Final Chapter - Prayers Answered-

11.4K 271 67
                                    

LOVE is sweeter the second time around. True because from all the heartaches and pains we experienced the first time I can say it's all worth it now. Dahil noon, walang katugunan ang aming nararamdaman kahit mahal namin ang isa't isa pero ngayon, sulit lahat ang mga luha at pasakit na pinagdaanan namin dahil sa wakas ay tinugon ng Diyos ang aming mga panalangin dahil naghintay kami, nananalangin and He answered it. What more can we ask for? We're just thankful for everything.

"Bes, I'm so nervous! Nabubuhol ang aking paghinga." Aideen complained.

"Ano ka ba, honeymoon lang iyan."

"Oo nga pero..you know...paano kung..paano kung ano?"

"Ang ano? Ano bang ikinatatakot mo?"

"Ano ka ba! Hindi ko naman sinabing natatakot ako. I'm just nervous."

"Saan nga?"

"Masakit daw sa una.." she whispered.

I burst out laughing. And to think ang bes ko na sobra sa lakas ng loob ay biglang naduwag sa bagay na pareho nilang hinihintay na magkasintahan-ay, mag-asawa na nga pala sila since this morning at ngayon nga ay pupunta na sila sa kanilang honeymoon.

"Kalakas ng loob mong sabihing 'I will give you my first time' pero ngayon naduduwag ka na."

"I'm excited naman siyempre pero ano nga, sabi nila masakit. Pero sabi din nila masarap." Sabay tili nito na parang kinikiliti sa huling sinabi.

Pati tuloy ako ay kinilig at nakitili sa kanyang sinabi. Nagkurutan tuloy kami at tinukso ang isa't isa.

"Kwentuhan mo ako ha?" I joked.

"Ay ano ka ba!" tinapik niya ako sa balikat.

Pagkatapos ay nagtitigan kami saka muling nagtawanan na parang mga baliw.

"Sige, sige! In every details pa!" at saka siya humagalpak ng tawa.

Zac showed up just in time to get her bride to tell her the car is ready to set off to their honeymoon destination. Napadiretso ng upo si Aideen at namula ang mga pisngi. Parang nababasa ko ang nasa isip nito at kung gaano ito kakabado sa mangyayari. Napakagat labi din tuloy ako ng kumagat labi ito. Aideen is so transparent, pati tuloy ako ay ninenerbyos para dito. But surely, Zac knows what he's doing.

He smiled at me and waved goodbye then his arm snaked on Aideen's waist and she jolted right away but Zac did not let her go. Ngayon pang kasal na sila. I'm so happy for them.

I heard knocks on the door before it opened. Aiden came in and asked where his sister is.

"You missed her, they just left. Where are Abbey and the rest?"

"They already left with everyone, eh ikaw, sasabay ka ba sa parents mo?"

"No, umalis na rin sila."

"Ah..I see." Saglit kaming nagtitigan.

"Nakapag-checkout ka na ba?" nagkunwa akong inayos ang pagkakaupo sa kama ng hotel room na nirentahan ng pamilya namin para sa katatapos lang na kasal for the reception.

"Ah oo, though twelve pa ang check out time and it's only nine in the morning kaya mayroon pa tayong tatlong oras na pwedeng manatili dito."

"Are you planning to stay here until then?" gusto kong itaas ang paningin subalit kung bakit naman bigla akong tinalaban ng hiya. Hindi ko tuloy makita kung ano ang reaksiyon niya.

"Do you want to?" he said, pero ang hina halos hindi ko marinig kaya nagtaas ako ng paningin at napansing maging ito ay pinamumulaan ng mukha at tenga. Nangiti tuloy ako sa sarili at naisip kung hanggang saan ko ito mabibiro.

Falling In Love With Mr. X  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon