Kabanata 4 - Meet the Prince

Start from the beginning
                                    

"Whatever, sasabay kaba sa akin sa karwahe?" Tanong ko sa kaibigan

"No, carriage is not my thing" si Cyntia

"Yeah, you're right. Sasabay nalang ako sa kotse mo, Ayoko rin magkarwahe"

"Oh god! Speaking of that carriage. Ako lang ang nakakotse, tila pinamukha sa akin ng pamilya mo kung gaano kahampas lupa ang pula Kong Porsche!" Cyntia shows an unbelievably tone

"Edi sumabay kana sa akin sa karwahe"

"Mahal na prinsesa, Hindi ho maaaring sumama ang kaibigan nyo sa loob ng karwahe. Ang karwaheng asul ay para lamang sa prinsesang nalalapit na ang kasal. Pribado ho ang asul na karwahe" tikhim ng Isa sa royal maid. It's Lucy!

"Pano ba iyan my friend, Kita nalang tayo sa palasyo Forviente! Btw you look stunning" pinaikot ikot pa nito ang susi sa kanyang kamay na tila nangaasar bago umalis

Crazy Cyntia..

"You look stunning too!" Sigaw ko sa papalayong likod ni Cyntia, she just waved at me

Ang mahabang buhok ni Cyntia ay umaalon habang sya ay naglalakad papalayo sa silid, Her curvy body is amazing. She was wearing a tight silver dress, the diamonds on it glowed when hit by light.

I just smile at my crazy but sexy and hot friend.

"Mahal na prinsesa, handa na ho ang karwahe. Kanina pa ho kayo hinihintay ng tagapaghatid" tikhim ng Royal maid saka itinuro ng dalawang nitong palad ang daan palabas sa Royal Closet

"Okay" I walk smoothly, straight and modestly. I'm just like a real princess! It disgust me

Inalalayan ako ng Isa sa royal guards papasok sa loob ng karwahe.

"Mahal na Prinsesa, huwag nyo ho kalilimutan ang maskara" paalala ni Cristoper, my dad's personal Royal Guard

"Thanks!" Kunot noong isinara ni Cristoper ang karwahe

I took a deep breath as I put the mask on my face

"Here we go, princess time" kausap ko sa aking sarili, at sya namang nagsimula na ang pagpapatakbo sa karwahe

Tunog ng mga paa ng kabayo ang naririnig ko habang nilalandas namin Ang daan patungo sa Palasyo Ng Forviente

Dumikit sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin galing sa labas ng bintana nitong karwahe.

Papadilim na.. nagaagaw na ang liwanag at dilim...

Nalalapit na ang responsibilidad ko.
Nalalapit na ang kasunduan.
Nalalapit na ang kalungkutan ko...

Magiging masaya ba ako?

Hinawakan ko ang suot na maskara

Magtiwala ka sa maskara. Iyon ang sabi ng Reyna. Kaya't magtitiwala ako..

"Mahal na Prinsesa" tawag sa akin ng royal guard, Hindi ko namalayan na pinagbuksan nya na pala ako ng pinto

"Salamat" nginitian ko ito, saka marahang bumaba sa karwahe.

Mabilis kong ipinalibot ang mga mata sa kabuoan ng palasyo. Napalaki nito kung ihahalintulad sa Palasyo ng Lincole. Mas marangya ang itsura ng palasyo. Ang mga Agilang bakal na nasa tamang pwesto ng bawat tore ay kamangha mangha, ang ibat ibang kulay ng mga bulaklak ay nakakabighani. Ang estilo ng palasyo ay moderno ngunit makikita mo ang kalumaan sa bawat bahid ng lumot sa pader nito na lalong nagbigay ganda.

This place is amazing!

"Mahal na prinsesa" Ang Reyna

"Mahal na Reyna" I bowed

Love behind the Mask (FORVIENTE #1)Where stories live. Discover now