Three - Introducing Mr. X

7.7K 190 34
                                    

Dear Diary,

Pasensiya na pero buburahin ko ang mga pangalan dito ha, lalo na 'yong kay ano, alam mo na iyon kaya mula ngayon ay kikilalanin natin siyang Mr. X. Bakit? Aba siyempre, paano kung may makabasa sa iyo e di patay ako lalo na si bes, e napaka-nosy no'n, parang ako, kaya mabuti nang lihim ang lahat, okey? Good!

DD, waaaaaaah! Bakit siya pa ang aming naging teacher? Paano pa kami makakapag-skip ng napaka-boring na subject, paano na! My life is ruined because of him. I hate his subject at mas lalong ayaw ko sa kanya, waaaaah!

Okey, I am calm na pero naman, bakit s'ya pa talaga? Sa tuwing nakikita ko siya ay hindi maalis sa aking isip ang nakita ko at aaminin kong gusto kong mamatay sa hiya lalo na kung makatitig siya, I know gusto niyang pilipitin ang leeg ko! Hindi ko naman siya masisi kasi pati 'yong ano niya e nasaktan yata, hahaha! Teka, bakit ba ako tumatawa, hay naku paano ba ako haharap kay Mr X? Bahala na nga!

B!




"O bes, hindi ka yata pumunta ng breakfast sa bahay?" tanong ni Aideen habang naglalakad kami papunta sa aming classroom.

"A, late na akong nagising e kaya wala ng oras para mag-breakfast."

"Kaya pala wala kang sigla kung maglakad at magsalita riyan, pati mukha mo walang latuy tingnan."

"Bes, first subject ang social, ready ka na?" lingon ko sa kanya.

"No." hindi man lang nagpatumpik na sagot nito.

"E diba may quiz tayo ngayon?"

"I know."

"Nag-review ka?"

"No."

"Waaaah! Bakit?" humarap ako sa kanya. Ngumiti lang siya at saka ako hinila sa isang sulok at may ibinulong.

"Pinasok ko ang kuwarto ni kuya kagabi at nakita ko ito sa kanyang study table." Ipinakita niya ang picture na nasa kanyang phone at mula roon ay ang tanong para sa aming quiz  for today.

Ngumiti ako ng nakakaloko at saka nakipag-apiran dito.

"I love you talaga, bes!" sumigla ang aking tinig.

"You have to love me more kasi mayroon na tayong kodiko," she smirked.

"Ok! I love you pa more!" Ulit ko at sabay kaming tumawa.


Kumportable kaming naupo sa aming mga upuan at kumpiyansa sa sariling iiskor kami ng one hundred sa quiz dahil alam na namin ang sagot sa tanong. Ha, diskarte lang Mr X, you'll see, we are still smarter than you. I jeered at him silently.

He wrote the question on the board, just one simple question at iyon lang ang ipina-quiz sa amin. Ang tanong ay iba sa tanong na ipinakita sa akin ni bes ko. 

Tiningnan ko siya at maging ito ay tila walang alam sa tanong na iyon. Bigla kaming nakaramdam ng pagkabahala, tapos pagkainis, tapos galit kasi alam naming naisahan kami ng kuya niya.

At ang tanong nito ay, "What was the main topic of the chapter I asked you to read?" at ang tanong na nakuha ni Aideen ay, "Choose the right answer and circle them." At ni-memorized lang namin ni Aideen ang order ng mga letter na naka-circle at hindi binasa kung ano  naka-circle na mga sagot.

Waaaaah! Patay kami. Dahil kahit anong isip ko ay wala akong maisagot dahil hindi ko naman binuklat ang librong sinabi nito kahit pahapyaw lang. Zero! Flat zero ang score ko for the very first quiz. Lagot ako sa parents ko, shucks talaga! I hate you Mr X!



Nasa canteen kami ni Aideen at pinagmamasdan ang mga estudyanteng nakapila sa pag-order ng pagkain.

"We're dead," walang siglang saad nito.

"Double dead," I replied.

"I think he found out that I sneaked in to his room so he changed the question."

"And here I thought you're smarter than your weird kuya."

Matalim niya akong tiningnan.

"Joke. He he." Nag-peace sign ako rito.

"I hate him!" naiinis nitong sabi.

"I double hate him!" sagot ko rin.

"Kain na tayo." Tumayo siya at sumunod ako.

"Sige, gutom na talaga ako, waaah!"


Nasa rest area kami ni Aideen na katapat ng building A. Roon kami tumambay after we ate para makita namin si Zac na super crush niya mula pa no'ng first year. Hindi naman kami nabigo na makita ito kasi papunta rin ito sa rest area pero agad ding nawala ang ngiti ni Aideen kasi may kasama itong babae na papunta roon. 

And we all know her, si Miss Campus beauty na classmate nito at rumored girlfriend daw niya. Sumimangot si Aideen at halatang masama ang loob sa nakita.

"Halika na bes, tara na sa classroom bago tayo ma-late," aya ko sa kaniya.

"Tell me honestly bes, sino mas maganda, ako o ang babaeng iyon?" naiinis nitong nguso ro'n sa babae.

"Waaah! Bakit ka nagtatanong ng ganyan, ayaw ko ngang sagutin!"

"What? You mean nagagandahan ka rin sa kanya?" marahas siyang lumingon sa akin.

"Kaya nga Miss Campus siya diba kasi tinalo niya lahat ng beauties dito sa school kaya ibig sabihin siya ang pinakamaganda at matalino pa," dahan-dahan kong paliwanag sa paraang hindi siya mai-insulto sa sinabi ko.

"Dahil hindi ako sumali kaya siya ang nanalo! Aba e, kung ako ang nakalaban niya sa pageant e di talbog ang mala-half moon niyang baba!" Natawa ako sa tinuran niya.

"Bes, hindi naman gano'n kahaba ang baba niya, ang ganda nga ng tabas e, perfect chin kumbaga na bumagay sa mukha niya."

"Ano ka ba? Best friend ba kita o taga-promote ng mukha niya?" angal niya sa akin.

"You're a beauty rin naman kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

"Kaya lang e hindi pansinin, parang sa akin kasi pasaway tayo. Mas napapansin nila ang ating kakulitan kaysa sa ating beauty. E si Miss Campus, mala-pilipina na mestiza ang dating kaya iyon, ideal girl siya sabi nila."

"At least sa atin walang plastic at itinatago e ang babaeng iyan baka nasa loob ang kulo. Kung makangiti feeling Miss Pilipinas."

"Ay naku, tara na nga. Hayaan mo na sila. Sa totoo lang bagay silang dalawa bes. Hayaan mo na sila."

"Ouch! Ipangalandakan bang hindi ako match kay Zac?"

"Open your eyes bes, hindi sila worthy for you. At 'yong darating e mas guwapo at siguradong mas sikat pa kaysa kay Zac. Wait ka lang." Maging ako ay hindi sigurado sa sinasabi ko. Sinabi ko lang iyon para makaalis na kami rito.

"Ah basta, I want Zac! Si Zac lang." She stomped her feet but we marched away from that area and headed to our classroom.

"Oo na, makahahanap din tayo ng chance. Patience lang," sagot ko. Ang sarap isako nang Zac na iyon e at ng ma-rape na ni Aideen. Sack the Zac! Pfft, bagay.



Author's Note:

Hey peeps, pls vote and/or comment. i appreciate it!

Salamat,

Micx


Falling In Love With Mr. X  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon