Five - Dealing With Mr X

6.2K 176 30
                                    

SI Beatriz po 'yong nasa media :)

*************

THAT night ay sa bahay ako nina Aideen natulog. May project kasi kaming gagawin para sa Science subject kaya gagabihin kami sa pagtatapos niyon. At okey din 'yon kasi gusto kong makausap si kuya Aiden. 

Maaga kaming nag-umpisa at nagkulong lang kami sa kuwarto ni Aideen kaya natapos namin agad ang ginagawa at exactly twelve midnight.

Nakatulog agad si Aideen samantalang ako, kailangan kong bumaba ng kitchen para uminom ng tubig at magbanyo bago matulog para hindi ko na kailangang gumising sa madaling araw. Pabalik na ako sa kuwarto nang mapansin kong nakaawang 'yong pinto ni kuya Aiden. 

Tumayo ako sa tapat niyon at nag-iisip kung kakatok ba o ano. Ano ba kasi ang sasabihin ko, magso-sorry ba uli ako? Hanuba kasi, ano ba itong nasuongan ko. Biglang bumukas ang pinto at pareho kaming natigilan at nagulat na nagkatinginan.


Bigla nitong isinara ang pinto na halos mata lang nito ang nakasilip sa puwang na ibinukas nito na para bang takot na papasukin ko siya. Feeling rapist tuloy ako. Gusto kong matawa pero nagpigil ako.

"Anong ginagawa mo?" galit subalit mahinang tanong niya.

"Ah..eh..can we talk?" nangingiwi kong tanong. It's so uncomfortable facing this guy. He's just so weird.

"Bakit?" sa parehong tinig na tanong ulit niya.

"Magso-sorry lang uli ako." haaay, nakakapagod itong kausap, the level of my stress is at the max level.

"I don't need your sorry. I just want you to leave me alone!" hay naku, kay talim nitong tumitig, nakakasugat ng damdamin.

"Promise hindi ko na uulitin. Mag-aaral na akong mabuti at hindi na ako kukuha ng zero sa klase mo. Hindi ko na rin uulitin 'yong sinabi ko tungkol sa ano...'yong sinabi ko sa iyo. Sorry hindi ko naman sinasadya iyon eh, natakot lang ako sa ideyang pagpapatwag mo sa magulang ko."

Lalong dumiin ang kanyang mga titig, nakakawalang-hininga. "You have always been like that..." he said, almost a whisper i can hardly hear.

"Wait!" inihara ko ang aking kamay sa papasara nitong pinto. Akala ko ay maiipit ang aking mga daliri subalit hindi nito iyon isinara ng tuluyan, sa halip ay pinitik niya ang aking daliri para alisin doon sa door frame. Seriously?

"Go. I don't want to see you anymore so don't bother." And the door shut closed.

Talagang galit na galit siya. Hay, hindi ko naman kasi siya masisi, 'yong paratang ko kasi rito ay talagang big deal. Paratangan ko ba naman ng sexual harassment eh lalo't teacher pa man din?

Hay, makatulog na nga ako. Nakakapagod gumawa ng project. Maaga pa naman kaming gigising bukas para pumasok sa school. Pumasok na ako sa kuwarto ni Aideen at saka nahiga sa tabi nito sa kama at pumikit.


I love having breakfast at my best friend's house, bukod sa kumpleto kaming nakaupo sa almusal ay masasarap pa ang inihahain ni Tita Mina. 

Nag-uusap at nagkakatuwaan ang pamilya ni Aideen habang nakamasid lang ako at patuloy sa pagkain. Nagnakaw ako ng tingin kay kuya Aiden at maging ito ay tahimik din. Si Aideen lang ang maingay at si Tita Mina.

Isinabay kami ni Tito Del sa sasakyan nito since madadaanan nito ang aming school. Sa harap naupo si kuya Aiden katabi ni Tito Del at sa likuran kami ni Aideen. Panay pa rin ang dakdak ni Aideen sa kinukuwento sa Daddy niya samantalang ako ay panay ang nakaw ng tingin kay kuya Aiden na wala namang ibang ginawa kung hindi ang magbasa ng librong hawak nito. 

Napabuga ako ng hininga at napansin iyon ni Aideen. "Okey ka lang bes?"

"Ha? Oo naman, bakit?" agad kong lingon dito.

"Eh kanina ka pa walang imik diyan at buga nang buga ng hininga, baka mabuga ako ng hangin mo eh." Natawa ako, nakitawa rin ito.

"May iniisip lang tungkol sa project natin." Pagkakaila ko.

"Don't worry about it, we'll nail it I promise you that." Malakas na kumpiyansa nito. And I believe her because Science is Aideen's favorite subject kaya hindi ito papayag na hindi makakuha ng high mark pagdating sa Science.


Social Studies ang first subject namin at nakamasid lang ako kay kuya Aiden habang nagtuturo. Iginagala nito ang mga mata sa klase. Halos napansin na niya ang lahat pwera lang sa akin. Kahit pasulyap o aksidente lang ay hindi nagawi ang paningin nito sa akin. At ewan ko ba kung bakit naiirita akong hidi man lang niya ako pinagtuunan ng pansin gayong iyon naman ang hinihintay ko. Aiiish! Kagulo ng isip ko.

Katulad ng ipinangako, nag-aral na akong mabuti kahit ayaw ko pa sa subject niya. Nagtataas din ako ng kamay sa recitations pero hindi ako nito tinatawag. At kahit no'ng naka-one hundred percent ako sa quiz namin ay hindi man lang niya ako pinuri katulad no'ng pagpuri niya sa isa sa mg classmates ko. He is totally ignoring me!

Galit talaga siya sa akin. Iyon ang naisip kong dahilan. Hindi na talaga ako nito pinapansin kahit nang sinadya kong mag-ingay sa klase habang nagtuturo siya. 

Kahit nang hagisan ko ng eraser sa ulo iyong kaklase ko sa harap ay hindi niya sinuway. 

As in deadma! At kahit no'ng magtanong siya kung may question ba kami sa itinuturo niya ay hindi n'ya ako tinawag, sa halip ay iyong isa kong kaklase ang pinili niya, arrrgh! Kainis siya!


"Hoy!" siko ni Aideen.

"Hoy ka rin.." wala kong siglang sagot.

"Ano bang nangyayari sa iyo? Kailan ka pa naging active sa subject ni kuya? Kung makataas ka ng kamay para kang tatakbo ng honor roll eh."

"Nag-aaral lang po."

"Hindi kaya, may hindi ka sinasabi ano?"

"Wala nga, ba't ba ang kulit mo?" kainis ito, kainis silang magkapatid!

"Bahala ka na nga. Skip tayo sa last subject at puntahan natin si Zac." Aya niya.

"What? Ayoko, hindi p'wede. Ayokong ma-guidance, Aideen."

"Hanuba, minsan lang natin gagawin. Tara na."

"Aideen naman."

"Tara dahil magko-confess ako kay Zac."

"Waaaht?"

"Paliitin mo nga iyang butas ng ilong mo at suportahan mo na lang ako, best friend kita hindi ba kaya panindigan mo. Tara!" hila niya sa aking braso.

Hay naman. Ito talagang Aideen na ito, kapag may inisip na gawin, gagawin talaga. Pati ako damay. Bahala na nga!



Author's Note:

Hey peeps, pls vote and/or comment. I appreciate it!

Salamat,

Micx


Falling In Love With Mr. X  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon