Scene 20: Akala Ko

162 7 0
                                    

Sa pagsikat ni Ron, naging busy lagi ang kaniyang schedule. Halos 'di na sila nagkikita ni Toni. Hindi sinasadyang sa unang pagkakataon ay malimutan niya ang kanilang monthsary. At pati sa kaarawan ni Toni noong January ay 'di nagkaroon ng oras si Ron upang dumalaw dahil nataon sa filming ng kaniyang video.

Natawagan man niya ito subali't alam niya ang kaniyang pagkukulang sa kasintahan. Halata sa boses ni Toni ang pagtatampo.

"Naintindahan ko namang talagang priority mo ang iyong career sa ngayon."-sagot ni Toni sa kabilang linya.

Mayroon pa naman siyang nilutong paborito ni Ron na beef kare-kare na sana'y pagsasaluhan nila sa dinner.

Sa tingin ni Toni ay nagsawa na si Ron sa kaniya. Duda nga siya na baka mayroon ng ibang babae ang kasintahan. Posible dahil sikat na nga ito, tiyak na maraming kababaehan ang maghahabol sa kaniya. Minsan napapansin rin ni Toni ang pagiging malapit ni Ron at Mina sa isat-isa. Puno ng pagseselos ang kaniyang nararamdaman kapag nakikita niyang nag-uusap ang dalawa. Minsan nai-kwento kasi ni Ron sa kaniya na malapit silang magkaibigan ni Mina sa high school at plano pa nga niya itong ligawan.

Mahal niya si Ron pero hindi niya kailanman pipilitin na mahalin siya nito.

Nang sumunod na buwan ay 'di rin nagpakita si Ron na sana ay 1st Valentine's date nila. Nagpadala man ito ng mga rosas, subali't kulang yon para kay Toni. Mayroon pa naman siyang sasabihing importanteng bagay kay Ron.

Dala ng inis at pagtatampo, umalis si Toni na hindi nagpaalam kay Ron. Umuwi siya sa kanilang probinsiya. Nag indefinite leave muna siya sa kaniyang trabaho sa hotel at role sa foundation ni Ron. Hindi na rin siya makontak ni Ron.

Hindi inakala ni Ron na magagalit si Toni sa kaniya ng ganun katindi- na aalis na lang bigla at mawawala na parang bula.

May mga pagkakataon na sinubukan niyang kalimutan ang kasintahan subali't hindi ito mawala sa kaniyang isipan.

"Hindi naman dating matampuhin si Toni"-sumagi sa kaniyang isipan. Hindi siya makapaniwala na iiwan siya nito.

"Ano kayang nangyari sa kaniya?", tanong niya sa sarili. Pilit na binabalikan ni Ron ang mga pangyayari.

"Hindi kaya nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa nung gabing nanalanta ang bagyong Mariel?. At kaya siya umalis ay natakot siyang makasira sa career ko?",pagpapaliwanag ni Ron sa sarili.

Halos dalawang long neck na ang kaniyang nai-inom sa CC9, pero mukhang hindi siya malasing-lasing. Hindi siya ganun kalakas uminom ng alak pero sa pagkakataong ito ay gusto niyang lunurin ang sarili upang maalis sa isipan niya si Toni.

Ino-obserbahan siya ng kaniyang mga kaibigan habang sinasabayan siya sa pag-inom.

"Ron, sa tingin ko ay marami ka nang naubos na alak. Sabi mo isang bote lang at maaalis na si Toni sa isip mo?", may pag-aalala sa boses ni Polo.

"Hindi pala ganun kadaling limutin ang isang babaeng mahal mo"- ito ang aral na kaniyang natutunan ng umalis si Toni.

"Last number na ng bandang Kidlat, at magsasara na ang CC9", sambit ni Greg.

"Pwede bang mag request ng isang orihinal nilang kanta, yung- Akala Ko", paki-usap ni Ron.

Sumang-ayon naman ang bandang Kidlat at tinugtog nila ang kanilang unang orihinal na kanta.

AKALA KO

Akala ko madali kong malimutan
Kay tamis nating pinagsamahan
Akala ko isang bote ka lang

Kahit na anong gawing hitit sa sigarilyo
Ikaw pa rin ang laging nasa isip ko
Akala ko isang kaha ka lang

Di na makatulog
Mula ng 'yong iniwan
Sakit lang sa damdamin
Pagsarhan ng pintuan ng puso mo

Sana'y iyong makita
Ang aking pagsisisi
Mga maling akala, akala ko
Malilimot kita

Akala ko ay 'di kita mahal
Akala ko makakahanap ng iba
Akala ko may hihigit pa sa 'yo

Akala ko lilipas lang ito
Bukas ay 'di na maaalala pa
Akala ko isang tulog ka lang

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now