(14)

6.8K 177 16
                                    

Revised: May 7, 2020
Title: Marriage contract
Time: 12:53 pm
____

Ethan's PoV

"PAANO ikaw na ang bahala sa asawa mo, ethan." Sabi ni max, at tumingin kay heaven, na nakahiga sa backseat.

Mukhang hindi pa yata nawawala ang tama ng alak dito.

Sa sinabi ni max, na naka anim ito ng shot talagang malalasing ito.

Tumango ako."Don't worry aalagaan ko ang asawa ko." Sabi ko at ngumiti.

Totoo sa puso ko ang sinabi ko. Maybe we're not really married pero mayron pa rin akong pananagutan sa kanya.

Ako lang at si greg, ang may alam na hindi kami totoong kinasal. Siya alam niyang kinasal talaga kami. Maging si max, yon din paniniwala.

Tiningnan ako ni max. "Aalagaan mo lang ethan, yon lang ha!. Mamaya ay iba pala sinasabi mo pag-aalaga?"

Napakamot ako sa batok. "Iniisip mo ba na may gagawin ako sa kanya?"

Hinawakan nito ang baba at kunwari ay nag-isip. Napailing na lang ako. Oo Playboy ako pero kailan man hindi ko ginawa makipag-sex sa babaeng tulog hindi yon masarap.

"Well, playboy ka at lasing naman ang kaibigan ko. Kasal na rin kayo at may karapatan ka sa kanya. So technically pwede mo gawin yong naiisip ko."

"I'm just a playboy max, not a rapist at isapa hindi ko ugaling makipag-sex sa tulog."

Tumawa ito. "I'm just joking."

"I know, max."

"I trust you. Kong wala akong tiwala sayo hindi kita tatawagan." Sabi nito at hinawakan ako sa balikat."Matagal na kaming magkaibigan at hindi ko siya basta pinagkakatiwala sa iba tao pero iba ka, ethan." Seryoso nito sabi. "Sana hindi mali ang tingin ko sayo."

"Tingin mo sa akin?" Ulit ko.

"Your playboy alam na natin yan from the start but i know deep inside you have a good heart."

"It's that a compliment max?" Biro ko dito.

"Ikaw yon ba iniisip mo sa sinabi ko?" Balik tanong nito sa akin.

"I think."

She just smile. "Anyway yong sinabi ko sayo kapag nawala na ang tama ng alak sa kanya alam mo na."

"Alam ko na." Nakangiti kong sabi.

"Good."

Sabi ni max, kapag nalalasing daw si heaven, nagiging madaldal talaga ito at kapag nawala naman ang epekto ng alak dito may iba nangyayari dito. Kahit ako ay hindi makapaniwala na may ganon tao pala.

Makakatulog ito ng buong araw. May ganon talaga. Masyadong kakaiba si heaven, iba pala ang epekto ng alak sa kanya pero nakukuha pa rin talaga niyang uminom ng ganon kadami.

"See you tomorrow i think."

"Yes, see you." Sabi nito at tiningnan ulit ang kaibigan na tulog pa rin bago tumingin sa'kin. "So mauna na ako sa pumasok. Inaantok na kasi ako."

"Sige, salamat!" Sabi ko at tumingin ulit kay heaven, na nasa back seat.

Kaninang nagbibyahe kami ang dami nitong sinasabi. Hindi ko na alam ang mga pinagsasabi niya basta may isang bagay siyang sinabi na talagang hindi ko makalimutan. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko.

"Ayaw ko ma-inlove sayo ethan, ayaw ko pero ang hirap gawin. Ang hirap mo iwasan."

Pinigilan ba niya na ma-inlove sa akin kaya umiiwas ito na magkasama kami sa iisang suite.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Playboy's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon