Napahinto ako sa paglalakad papunta ng cafeteria nang may humila sa kaliwang braso ko. Sabay pa naming nilingon ng kakambal ko ang humila sa akin.
Si Callix lang pala. "Naia," he called. Nilingon niya din ang kapatid ko para ngitian. "Lara, hi!" Nagtataka siguro ang kapatid ko kung sino itong lalaki na ito.
Tumingin pa ito sa akin na parang nagtatanong kung sino ba ang baliw na lalaki sa harap namin. "He's Callix, our classmate." Kumunot ang noo ko. "You didn't notice him earlier?" Tanong ko kay Lara. Pambihira talaga itong kambal ko, madalas hindi updated sa paligid niya.
"No." Sagot ni Lara. "Grabe kayong magkapatid. Nandito ako sa harap niyo, haler? Kung pag-usapan niyo ako parang wala ako dito!" Parang nagtatampo na si Callix.
"Pwede ba akong sumabay kumain ng lunch sa inyo? Please?" Akala ko hindi na siya sasabay dahil nakakaramdam na ayaw namin sa kanya pero heto, nag-puppy eyes pa ang bwisit na lalaki, tss!
Tatalikuran ko na sana ng lumipat naman siya sa harap namin para mangulit. "Sige na kasi, Naia. Kakain lang, eh!" Niyugyog pa nito ang balikat ko, bwisit talaga!
Nang hindi ko ito pansinin ay kamay naman ni Lara ang hinawakan niya. Natawa ako ng halos mandiri ang kapatid ko sa hawak ng lalaki. Ayaw na ayaw talaga ni Lara na hinahawakan siya ng hindi niya naman kakilala. "Lara, isabay niyo na ako, sige na!"
"Oo na! Oo na! Basta bitiwan mo lang ako!" Inis na sabi ng kapatid ko kay Callix. "Kita mo, Naia, mas mabait talaga sayo si Lara!" Pumagitna pa siya samin habang sinasabayan kaming naglalakad.
"Tanga ka ba, Callix. Nandidiri lang sayo si Lara kaya siya pumayag. Haha!" Pang-aasar ko dito.
Nagulat naman si Lara ng lingunin siya ni Callix, hinawakan pa nito ang dibdib niya, aktong nasasaktan bago nagsalita. "Totoo ba yon, Lara?! Nakakadiri ba ako?" Ang drama ng Callix na to, feeling close samin, my gahd!
"Oo! Kaya pwede ba, hindi pa naman tayo close!" Nilayuan pa ng kapatid ko sa Callix.
"Grabe naman, Lara. Nakakasakit ka ng damdamin. Naia, oh, si Lara! Huhu!" Baling ni Callix sabay yakap sakin.
"Hayop ka, Callix. Tsansing ka agad!" Tinulak ko ang mukha niya at hinila na si Lara papunta sa cafeteria. "Kumain ka mag-isa mo!"
Nadaanan ko si Ali habang pababa kami sa cafeteria, ganon na naman ang expression ng mukha niya, parang disappointed lagi sa akin. Ano na naman ba ang ginawa ko?
"Naia, si Ali..." Hindi ko nalang pinansin si Lara at nagpatuloy sa baba.
I sighed deeply, parang ang bigat sa dibdib ng tingin niya sakin.
Um-order lang ako ng tuna sandwich at iced tea dahil wala akong gana kumain. Naiinis ako dahil nahihirapan akong ngumiti sa harap ni Ali, naaapektuhan na yata ako sa pagtrato niya sa akin.
"Hi, guys! Welcome to my vlog!" Nasira na naman ang momentum ko dahil sa hayop na lalaking ito. Binaba niya ang tray ng pagkain niya sa table namin at nakiupo na din ng walang pasabi. Nakatapat pa sa amin ang phone niya na tila nagv-vlog nga.
"What the fuck are you doing, Callix!" Iritang irita na ako today!
"Ha? Tanga ka ba, Naia? Vlog? Hindi ka updated? Saan ka ba nanggaling na kweba? Vlog nga 'di ba?" Inirapan pa ako!
"Okay, tanga tayo for today's video!" Halos umusok na ang ilong ko sa inis! Argh!
"Lumayas ka nga dito, Callix! Ang ibig ko lang sabihin, why are you taking a video of us?! Bakit sinasama mo ang mukha namin dyan! Anong akala mo libre ang ilantad ang mukha namin at gamitin sa vlog mo para magkaroon ng madaming likes at subscribers?!" Hindi ko talaga alam kung anong trip sa buhay nitong tao na to.
Binaba na niya ang phone niya, in-stop na muna siguro ang vlog niya kuno, bago sumagot. "Hoy, Naia, ang kapal mo ha, madami na ako nyan, sa gwapo ko ba naman na ito?" Sabay pogi sign pa.
Umarte akong nasusuka sa sinabi niya. "Oh please! Nasaan ang gwapo, paturo naman!"
Natawa naman si Callix. Bigla nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko, "Eto oh!" natahimik ako dahil sa gulat, hindi agad ako nakalayo.
Natauhan ako ng may biglang tumikhim sa gilid ko. Nakita kong nakakunot ang noo ni Ali habang nakatingin sa amin ni Callix. Napalayo naman ako dahil naalarma ako sa presensya ni Ali.
"A-Ali—" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil tinignan niya lang ako at pagkatapos noon ay tumalikod na siya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na ang kakambal ko na katatapos lang um-order ng pagkain. "Oh, anong nangyari sayo, Naia?" Nakatingin lang ako sa papalayong likod ni Ali.
"Alister Karlos Morii..." napalingon ako kay Callix dahil sa pangalan na binanggit niya. "H-Huh?" Naguguluhang lingon ko dito.
"Ang dahilan ng pagkatanga ni Naia Ysarri Trouvaille," saad niya habang natatawang nakatingin kay Ali.
"Walang hiya ka talaga, Callix! Shut up!" I glared at him.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at hinintay matapos kumain ang kakambal ko bago kami bumalik sa classroom. Iniwan na namin si Callix, kahit nagpapahintay ito, dahil matagal pa itong kumain.
"What did he say to you?"
"Huh?" Baling ko sa kakambal.
She crossed her arms and eyed me. "Don't 'huh' me, Naia, kakambal mo ako. Alam ko kung kailan ka hindi talaga okay. Kahit sandamakmak na ngiti ang ipakita mo sa ibang tao, ako, hindi mo ako maloloko." Mahabang sabi ng kapatid ko na nagpangiti sa akin. Kakambal ko nga talaga siya. Hindi kami magkamukhang magkamukha ni Lara. Fraternal twins kami. Pero ang connection namin ay higit pa sa sobra. Twing nasasaktan ang isa sa amin, ramdam yon ng isa pa. Twing may pinagdaraanan kami, alam na alam ng bawat isa. Kahit kailan ay hindi namilit si Lara na magkwento ako tungkol kay Ali. I appreciated that. Siguro ngayon ay napansin na talaga niya ang pagkabalisa ko sa twing nakakaharap si Ali dito sa school, lalo at first day namin dito.
Umiling ako. "Wala. Just his same old line... layuan ko siya."
Nalungkot ang mukha ni Lara na kanina ay seryoso. "Naia—"
I stopped her. "No, Lara. I can't... ayoko."
Napabuntong hininga na lamang siya. "Alam ko, hindi ko sigurado kung bakit. O kung ano bang ginawa niyang magic sayo para maging patay na patay ka sa kanya, pero, Naia..." she caressed my face and tapped my head na para bang bata talaga ako para sa kanya. "Maganda ka. Mabait ka rin naman minsan," she laughed. "Matalino, talented, sexy pa." She added.
"You deserve someone who can see your worth. Someone who appreciates and value your presence. Hindi mo deserve ang taong ikaw lang ang nagmamahal," she looked at me with a gentle smile in her face.
Mabuti na lang ay kami pa lang ang nandito sa room.
My eyes became blurry because of the tears forming. "Sorry, Lara. Gusto ko din naman tanggapin na hindi niya talaga ako gusto. Pero paano kung konti nalang? Paano kung konti nalang nagugustuhan niya na din ako?" Tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Paano kung hindi naman pala totoo ang girlfriend niya?
Paano kung pinagseselos niya lang ako?
Paano kung gusto niya na din pala ako?
YOU ARE READING
Running After You (Running Series 1)
RomanceCan love endure? "Stop running after the waves. Let the sea come to you." - Elif Safak.
