Sc 1 - HOUSESITTER
[SHOT] Makikita si Marie na papasok sa bahay. Mukhang pagod at walang tulog. Magmamasid sa paligid saka ibababa ang kanyang gamit at uupo sa silya. Tila mapapatulog na sya nang mag-ring ang kanyang telepono.
Marie: (sasagutin ang telepono) Hello?
Miss Mo: (Boses sa telepono) Hello? Is this Marie?
Marie: Yes mam.
Miss Mo:
(Boses sa telepono)
Pinapasok ka ba ng guard? Are you there at the house na?
Marie:
Yes mam. Nandito na po ako sa bahay nyo.
Miss Mo:
Remember to keep everything clean. And please water my plants everyday ha? Keep my room locked. Anyway, may instructions akong pinadala sayo sa email.
Marie:
Opo. Nareceive ko na po.
Miss Mo:
Magpapadala ako monthly ng pambayad sa kuryente at tubig. Isasabay ko na sa sweldo mo. Pay the bills on time. Mag-set ka ng reminder.
Marie:
Opo. Inayos ko na rin po yung calendar reminder para sa bills.
Miss Mo:
Okay. Yung kwarto mo ay sa baba. Sa likod ng kitchen. Ay, one last thing. Please lang. Wag kang mag-papasok ng kahit sino sa bahay ha? Ikaw lang, as my housesitter, ang may access dyan. Malinaw ba?
Marie:
Opo. Makakaasa po kayo.
Miss Mo:
Okay. Malapit nang tawagin ang flight number ko. See you in a few months. Bye.
Marie:
Ingat po. Bye. (Ibababa ang telepono)
[SHOT] Inikot ni Marie ang paningin sa bahay.
Marie:
Ang tahimik naman dito.
[MONTAGE] Magsisimulang maglinis si Marie. Matapos maglinis ay pumasok siya sa kwarto nya at nahiga sa kama...nakatulog sya.
YOU ARE READING
May Katok
Mystery / ThrillerNamasukan si Marie bilang isang house sitter. Sa kanyang pag-iisa, laging siyang binabangungot. Buti na lang at may kapit bahay siya na kumakatok sa pader upang gisingin siya. Alamin ang kahihinatnan ng kanilang kwento.