UMUGONG ang malakas na palakpakan sa loob ng regional court. Agad na nagprotesta ang kabilang panig ng malamang natalo sila. Sa simula pa lang ng paglilitis ay alam ko na ang magiging resulta. Hindi mahirap patunayan na peke ang mga papeles ni Trevorsio Alvarez na umangkin sa lupain ng mga mamamayan sa San Carlos.

"Hindi pa tayo tapos, Attorney Gallego. We will file this case with the court of appeal o kahit sa supreme court pa just to win!" Mariing saad ni Attorney Olicarpio. Nanginginig 'to sa galit. I smirked.

"See you." Maikli kong saad at tinalikuran sila. Hindi ako natatakot sa mga banta nila dahil sanay na ako.

"Attorney, maraming-maraming salamat sa inyo!" Saad ng kapitan.

"Walang anuman, po."

"Kung hindi dahil sa inyo, malamang matagal na kaming napaalis sa lugar namin."

"Tungkulin ko po 'yon."



"ANONG ginagawa mo dito?" Malamig niyang tanong nang lapitan niya ako. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala gayong sobrang kapal ng make up ko, dagdagan pa ng makapal kong fake bangs para hindi ako makilala ng mga tao. Lalong-lalo na ng mga tauhan ni Trevor. Kulay puti ang suot kong longsleeve top, na pinarisan ko ng itim na midi skirt at itim na wedge. Kaya nagtataka ako kung bakit niya ako nakilala gayong kahit ako, when I saw my reflection sa salamin ay halos hindi ko rin makilala ang sarili ko.

"Paano mo ako nakilala?"

"It's doesn't matter. Sagutin mo ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?"

"Nagpunta ako dito dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyayari. Congratulations! Salamat din." Saad ko.

"Tungkulin kong tumulong sa mga nangangailangan."

"Alam ko, kaya salamat. Pero mag iingat ka, dahil hindi basta-basta ang mga nakatunggali mo. Hindi sila tumatanggap ng pagkatalo, at mas lalong hindi sila tumatanggap ng kahihiyan."

"Hindi ako natatakot."

"Alam ko. I'm just reminding you. Again, thank you. Mauna na ako." Saad ko at tinalikuran na siya.

Naglalakad na ako sa hallway nang makita ko si Sebastian kasama si Emilio Olicarpio, ang abogadong nakatunggali ni Lance. May kausap si Sebastian sa kabilang linya, agad akong umatras at nagtago.

"Boss, Lance Gallego ang pangalan," Saad niya. Hindi ko narinig ang sagot ng kabilang linya. "Ngayon na ba? Saktong-sakto, nasa loob pa siya," Muling nakinig si Sebastian sa kabilang linya. "Ipapaalam ko ka agad sa mga tauhan—masusunod—sige…"

"What did he said?" Atat na tanong ni Olicarpio.

"Patayin daw si Gallego."

Umalis na sila pero hindi pa rin ako nakakagalaw sa aking kinaroroonan. I'm still shocked. Matagal bago nag sink in sa utak ko ang mga narinig. This can't be! Kailangan 'tong malaman ni Lance. Nasa panganib ang buhay niya!

Pabalik na sana ako sa loob ng makasalubong ko si Lance. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi dahil nasa harapan ko siya, kundi dahil sa mga nalaman ko. Nanghihina din ang mga tuhod ko na para bang any moment ay babagsak ako.

"Akala ko ba umalis kana?" Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. "I'm asking you, why are you still here? Bakit ka bumalik?"

"M-May kailangan kang malaman…May…may," Hindi ko matuloy-tuloy ang nais kong sabihin dahil parang babaliktad ang sikmura ko sa sobrang kaba!

"What?"

"L-Lance, kailangan mong mag ingat. Nasa panganib ang buhay mo ngayon,"

"Bakit? May nagbabanta na naman ba sa buhay ko?" Parang wala lang na tanong niya.

"Narinig ko si Sebastian, i-inutusan siya ni Trevor, na…na patayin ka!" Nanginginig kong saad! Pero parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko! "Are you listening to me?!" Medyo tumaas ang boses ko nang hindi ko napigilan. "Bakit parang wala lang sayo ang mga sinasabi ko? Hindi ka ba natatakot?"

"Bahagi na 'yon ng trabaho ko, Miss Medina. Hindi 'yon maiiwasan." Nagulat ako sa naging sagot niya!

"What?! Hindi ka ba natatakot sa posibleng mangyari?! Kung dati, puro death threats lang ang natatanggap mo, ngayon, I doubt! Walang kinikilalang tao si Trevor, kapag sinabi niyang papatayin ka niya, papatayin ka niya!"

"Kung papatayin niya ako, then I'm dead." Kibit balikat niyang saad.

"Of course mamamatay ka! Talagang mamamatay ka kapag hindi mo seneryoso ang mga sinasabi ko!"

"Bakit ko gagawin 'yon? Hindi ba, makikinabang ka rin naman kapag namatay ako?" Mapang-uyam niyang tanong na ikinatigil ko pangsamantala. "I'm giving you a chance, now. You should be at least say thank you to me. Pagkakataon mo na 'to, Miss Medina. Ngayon palang, magsaya kana."

"Ganun ba talaga ka sama ang tingin mo sa akin? Do you really think, kaya kong magdiwang kung alam kong may mga taong napapahamak? How dare you! Wala kang karapatan na husgahan ako! Dahil hindi mo ako kilala!" Nagsimulang pumatak ang mga luha ko pero agad ko rin 'yong pinahid.

"Sa tingin mo ba, naging madali para sa akin ang nangyari sa mga kasamahan ko? Sa tingin mo ba nakakatulog ako ng mahimbing gabi-gabi?! Oo buhay nga ako! Buhay na buhay ako pero para narin akong namatay, Lance! Hindi mo alam kung anong mga pinagdaanan ko sa loob ng halos nine months na pananatili sa loob ng hospital! Hindi naging madali para sa akin ang mga nangyari! Alam kong nasaktan ka ng sobra dahil sa pagkawala ni Abigail, pero hindi mo alam, hindi mo alam…nasasaktan din ako…Mas nasasaktan ako!"  Sigaw ko habang walang tigil na pumapatak ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Sinubukan kong pigilin pero hindi kaya. Sagad na sagad na ako kaya kahit anong gawin kong pagpipigil ay patuloy parin siyang pumapatak. "I'm sorry, I have to go…" sabi ko habang hindi makatingin sa kanya ng deretso. Tinalikuran ko siya.

Agad kong tinawagan ang numero ni Christine. Kailangan ko ang mga tauhan nila. Kailangan kong pasundan si Lance. Alam kong hindi siya natatakot pero hindi ako patutulugin ng conscience ko if anything bad happen to him lalo na at alam ko!

"Christine, I need your people. Nandito ako ngayon sa RTC, sa may makati. Please tell them to convoy Lance's car! Ngayon na!"

"Bakit anong nangyayari?!"

"Si Trevor! Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na patayin si Lance!"

"What?! Why?!"

"Natalo ang abogado ni Trevor. Sinira ni Lance ang mga plano nila para sa San Carlos. That's why he wants to end Lance's life!"

"Papunta na dyan ang mga tauhan ko! Umalis ka na dyan! Baka mapahamak ka!"

"I need to make sure—"

"Pero dilikado!"

"I can handle myself. Don't worry about me."

"Pero Nicole—" I immediately cut off the line bago pa siya makapagpatuloy.



A/N: You're reading the old and new version of Waves After Waves.
If there are any gramatical errors and childish writing, please bear with me.

»Stupidaxx«

Waves After Waves ( Love Of Attraction Series 1)Where stories live. Discover now