KABANATA 7

9 1 0
                                    

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, attorney Domingo?" Tanong niya pero nasa akin ang buong attention at kung nakamamatay ang matalim na tingin malamang ay kanina pa ako humandusay sa makintab niyang sahig.

Nilapag ni Mariz ang mga dala kong papel sa ibabaw ng table ni Lance. Agad naman niya iyong sinuri isa-isa. Pagkatapos ay muling nag angat ng tingin.

"Ako ang kasalukuyang may hawak sa kasong 'to." Aniya.

"That's why, we're here. Dahil alam ko na ikaw ang makakatulong kay Miss Medina." Ani Mariz at nginitian ako. "Gusto ko sanang tumulong, pero mukhang hindi niyo na naman kailangan ang help ko, dahil sigurado naman ako na kaya niyo 'yang ipanalo mag isa." Nakangiti niyang saad kay Lance.

"Let see." Ani Lance habang sa akin ang attention. Sa paraan ng titig niya, alam kong may pinapahiwatig siya. Kaya sinalubong ko ang titig niya. Nagkakamali siya ng iniisip.

"Ahm, thank you, Attorney." Sabi ko kay Mariz. She just nodded habang nakangiti.

"So, paano po? Mukhang kailangan niyo pang mag usap ni attorney tungkol sa kaso. Mauuna na po ako…" Bulong niya habang nakangiti parin. "Attorney, mauna na ako. Ikaw na ang bahala kay Miss Medina." Ani Mariz. Bago siya umalis ay nginitian niya ako ng makahulugan.

"Mahilig ka talagang makipaglaro." Pagsisimula niya sa usapan nang makaalis si Mariz.

"Hindi ko alam na…ikaw pala ang tinutukoy ni attorney Domingo na makakatulong sa akin. At kung iniisip mo na, kasabwat ako ni Trevor, nagkakamali ka. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para makipagsabwatan sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang maging sakim. At mas lalong hindi pa ako nasisiraan ng ulo para ipahamak ang sarili kong pamilya."

"Hindi ba, ganun ka rin naman? Sakim ka rin katulad nila. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagawa mong ipapatay ang mga kasamahan mo. Makasarili ka! Wala kang pinagkaiba sa mga taong nagpalaki sayo!" Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero hindi ko ginawa. Hindi sa lahat ng oras ay pwede kang magpaliwanag at ipagtanggol ang sarili mo sa ibang tao. Minsan nakakapagod ring magsalita lalo na kung ang taong kausap mo ay sarado ang utak.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. I don't mind. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan ng pamilya ko at ng buong mamayan ng San Carlos. Kaya sana, kung maaari, isantabi mo muna ang galit mo sa akin." Matapos kong sabihin 'yon ay umalis na ako. Nagpasalamat ako sa mabait niyang Secretary.

Bago ko tuluyang nilisan ang lugar ay dumaan muna ako kay Attorney Domingo upang muling magpasalamat.

"Nagkausap ba kayo ni Attorney Domingo?" Tanong ni Christine habang kumakain kaming tatlo.

"Yup,"

"Anong sabi niya? Matutulungan ka ba niya?"

"Si Lance ang kasalukuyang may hawak sa kaso, kaya alam niya na si Trevor ang may pakana sa lahat ng nangyayari sa San Carlos."

"Kung ganun, posibleng may kinalaman si Tita Lucy sa nangyayari?" Tanong ni Maia.

"Sino ba ang makikinabang kapag napasakamay ni Trevor ang buong lupain? Hindi ba silang dalawa lang din? Kaya malamang may kinalaman siya sa nangyayari or worse baka nga idea niya ang lahat eh!" I said.

"Kausapin mo si Tita. If ever man na kasabwat siya ni Trevor, ask her to stop. I'm sure, she will listen to you." Maia said.

"Kapag kinausap ko siya, malalaman niya na nakikipag kita ako kay Mama. Baka anong gawin niya kay Mama. I won't let that happen."

"Tama si Nicole. All we have to do right now is to trust Attorney Gallego. Sigurado ako na hindi niya pababayaan ang mga mamamayan ng San Carlos." Ani Christine.


Waves After Waves ( Love Of Attraction Series 1)Where stories live. Discover now