumalikod sya at ginulo ang buhok, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Napansin kong nagdudugo ang kamay nya dahil sa paghampas nya sa salamin.

"Archer"mahina kong tawag sa pangalan nya.

Binalik nya ang tingin sa'kin.

Bumaba ang tingin nya sa wrist kong namumula, hinawakan nya iyon at hinaplos.

"Sorry! hindi ko nacontrol ang sarili ko, Wife hindi ko kayang makita kang hinahalikan lang ng kahit sinong lalaki"

Kumuyom ang dalawang kamao nya, Pinipilit nya lang maging mahinahon.

He was shocked when i pushed him, bago pa bumuka ang bibig nya isang sampal na ang binigay ko sa kanya.

"What the f*ck"

Umigting ang panga nya, hawak nya ang kanan pisngi kung saan tumama ang sampal ko. kulang pa rin ang ginawa ko.

"Sinira mo ang pintuan ng bahay nila Kaloy "malakas na sigaw ko sa kanya.

Napaka dali lang sa kanya manira dahil hindi naman nya pag-aari at may pera sya para ipagawa iyon ng ganoon kadali.

Tatalikuran ko na sana sya ng pigilan nya ako.

"Aayusin ko kung yon lang ang kinakagalit mo"

"Talaga?"

"Yes"

Ngumiti ako, tingnan nalang natin kung maayos mo talaga ng mabuti.


My Unwanted Wife (Book 2)Where stories live. Discover now