Nag seat belt nalang ako, binuhay nya ang makina tyaka pinatakbo ang sasakyan.

Hindi naman ganoon kabilis ang pagtakbo, wala rin naman trafic dito sa Palawan.

Walang nagsasalita samin dalawa hanggan sa tumigil na ang sasakyan, tumingala ako at tiningnan ang hotel kung saan ang tinutukoy nya..halos mapanganga na ako sa sobrang laki.

"Kaninong hotel?"liningon ko sya.

"Kay Dad"simple nyang sagot.

Napatakip ako ng bibig at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita, kahit kasi nandito ako sa palawan hindi pa rin ako nakakapasyal dahil hindi pumapayag si Lola, baka kasi kahit saan lang ako abutin ng pananakit ng ulo.

Inalis nya ang seat belt ko, paglabas nya ng sasakyan lumibot sya ulit at pinagbuksan ako.

Mas lalo akong namangha ng makita ko ng malapitan. ang yaman naman nila.

"Magkano inabot ng pagpapagawa nyan?"tinuro ko ang hotel.

Sobrang taas...ilan floor kaya?

"Billion...i don't know....stop asking too much Avery"

Inaya nya akong pumasok ng hotel, halos lahat ng tingin ng mga tao nasa amin o nasa akin dahil para akong hinuhusgaan sa paraan ng titig nila.

Pambahay lang naman ang suot ko walang wala kumpara sa mga suot nila, naiilang na ako sa titig kaya tumigil ako sa paglalakad.

Aalis nalang ako, uuwi nalang ako sa bahay.

"What do you think your doing Avery?"lumapit sa'kin si Archer.

"Ang sama ng tingin nila Sir, Mukha ba akong yaya mo?"

Nagulat ako ng bigla nyang pagtiklopin ang palad namin, hindi ako makagalaw sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Anong-"nilagay nya ang sinturo sa bibig ko at pinigilan ako sa pagsasalita.

"Sumunod kalang sa'kin, sabihin mo lang kung kanino ka hindi comfortable aalisin ko mismo ngayon"

Linibot nya ang tingin sa mga taong nakatingin sa'kin, nagtaka ako ng bigla nalang sila magsialisan ng hindi nagsasalita.

"Let's go"mahigpit ang pagkakawak nya sa kamay ko

Pumasok kami ng elevator, agad kong inalis ang kamay kong hawak nya, sinundan nya ng tingin.

Sa 23th floor kami pumunta, pagbukas ng elevator nauna na syang lumabas kaya sumunod ako.

Binuksan nya ang condo gamit ang card nya, pinauna nya akong pumasok sunod naman sya.

Linibot ko ang tingin sa loob ng condo, naglakad ako papalapit sa wall kung saan nakasabit ang malaking picture frame.

Hinaplos ko ang picture kasabay ng pagtulo ng luha ko, I'm not expecting na ganito pala ako kaganda.

Simpleng puting dress lang naman ang suot ko pero bagay na bagay sa'kin, linipat ko ang tingin kay Archer. nakakunot ang nuo nya habang nakahawak sa bewang ko, pinilit lang ba sya ikasal?.

Napako ang tingin ko sa baba ng picture frame kung saan nakalagay date.

"May 9 2005?"

"Date ng kasal natin"

"Hindi tayo nagkaroon ng anak?"umiling sya bilang sagot

"Pitong taon na tayong kasal, bakit hindi tayo nagkaroon ng anak?"liningon ko sya sa likod, umiinom sya ng tubig"Baog kaba?"

Naibuga nya ang iniinom tubig, pinunasan nya ang labi nyang basa.

Kumunot ang nuo ko ng tingnan nya ako ng seryoso, naglakad sya papalapit sa akin kaya napaatras ako.

"Anong ginagawa mo?"patuloy ako sa pag atras hanggan sa tumama ang likod ko sa picture frame.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng sobrang lapit namin dalawa, amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga tumatama sa mukha ko.

"Paano mo nalamang pitong taon na tayo? Naalala mo na?"hindi ko alam kung tama ang nakikita ko sa mata nya pero buhay na buhay ang kislap ng mga mata nya.

Umiling ako, dismaya syang bumuntong hininga.

Umatras sya at tumalikod sa'kin, kinuha nya ang basong nilagay nya sa gilid at uminom ulit.

"Sabi ni Lola Tatlong taon na ako sa kanila at apat na taon naman tayo, nag plus lang ako"

Tinalikuran nya ako at lumabas ng kwarto, hinayaan ko na lang sya, binalik ko ulit ang tingin sa picture frame.

Parang gusto kong kunin at ilagay sa bahay ni Lola ang picture, ang ganda ko kasi kaya gusto kong itago.

Yong lang ang picture dito sa loob ng condo, lumabas ako at pumunta ng kusina, hindi naman ganoon kalaki ang kusina.

Naabutan ko syang naghahalokat sa ref, nakakunot ang nuo nya.

"Anong hinahanap mo?"

Tumayo sya at pinakita sa'kin ang itlog na hawak nya.

Kinuha ko iyon sa kamay nya.

"Asan ang nanay ng itlog nayan?"

Naguluhan ako sa tanong nya.

"Para saan naman?"

"Lulutuin ko lang ang nanay ng itlog"

Halos sumabog ako ng tawa.

"Hahahah"pahawak ako sa tyan ko dahil sa pagtawa ko.

Ilan oras akong tumatawa, naluluha na ako.

"Hahaha"kahit anong pigil kong wag tumawa lumalakas pa rin ang tawa ko, ang yaman nya hindi nya alam ang tawag sa chicken.

"Stop Avery"inis nyang sambit.

"Sorr-hahaha"

Tinitigil ko na ang pagtawa ng mapansin kong napipikon na sya dahil sa'kin.



My Unwanted Wife (Book 2)Where stories live. Discover now