Isang linggo matapos ang first day ng paglipat namin ng school.
Makulit pa din si Callix, tingin ko naman nakaadjust na kami ng kambal ko sa presensya niya.
Hindi nga lang ako sigurado sa kakambal ko pero mukhang nandidiri pa din siya sa lalaki.
"This coming weekend, magkakaroon tayo ng outing, pinagbigyan ng head ng school ang klase natin dahil nanalo ang athletes natin sa Olympics sa ibang bansa!" Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ng adviser namin, tuwang tuwa sila dahil syempre, outing, siguradong may alak gaya ng gusto nila.
"By the way, dumating na ang mga athlete natin noong nakaraang araw, nagpahinga sila kahapon kaya wala pa sila. Ngunit according to their coach, makakasama niyo na sila mamayang hapon." Dagdag pa nito.
Pinaalalahanan lang kami ng adviser na maglista ng mga gusto naming pagkain at drinks, pwera nga lang sa hard drinks dahil light lang ang pinayagan ng head ng school. Pagkatapos mag-suggest ng food and drinks ay umalis na ito.
Tumayo naman ako at lumapit kay Ali. Inabot ko sa kanya ang isang small round chocolate cake na pinaghirapan kong i-bake kagabi. Nakalagay pa ito sa red na box at nilagyan ko pa ng ribbon. Excited ako dahil ako ang gumawa ng cake, sana ay magustuhan ito ni Ali.
Ngunit nang makalapit na ako ay niya manlang ako tinapunan ng tingin. At nang hindi niya ito tinanggap ay ibinaba ko ito sa gilid niya nang may ngiti pa rin sa labi, dahil dito ay napaangat siya ng tingin sa akin.
"Ano ba, Naia? Alin ba sa huwag mo na akong lapit lapitan ang hindi mo naiintindihan?" He said while gritting his teeth. "Leave me alone!" Napalakas ang paghawi niya sa kamay ko na nagbaba ng cake sa tabi niya dahilan kung bakit nahulog at natapon ang cake. Sigurado ako na sira na ang cake na pinaghirapan ko kagabi. Ang kirot sa dibdib ko ay unti unting kumakalat sa loob ko. Napawi ang ngiti na sinikap kong ipakita sa kanya.
Naistatwa ako sa kinakatayuan ko, narinig ko ang pagsinghap sa paligid. Sigurado ako na narinig at nakita ng mga kaklase ko ang nangyayari. Mabuti na lang at nasa labas pa ang kakambal ko, kung hindi magagalit iyon kay Ali.
Napako ang tingin ko sa cake na pinaghirapan ko. That's the fifth cake that I made last night. Madaling araw na akong natulog dahil hindi ko maperfect ang cake.
That cake was imperfect... but I worked hard for it.
Gusto ko lang naman pag-aralang gawin ang paboritong cake ni Ali.
Gusto ko lang siyang matuwa sa akin.
Gusto ko lang makita siyang ngumiti sa akin,
kahit isang beses lang...
Sobra na ba ang hinihingi ko?
Naramdaman ko na may humawak sa akin. "Naia, tara na?" bulong nito, tama lang na marinig ko, pero hindi ito nakatakas sa pandinig ni Ali dahil sa tingin ko ay nakipagtitigan siya kay Callix.
"Kung hindi mo gusto, pwede mo namang ibalik, Alister! Hindi mo kailangang itapon!" Mariin ang pagkakasabi ni Callix habang madilim ang tingin sa lalaki.
Sa halip na sumagot ay tumayo lang si Ali at iniwan kami doon na parang walang nangyari.
Umalis siya nang hindi manlang humingi ng sorry dahil sa natapon na cake.
What am I even expecting from him?
I sighed.
"Jerk!" Narinig ko pang bulong ni Callix bago ako pagtuunan ng pansin.
Iniharap ako ni Callix sa kanya pagkalabas ni Ali.
"Okay lang, Callix. I'm okay..." sabi ko sa kanya bago naupo at pinulot ang box ng cake habang nanginginig ang mga kamay. Pakiramdam ko ay maiiyak ako anumang oras ngayon. Suminghap ako upang pigilan ang nagbabadyang luha.
May kaunting natapon sa sahig dahil sa pagbagsak ng cake. Kumuha ako ng tissue para sana punasan ang nasa sahig pero inunahan na ako ni Callix.
Kinuha ni Callix ang box ng cak sa kamay ko at hinila ako palabas ng room.
Ang lalaki ng hakbang niya kaya't halos tumakbo ako habang hila hila niya.
"Callix, saan na naman ba tayo pupunta?" bigla bigla nalang siyang nanghihila.
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, hindi ko mabawi ang kamay ko.
Dumaan kami sa cafeteria. Akala ko hihinto na kami dito, pero nanghiram lang siya bread knife at tinidor? May dala pa siyang platito. Anong trip na naman ng lalaking to?
Hinila na naman ako ni Callix pagkatapos niyang kumuha ng kung ano ano sa cafeteria.
Huminto kami sa gilid ng building ng room namin, may bilog na lamesa at paikot din ang upuan. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya, kinuha niya sakin ang sirang cake bago naupo at ibinaba ang cake sa lamesa.
Ngayon niya lang ako nilingon pagkatapos niya akong hilahin dito. "Tatayo ka lang ba dyan, ha, Naia?" Eh bakit ang sungit mo?!
Napapadyak na lang ako bago naupo sa tabi niya. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya. "Damn jerk!" Bakit ba galit ang lalaking to?
Binuksan niya ang cake at inalis ang part na sa tingin ko ay nadumihan dahil sa pagkakahulog kanina. Pagkatapos ay kinuha niya ang knife at nag-slice ng cake papunta sa dala niyang platito.
Tinikman niya ang chocolate cake na gawa ko. Nalukot ang mukha ko sa pinaghalong kaba at inis. Hindi ko alam kung masarap ba ang cake na ginawa ko. At tila ngayon lang rumehistro sa utak ko na baka nga hindi masarap ang gawa ko. Binatukan ko ng sarili ko dahil ang lakas pa ng loob ko na ibigay iyon kay Ali gayong hindi naman ako sigurado sa lasa. Hay nako!
Napatingin ako kay Callix dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. "B-Bakit ganyan ka makatingin, ha?!"
Inirapan lang ako nito.
"Hindi masarap." Walang buhay na saad nito.
Nalaglag naman ang panga ko. "Anong hindi masarap, walang hiya ka! Huwag mo na ngang kainin! Akina—" hindi na ako pinatapos ni Callix dahil nagsalita na naman siya.
"Hindi masarap dahil hindi deserving ang taong dahilan kung bakit mo nai-bake ang cake..." seryoso si Callix habang nakatingin sa cake sa platito niya.
"Sa susunod, cheesecake na lang ang pag-aralan mo."
"Kakainin ko kahit pa sunog o hindi masarap, basta i-bake mo para sa akin...."
"Sa akin, at hindi para sa lalaking iyon."
Napatitig na lang ako kay Callix.
H-Huh?!
YOU ARE READING
Running After You (Running Series 1)
RomanceCan love endure? "Stop running after the waves. Let the sea come to you." - Elif Safak.
