Lumabas na sina Kai at Thea pero si Tyrone ay nanatiling nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Hanuba, Ty? Feeling mo ba ay mawawala ako kaya ganyan ka kung makahawak sa kamay ko?

"I'm sorry," he said. Bigla namang kumunot ang noo ko sa kagimbal-gimbal na pagsosorry ni Tyrone. Anyare?

"Bakit ka nagsosorry, Ty? May problema ba?" I asked. Aba, hindi naman yata makatarungan na nagsosorry siya nang wala lang. Kasi trip niya lang magsorry, gano'n?

"Sorry because I hurt him again last night. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko kagabi lalo na no'ng sinabi niya na bigla ka nalang nawala habang nag-uusap kayo," he muttered. Medyo pinisil niya pa ang kamay ko at kung titingnan lang ang mukha niya ay para siyang bata na nakitang nanguha ng piso sa pitaka ng nanay niya. He really looks so sorry kung ano man ang tinutukoy niya. Teka, him ang sabi niya 'di ba?! Lalaki? Sinong him naman iyon?!

"Ty, umamin ka nga sa akin." I looked at his eyes. Jusko! Hindi yata kakayanin ng pancreas ko na malaman na isa kang bakla, Tyrone. Hindi kakayanin ng arteries, capillaries at veins ko! Hinding-hindi!

"Ano 'yon, Aria?" he asked. Susmarya! Ayusin mo ang pagtatanong mo, Aria! Baka mamaya maoffend iyan!

"Kasi sinabi mo na nasaktan mo ulit siya kagabi, 'di ba?" Tumango si Tyrone sa sinabi ko. So ano 'yon? LQ?!

"Naiinis kasi ako sa kaniya dahil lagi ka nalang niyang sinasaktan. Oo, alam ko na as much as possible ay ayaw ka niyang saktan at dahil lalaki ako, alam ko at nakikita ko sa kaniya na mahal ka niya. But still, hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit sa kaniya sa tuwing sinasaktan ka niya, Aria," he said. Okay? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Ty. Bakit nasama ako sa usapan? At sino ba ang tinutukoy niyang nanakit sa akin?

"Sino ba ang tinutukoy mo? Sorry, kasi ang kaluluwang ligaw ko ay mukhang tulog pa yata kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," I retorded. Biglang kumunot ang noo ni Ty. Parang naguguluhan ang itsura niya at lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Okay? What the heck is happening?

"Hindi mo naaalala ang nangyari kagabi?" he asked. Oo nga naman Aria, bakit wala kang maalala sa mga nangyari kagabi?!

"Ano kasi.. Teka, iisipin ko muna." Umupo ako sa kama ko at saka ko hinilot ang sentido ko. Utang na loob lang mga minamahal kong neurons, gumana naman kayo kahit ngayon lang! Ano 'yon? Ulyanin na ba ako kaya wala akong maalala sa mga nangyari kagabi?

"Naalala ko na!" I exclaimed na akala mo ay may ilaw na biglang lumitaw sa gilid ng ulo ko. Hindi nagsalita si Tyrone pero parang hinihintay niya ang sagot ko. Ay ang bongga! Excited lang?

"'Di ba, kahapon 'yong pagpresent ng mga weapons kay Heiro tapos no'ng si Nuraya na ang nagpresent ng pana niya, biglang ako ang pinuntirya ng palaso niya. Tapos noong palapit na nang palapit ang palaso niya sa akin ay may isang lalaking dumating para sagipin ako. Hindi ko nga lang maalala kung sino 'yon. Ikaw ba 'yon Ty?" I asked. Nakatitig lang siya sa akin at talagang naloloka ako. Baka gusto mong sagutin 'yong tanong ko, Ty?

"Hindi mo maalala kung sino ang nagligtas sayo?" Magtatanong ba naman ako kung naaalala ko?! Nako naman! Mabuti na lang at gwapo ka kaya hindi nakakaturn-off yang pagiging slow mo paminsan-minsan, Tyrone!

"Hindi ko talaga maalala. I can remember the event but the guy's face and name, I don't." Biglang napatayo si Tyrone at talagang gulat na gulat ang mukha niya. Kamukha mo yata si Chuckie, Aria kaya ayan at gulat na gulat si Tyrone sayo!

"Ty, may problema ba? Naloloka na ang bangs ko sa mga ikinikilos ninyo. Can you please explain it to me? O kitams! Nakakapag-english ako kasi nakakaloka na talaga ang mga chorvaness ninyo!" I said pero lalo lang napuno ng pagtataka ang mukha ni Tyrone. Ay ang benta! Mukhang totoong may shooting ah! Anong title? Nakapagtataka?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon