Chapter 1

594 28 0
                                    

Danica

Maaga akong pinauwe ngayon ni Dad sa bahay, may mahalaga daw kaming pag uusapan nito. Balak ko pa sanang mag Mall ngayon kasama ng aking mga kaibigan.

Pero dahil request ni Dad na umuwe ako agad after ng school ay pinag paliban ko muna ang pag punta ng mall.

Paminsan minsan na rin lang kasi kami mag kita ni Dad eh. Sobrang busy kasi nito sa aming business kaya naiintindihan ko naman ito.

Ako nga pala si Danica Dela Serna, 19 yrs of age at nag iisang anak ng kilalang businessman dito sa bansa na si Franco Dela Serna.  2nd year college na ako sa kursong Business Administration sa isang kilalang unibersidad dito sa bansa.

Sikat ako sa campus hindi lang dahil sa mayaman ang magulang ko kundi dahil na rin sa pagiging isa kong Cheerleader at Queen bee sa school.

Kaya lahat halos ng mga estudyante sa campus eay umiiwas na kalabanin ako dahil sa di lang kasi ako sikat na cheerleader at queen bee. Kundi isa din akong sikat na maldita at masama ang ugali sa school.

Mahilig kasi kaming mang trip na mag ba barkada. Lalong lalo na yung mga nerd na nagkalat sa campus.

Ang sarap kasi nilang pag tripan. Parang mga tanga kasi. Hindi lumalaban, mga naka yuko lang at tinatanggap ang aming mga pinag gagawa sa kanila. Yung mga babae namang nerd iyon iyak palagi sa amin lalo na pag naharap namin na buhusan ang mga ito ng kung ano anong inumin sa kanila. Katuwa lang na pag tripan mga yun eh.

Sila nga ang taga gawa ng mga assignment at projects namin eh. Subukan lang naman talaga nila na tumanggi at mag reklamo dahil para na rin lang silang nag tampo sa bigas pag nangyari yun.

Ang mga lalaking nerd naman ay madalas pag pustahan naming mag babarkada tapos kung sino ang matalo ay sya ang mag papaibig dito tapos basta na lang iiwan.

Katuwa lang tignan lalo na pag nag hahabol na ang mga ito tapos ipapahiya lang at bubuhusan ng kung ano ano na pagkain or kahit ng tubig galing cr.

Minsan pag napag tripan pa sila ng mga varsity players ay nabu bugbog pa ang mga ito. Mga tanga kasi di lumalaban. Nakakainis tuloy tignan mga itsura nila na parang kawawang kawawa.

Pagdating ko ng bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto. Like ko kasi na humiga muna at mag pahinga. Napagud kasi ako sa practice namin ng routine eh. Daming mga sablay pa na mga stunts kaya paulit ulit tuloy kami.

Ang init tuloy ng ulo ko kanina dahil sa mga katangahan ng mga member ko. My god paulit ulit na namin iyong ginagawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ma perfect.

Puro pag papaganda lang kasi ang mga ginagawa sa buhay. Kaya lang naman ata kasi sumali na maging cheerleader ang mga yon ay para maging sikat sa school. Duh di pwede sa akin iyon.

Nag bilin na lang ako sa mga kasambahay namin dito na gisingin na lang ako pag dumating na si Dad.

Mamaya pa siguro iyon darating. Knowing Dad, palaging late na yan umuwe sa dami ng ginagawa nya at tinatapos sa office. Minsan nga dinadala pa nyan dito ang kanyang mga paper works eh.

Nag palit muna ako ng uniform ko bago humiga sa aking kama. Maya na lang ako mag shower bago matulog.

Panay lang ang scroll ko sa social media ng makaramdam ako ng antok. I idlip muna ako. Total wala pa naman si Dad eh. Sakto pag dating nya eh gising na rin siguro ako non.

Mga ilang saglit lang ay naka tulog na rin ako. Namalayan ko na lang ang mahinang pag katok ng aming kasambahay sa labas ng pinto.

"Senorita Danica, baba na daw po kayo at kakain na raw po sabi ng Daddy nyo." Mahinang sabi ni manang sa labas ng pinto.

Dahan dahan naman akong nag inat ng aking katawan at sinabihan na lang si manang na pababa na rin ako. Mag aayos lang ako saglit ng aking sarili.

Medyo napatagal pala ang aking pag tulog. Nang tignan ko ang oras eay almost 7 pm na pala. Panigurado na medyo di na ako makakatulog nito maya. Napagud talaga ako sa practice namin kanina eh.

Nagmamadali na akong nag ayos ng aking sarili. Pinaka ayaw pa naman ni Dad ay iyong pinag hihintay ito.

Nang makapag ayos na ay nagmamadali na akong bumaba at dumiretso na sa may dining room.

Naka upo na doon si Dad at mukhang medyo inip na ito sa kakahintay sa akin. Naka kunot na kasi ang noo nito habang mariin na naka tingin sa akin ngayon.

Wala na rin pala akong Mom. Namatay ito sa sakit nyang cancer noong maliit pa ako.

Kaya naman ibinuhos na ni Dad ang lahat ng kanyang oras sa pag papalago pa lalo ng aming negosyo. At mukhang nakalimutan na rin nito na may anak pa sya na nag hihintay palagi dito sa bahay.

Pero dahil nakasanayan ko na na wala itong time sa akin ay di ko na rin hinahanap pa ang attention nito. Nasanay na ako na bahala ako sa sarili ko. Na ang aking yaya na ang tinuring kong ikalawang magulang.

Kaya pag may mga pag kakataon na ganito na mag kasabay kaming kakain ni Dad ay sobrang tuwa talaga ang nadarama ko.

Agad akong lumapit dito at humalik sa pisngi nya. "Good evening Dad." Masiglang bati ko dito at naupo na rin sa may bandang kanan nito.

My Unexpected WifeWhere stories live. Discover now