"Tumahimik ka, Karlo. Napanuod kong talo kayo sa last season! Nakakahiya sa kambal mong varsity player!"

Inismiran lang siya ni Karlo at mukhang dinibdib talaga ang pagkatalo nila sa UAAP. Kalaban niya kasi si Yari noon at dahil nasa national television, sikat ang mga players lalo na ang kambal. Chi Ong duo pa nga ang tawag sa kanila kahit na magkalaban naman sila ng school.

"Ito namang isa, tahimik lang pero nag-Baguio pala kasi may bebe siya sa PMA," pang-aasar ni Celeste sabay tingin kay Avery.

Muntik na siyang mabulunan sa kinakain niyang chichirya.

"Hoy, nakita ko yun!" dinuro-duro pa siya ni Yari. "Siya yung ROTC commander noon—"

"Napaka-tsimoso naman!" reklamo ni Avery. "Ganyan talaga kapag walang nagpapasaya sa inyo, 'no? Deserve niyo yun."

"Hoy, basta walang magdadala ng jowa sa inuman, ah! Hindi 'to by partner! Sasapakin ko talaga kayo," ani Lulu.

Umikot ang tagay at gaya ng dati, hindi pa rin umiinom si Ivo. Masaya siya sa chuckie niya at nakikipagbiruan lang din sa usapan. Mabuti na ring hindi siya uminom dahil ang alam ko, uuwi siya sa bahay nila dito sa Manila mamaya.

Inabot ata kami ng madaling araw doon. Si Yari ang magda-drive para sa kanilang dalawa ni Karlo kaya todo reklamo ito nang malasing nang husto ang kambal. Tinulungan pa siya ni Ivo na ibaba ito sa basement parking. Si Celeste naman, hindi hinayaan ni Lulu na umuwi dahil lasing na din ito. Dito nalang daw matutulog kasama si Avery. Ganun din ako.

"May extrang foam pa naman ako sa kabilang kwarto!" ani Lulu at isa-isang hinila ang mga foam niya palabas. Tinulungan ko si Lulu sa paglalabas ng mga foam sa living room niya dahil mukhang nabibigatan pa ito. Pagkatapos, humiga ako sa couch dahil sa sobrang pagod. Hindi naman ako uminom pero antok na antok ako.

Narinig ko nalang ang boses ni Ivo at Lulu na nag-uusap. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero sa sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko, nakatulog din ako.

Naalimpungatan lang ako nang maramdamang umangat ang katawan ko mula sa couch. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata at nakita kaagad ang mukha ni Ivo.

"Huwag mong itabi kay Celeste, Ivo... malikot yan matulog. Dito kay Avery..." narinig ko pa ang boses ni Lulu.

I drifted to sleep again because I couldn't hold it back. I remembered bits and pieces of the night so when I woke early in the morning, I was immediately embarrassed.

Nasa sala kami natutulog apat ngayon at tabi-tabi ang dalawang foam na inilabas ni Lulu. Bumangon kaagad ako at nagpalinga-linga para hanapin si Ivo. Saka ko pa naalala na umuwi nga pala siya sa bahay nila dito sa Manila.

Dahil nakasanayan, nagluto kaagad ako ng agahan para sa kanila. Maraming stock ng pagkain si Lulu pero mukhang hindi nagagalaw dahil ang iba ay papalapit na sa expiration date nila. Nagluto ako ng itlog, sinangag, tsaka tocino. Abala ako sa pagtitimpla ng kape nang makarinig ako ng door bell sa labas.

Binalingan ko silang tatlo. Tulog na tulog pa rin sila kaya ako na ang nagpunta roon at binuksan ang pinto. Nagkagulatan pa kami nang makita ko kung sino ang nasa labas.

"Uh..." umatras nang bahagya si Kael para i-check ang unit number sa labas. Mukhang hindi na niya ako naalala kaya hindi niya alam na kaibigan ako ni Lulu. "Sorry, wrong number—"

"Tulog pa si Lulu." Sabi ko sa kaniya, nakahawak pa rin sa pintuan.

His eyes widened a bit. Tinitigan niya ako kaya agad akong na-conscious.

"Kaibigan niya ako. Raya."

"So, you're Raya, huh?" he smiled a bit. Napatingin ako sa dala niyang maliit na plastic. Mga gamot ba yun? "Can you give this to her?"

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara