"Huwag mo lang masyadong pagurin ang sarili mo, huh? Tandaan mo may anak ka pa na uuwian at kailangan ka." Paalala ko sakan'ya at tumango naman siya. "Nandito lang din ako para sa'yo Kiefer, tandaan mo na hindi ka nag-iisa." I console to make him aware that he still has someone to approach and cling to in times of sadness.

Hinatak niya ako para sa isanng pasasalamat na yakap na kaagad ko namang tinugunan. "Thank you, Sam. Sige na, aalis na ako. Paki ingatan si Kaiden, ha,"

"Sige, ingat ka rin Kiefy!" Akmang bebeso na sana ito nang may biglang may malaking boses na nagsalita sa aming likod.

"Sige, subukan mo. Kung ayaw mong umuwi nang basag 'yang nguso mo." Irene threatens Kiefer, staring at him angrily. Umagang-umaga bad mood na naman, parang kagabi lang din naiinis siya kapag binabanggit ko ang pangalan ni Kiefer.

"Ay, good morning po, ms. Irene!" Kiefer politely greeted her. Buti pa 'to mabait.

"Walang good sa morning ko kung ikaw ang unang hahalik sa girlfriend ko." Irene said with serious tone. She came over to me, wrapping her arms around me. Praning talaga!

"Irene, ano ba! Umagang-umaga ang sama nang gising mo."

"Bakit? Sino ba ang hindi sasama ang gising kapag ganito ang bubungad sa'yo." She said with sarcastic tone and rolled her eyes to me.

Aba! Nirorolyohan na ako nito ng mata, ah. Wala talaga sa lugar ang pagseselos niya, jusme! Sarap ipatapon sa london.

"Tumigil ka nga, nakakahiya sa bisita!" I firmly ordered, widening my eyes at her but she just ignored me.

"Ah, Samantha mauna na nga pala ako, tumawag na kasi si Daddy, eh." Lumipat ang atensyon ko kay Kiefer nang muli siyang magpaalam, pakaway-kaway siyang lumabas ng gate.

"Bye, Kiefy! Ingat ha?"

Sinarado ko na ang pintuan ng aking bahay bago titigan nang masama si Irene na masama rin ang titig sa akin. Hinayaan ko lamang siya na magtaray sa akin dahil wala naman akong pakiealam, siya ang problema rito. Kaya siya dapat ang sumuyo sa akin.

Sige, magtitigan tayo rito. Bahala ka sa buhay mo.

"Kaiden baby, halika na kain na tayo dito,"

Pagkapasok ni Kaiden sa loob ng bahay, laking gulat niya nang makita ng dalawang mata niya si Irene na nakatayo ngayon sa sala.

"Mama Iwene!" He screamed Irene's name and hugged her tightly.

"Hello, Kaiden!" Irene hugged him back. Para tuloy silang mag-ina sa kanilang pwesto na kagaya lang noong una nilang pagkikita sa mall.

Ang tanging ina, charot!

"Is mommy and you, are okay na pwo ba?"

"Yes, kaiden we're okay na," Irene calmly answered and pinched Kaiden's cheeks. Namumula ang kan'yang mga pisngi dahil sa tutok ng araw kanina sa garden.

"Yey! Love love ka pwo talaga ni mommy, kaya marupwok pwo siya sa'yo," Wika ni Kaiden na ikinagulat ko.

Lintek talaga 'tong batang 'to! Kasalanan ko na tinuruan kong magsabi nang totoo, sana pala tinuruan ko rin na puwedeng magsinungaling minsan. Aish!

"Kaiden, that's enough! Kumain na tayo rito." I firmly ordered to him, simply rolling my eyes at Irene. Bahala ka sa buhay mo!

Paliliparin muna kita pabalik ng london bago kita yayaing kumain. Oh, baka hindi talaga kita yayayain.

"Ako, hindi mo yayayain?" I heard Irene ask, but I just ignored her and continued chewing the tocino. Ang sarap-sarap ng ulam, bahala ka.

"Tara na pwo mama Iwene, kain na tayo!" Kaiden joyfully invites her to eat.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon