Inirapan lang siya ni leigh at nagpatuloy na lang sa  pagkain niya.

Habang si Dwayne naman ay tiningnan siya ng masama at nagpatuloy na rin sa pagkain.

Sa wakas nahinto na rin silang dalawa sa pagbabangayan.

Hindi iyon pinansin ni chester at mahina na lang siyang tumawa.

Napailing na lang ako.

Ang kukulit.




"BESHIES MAUNA na ako sa inyo ha.May gagawin pa kasi ako eh."paalam ni leigh sa amin ni kesha.

Uwian na kasi namin ngayon.Tumango naman kaming dalawa.

"Cge see you on monday."kesha said and kissed Leigh's cheeks.

Humalik na rin ako sa pisngi niya at nagpaalam.

"Uuwi na din ako Kaye.Ikaw hihintayin mo pa ba si Chester dito?"tanong ni kesha sa akin.

Tumango naman ako.

"Oo eh.Ihahatid daw niya ako pauwi."

She smiled.

"Okay mauna na ako sayo ha.Bye see you on Monday."saad niya at humalik din sa pisngi ko.

"Sige mag-ingat ka."tumango lang siya at sumakay na sa kaniyang sasakyan.

Napabuntunghininga naman ako bago umupo sa waiting shed dito sa labas ng school.

Hinhintay ko pa kasi si Chester dahil hindi pa siya lumalabas.Baka may ginagawa pa siya.

Napatingin naman ako sa cellphone ko.

4:30 pm na pala.

Napalinga-linga ako.Nasan na kaya yon?Bat hindi pa siya lumalabas?

Napatingin naman ako sa gate na makita sina Dwayne papalabas.

Pero hindi nila kasama si Chester.

Lumapit sila sa akin.

"Hinihintay mo si Chester Kaye?"tanong ni Dwayne sa akin.

Tumango naman ako.

"Oo.Nasan na siya?Bat hindi niyo siya kasama?"tanong ko sa kanila.

"May inutos lang si ma'am sa kaniya kaye.Ayaw nga sanang sumunod pero ayon napilit din haha.Palabas na rin yon, hintayin mo na lang."tumango naman ako kay Dwayne.

"Sige mauna na kami Kaye."saad niya pa.

Tumango na lang ako ulit.

"Bye kaye una na kami."Denver said then smiled at me.

Tumango lang si wade sa akin.

Hay so cold.Napangiwi na lang ako.

"Sige mag-ingat kayo."

Tumango lang silang tatlo at umalis na.

Umupo na lang ako doon at nagihintay kay chester.

I tap my feet.Bakit ang tagal naman ata ni chester?Ganun ba ka dami yung pinag-uutos sa kaniya?

Tiningnan ko ulit yung phone ko.

It's already 5:00 pm.

Tumayo na ako.

Pupuntahan ko na lang siya sa room nila.

Nagsimula na akong maglakad.

Kokonti na lang ang mga estudyante sa loob ng campus.

Asan na kaya si Chester?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang room nila.

Pagdating ko roon ay nakita ko si Chester sa labas ng kanilang room.

Loving Him Secretly (Completed) Where stories live. Discover now