CHAPTER 1

28 3 0
                                    

JULIA POV

Nagising ako sa masamang panaginip na nangyari sa buong buhay ko noong nakalipas na sampung taon napatulo na naman ang aking mga luha tuwing naalala ko ang pagkamatay ng aking mga magulang magbabayad ang dalawang Bampira na 'yan!

Papatayin ko sila tulad kung paano nila patayin sa harap ko sina mama at papa maghihintay sila sa aking pagbabalik!

Napatingin ako sa kuwentas na binigay nina mama at papa sa akin hinawakan ko ito nang mahigpit sabay tulo ng aking mga luha.

"Mama, sana andito pa kayo ni Papa, sana masaya tayo ngayon, at sana nakikita niyo kung gaano ko kayo kamahal." sabi ko at tuloy-tuloy ang pag-tulo ng aking mga luha at hindi ko na pala na malayan na nasa pintuan si lola Susan ang ina ni Mama.

Napatingin ako sa kanya sabay pahid ng aking luha nilapitan niya ako at umupo sa aking kama hinawakan niya ang aking kamay sabay sabing:

"Umiiyak kana naman Apo."

"Lola malas ba ako? Bakit ganito! Ang sakit sakit! Hindi parin ako nakalimot sa mga nangyari noon sa mga magulang ko, sana nawala na rin po ako! Kasama ko pa sana ngayon sina Mama at Papa." sabi ko habang umiiyak.

"Apo huwag kang magsalita ng ganyan siguradong magagalit ang mga magulang mo may dahilan kung bakit ka na buhay meron kang misyon sa mundong ito, nandito lang ako hindi kita pababayaan mahal na mahal kita Apo." sabi ni Lola sabay yakap sa akin.

"Salamat po lola mahal na mahal din kita." sabi ko.

"Mag-ayos kana at saka bilisan mo ha? Hihintayin kita sa sala handa na ang almusal." sabi niya at tumango nalang ako at lumabas na si lola.

VAMPIRE MANSION

KUNG FU POV

"Mahal na Hari mabuti nandito kayo may importante akong sasabihin sa iyo." sabi ng manghuhula na kinakabahan.

"Bakit? Anong nakikita mo?" Tanong ko.

"Mahal na Hari nakikita ko sa aking mga hula na darating ang panahon na may mabubunga na dalawang kambal, sila ay pinakamaganda pero silang dalawa ay magkaaway at magkalaban sa bandang huli at sila ang PINAKAMAKAPANGYARIHAN sa buong mundo! At sila ang papatay sa iyo mahal na Hari." nakayukong sabi ng manghuhula kaya bigla ko siyang sinakal.

"HINDI! Alam mo naman na ang lahi lang namin ang pinakamakapangyarihan sa buong mundo at wala ng makalamang doon! Patay na ang lahi ng Jake na 'yon at wala ng makakasagabal sa aking pamumuno!" sabi ko sabay bitaw sa kanyang leeg.

"Pero-" hindi ko na siya pinatapos dahil bigla na lang ako nagsalita.

"Tumahimik kana kung gusto mo pangmabuhay."sabi ko at lumabas na ako hindi puwede!

Patay na ang mga Laoñon pinatay na namin sila!

JULIA POV

"Lola may sasabihin sana ako sa iyo." sabi ko.

"Ano naman iyon Apo?" tanong ni Lola habang naghuhugas ng mga plato.

"Lola nakapag-enroll na po ako sa FU UNIVERSITY." sabi ko at napahinto siya sa kanyang ginagawa sabay tingin sakin.

MYSTERIOUS LOVE BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon