“Hindi ako nag bibiro, Justine.. One move and Youʼll die” Mahigpit ang pag kakahawak niya sa baril ngunit kahit ganon ay hindi niya mapigilan ang panginginig ng kamay niya.


“Bakit hindi ka na lang manahimik? Bakit gusto mong sirain ang buhay ko?Bakit gusto mong malaman pa nila ang totoo?!” Hinayaan ni Lalainena tumulo ang luha sa kanyang mata. Hindi na niya kailangan pang itago ang nararamdaman dahil tapos na siya doon. “Hindi kita papatayin basta lumayo ka sa amin...huwag mong guluhin ang buhay ng anak ko.. Huwag mong sirain ang nasimulan ko na.. Kase mababaliw ako kung pati anak ko ay mag dusa.. G-Gusto ko lang na mag karoon siya ng magandang buhay at hindi yun mangyayari kung sisirain mo yun!”



“Nag mamakaawa ako sayo, Justine. Maayos ang buhay mo, kahit ilang beses kong sirain, may tutulong at tutulong sayo. Sakin? Wala! Pati pamilya ko iniwan at inabanando ako. Gusto ko lang ng buong pamilya at nakuha ko yun sa pamilya ni Dew.. I donʼt have any intention to ruined your life, But Quincy come... Ayaw ni Don ang bata at para hindi siya mawala sakin, Lumapit ako kay Dew.. I used Him to save my life.. Kase kung hindi ko yun gagawin, Mawawala sakin si Don”




“Mahal ko siya kahit maling mali... But I fell inlove with Dew.. Pareho ko silang minahal kahit pareho lang din nila akong tinutulak palayo” Yung dating takot ay napalitan ng pag kaawa. Ngayon ay naiintindihan na niya pero kahit ganon..



“If you really love them, be honest to your self first. Hindi habang buhay maitatago mo ang sekretong yan, Lalaine. Kahit ako, gusto kong lumaki si Quincy na maayos ang buhay pero Lalaine nasira mo na ang lahat... I cant forgive you because you---” Hindi na naipag patuloy pa ni Justine ang sinasabi ng pareho sila ni Lalaine na napalingon sa pinto kung saan rinig ang kotse na huminto. Pati na din ang tunog ng police na nag si takbuhan.




Dahil dun ay hindi namalayan ni Justine na lumapit na sa kanya si Lalaine at mabilis siyang tinutukan ng baril sa leeg.



“Hindi nila ako pwedeng ikulong! Hindi pa kita napapatay--”



“Put down your gun, Miss” Wika ng isang police. Nakatutok ang Baril kay Justine at handa ng iputok iyon kung sakaling gagawa ng kahit ano si Lalaine. “Ibaba mo ang baril mo kung ayaw mong masaktan” Pag uilit niya ngunit hindi iyon sinunod ni Lalaine.



Umatras siya ngunit ang kamay ay nasa leeg ni Justine nakayakap. Ang baril ay nakatutok parin sa Leeg niya dahilan para hindi siya makagalaw.





“Lumayo kayo! Ipuputok ko toh sa kanya kung hindi kayo lalayo!” Natatarantang sabi ni Lalaine.



Alam ni Justine na nag bibiro ng mga oras na iyon si Lalaine.Kaya kapag hindi siya umayos ay pwedeng mapahamak siya at ang anak niyang nasa tiyan pa niya.




Sa subrang kaba niyang naramdaman ay naluha na lang basta ang kanyang mata. Gusto na niyang makaalis sa tabi ni Lalaine dahil parang mawawalan na siya ng lakas. Nanghihina na ang katawan niya at hindi na niya kaya pa.




Gamit ang siko niya ay tinira niya sa Tiyan si Lalaine. Nang magawa iyon ay mabilis siyang tumakbo paalis ngunit sa bilis ni lalaine ay itinutok niya ang baril sa dereksyon ni Justine at saka ipinutok ang baril.



Natigil si Justine at nabilog ang mata.



Muli ay may pumutok na baril pero galing na iyon sa police na nag salita kanina.



Sa subrang bilis ng pangyayari ay hindi niya namalayang ang sumalo ng bala na dapat sa kanya ay si Dew.


Lumingon siya sa kanyang likuran at doon ay nakita si Dew na unti-unti ng bumagsak sa sahig. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa binata at mas lalong lumuha ang mata niya ng makitang duguan ito at nag hihingalo na.


“D-Dew..” Hinawakan niya ang mukha ng binata at saka pinunasan ang mukha. “W-wag mo.. Akong iwan” nang sabihin niya iyon ay napapikit siya.



Ipinikit niya ang kanyang mata at nag dasal na sana ay pag mulat ng mata niya ay panaginip lang ang lahat.



Na sana isang bangungot na lang ang nangyari.. Na sana hindi iyon totoo.



Ilang beses niyang hiniling ngunit kahit ano ng gawin niya, Hindi sumang ayon sa kanya ang tadhana.




Malungkot niyang sinundan ng tingin ang doktor na papalapit sa kanila.




“Iʼm Sorry for your lost” Malungkot na sabi sa kanya ng Doctor.



Limang salita na nang galing sa doktor ang hindi ko inaasahang maririnig. Gamit ang kamay ay tinakpan ko ang mukha ko at hinayaang tumulo ang hindi maubos ubos n luba sa mata ko.




Isang linggo natapos ang nangyari, walang araw na hindi ko iniyak ang gabi at ang umaga. Subrang nag dadalamhati ang sarili ko sa pag kawala ni Dew at hindi ko matanggap na wala na siya.. Na hindi ko na siya makikita at mayayakap pa.



“Tine..” Rinig kong sabi ni Cire ngunit hindi ko pinansin dahil ang sakit-sakit ng dibdib ko. “ Tinatanong ni Tita kong icrecremate ba daw ang katawan ni Dew” 



Matapos ang nangyari ay ikinulong si Lalaine pero tatlong araw ang lumipas ay natagpuang patay na siya dahil tinapos na niya ang buhay niya. Ang Nanay naman ni Dew ay alam na ang totoo kaya tuluyan na niyang hiniwalayan ang asawa niya. Si Quincy ay hindi niya matanggap bilang anak kaya naman kahit kasalanan ang pag iwan nun sa ampunan ay ginawa niya parin. Si Tito Don ay ilang Araw na ding inilunod ang sarili sa pag iinom ng alak. Kahit siya ay hindi matanggap na wala na ang anak at ang pamilyang binuo niya.




Habang ako naman ay unti-unti nang nawawalan ng pag asa. Lumalaban na lang para sa batang nasa sinapupunan ko.



“Sabihin mong siya na ang bahala” Sagot ko kay Cire at saka sinara ang bintana kung saan kitang kita ko ang pag buhos ng malakas na ulan.




Nang mawala si Dew, Pansin ko ang pag buhos ng ulan sa tuwing umiiyak ako dahil sa pag kawala niya. May mga araw na kahit mainit naman ang panahon ay basta basta na lang uulan at titigil kung kailan tapos na akong umiyak.




Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero sa tingin ko ay yun ang pahiwatig ni Dew na kailangan kong lumaban para sa anak namin.









When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant