Kabanata 12

8.6K 56 17
                                    

ANGELO

KABADO akong bumaba ng owner dahil mas isipan ko pa rin ang mga salitang winika ni Padre Tiago.

Papatay siya...papatay siya kapag nagpagamit pa ulit ako sa mga lalaki. Hindi ko man masabi pero natatakot na rin ako sa kanya. Kaya niyang pumatay?

Pumapatay rin ba ang mga pari?

Iyon ang naiwang katanungan sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Pagkababa ni Padre Tiago ay nauna pa siyang umakyat ng hagdan sa akin.

In-assisst kami ng mga tauhan ni Sir Bastian hanggang sa makarating kami sa kanyang kinaroroonan, sa kanyang opisina sa second floor.

Malawak ang mansyon niya at halos mga tauhan niya lang ang naroon, at idagdag na rin ang mga kasambahay na naroon.

Pumasok kami sa isang silid, sa kanyang opisina at naroon nga siya, naghihintay sa akin.

"Oh father, sumama ka pala kay Angelo. Ipinasundo ko na siya sa mga tauhan ko dahil ang akala ko ay hindi ka pupunta." Natarantang tumayo ang bise alkalde at saka siya naglakad upang salubungin kami.

Nakipagkamay siya sa amin at si Padre Tiago ay walang emosyon na naupo lang sa isang silya sa tapat ng mesa ni Sir Bastian.

"Naghapunan na ba kayo?" tanong ng bise alkalde.

"O-opo," nauutal kong sagot dahil wala talagang imik ang kasama ko.

Natatakot ako dahil baka gumawa ng hindi kanais-nais si Padre Tiago ngayon, hindi ko alam pero ito ang nasa isip ko sa mga oras na ito.

"Bakit mo pala ipinatawag ang alaga ko?" tanong ni Padre Tiago kay Sir Bastian.

Namuo ang tensyon sa aking dibdib nang marinig ko ang boses ni Padre Tiago na ngayon ay buong buo at malalim.

Seryoso lang siyang nakatingin sa isa na ngayon ay nagulat din talaga sa kanyang naging katanungan.

"Nalaman ko kasi na magaling siyang manghilot. Kaya't I am taking this opportunity, dahil pagod akong nagbasketball," mabait ang boses ni Sir Bastian na nagsabi nito.

"Marami ka namang pera upang mag-hire ng mga manghihilot, bakit si Angelo pa? Gabi na at marami siyang kailangang gawin sa kumbento, lalo na at Linggo bukas," striktong tugon ni Padre Tiago.

Tila ba mas lalo akong kinabahan sa kanyang tono dahil ngayon ko lang talaga siya narinig sa ganitong estado.

"Ikaw, bata? Hindi ba't pagod ka na? Napakaraming ginawa kanina para sa pa-liga. Ngayon ay hindi ka pa rin napapagod?" ako naman ang pinagdiskitahan ni Padre Tiago at pinagalitan sa harap ni Vice Mayor.

Ako na lang siguro ang hihingi ng pasensya kay Sir Bastian sa sinasabi ni Padre Tiago.

"P-padre, hindi naman po sa ganoon. Hangga't kaya ko po ay gagawin ko ang kaya ko," nakayuko kong wika.

"Tsk, wala ka talagang dala, Angelo," mahina niyang wika saka umiling.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Sinabi niya na ito dati sa akin, at ang nangyari kay Bernard ay isa lang sa mga paraan niya ng pagpapakita sa akin na kayang kaya niyang gawin ang mga binibitawan niyang salita.

-------&-------

Ang buong kabanata ay mababasa sa GoodNovel app.

https://m.goodnovel.com/book_info/31000335358/LGBTQ-+/PADRE-TIAGO?shareuser=42986493&ch=apps

PADRE TIAGO - RATED SPGWhere stories live. Discover now