Special Chapter #2:

Magsimula sa umpisa
                                    

“Tara na, Leila.” Niyaya na ni Riza si Leila upang magtungo sa terminal ng bus kung sa’n sila sasakay pauwi, ngunit nanatiling nakatigil si Leila na ikinataka naman ni Riza.

“Oh, bakit ayaw mong lumakad diyan? Para kang nakakita ng multo, uy!” Minsan pang inalog-alog ni Riza si Leila upang mahimasmasan ito mula sa pagkabalisa.

“I forgot to tell you, I’m sorry.” Napatigil si Riza sa ginagawa niya nang mamataan niyang nagsalita si Leila, her eyebrows crossed as she attempted to ask.

“Bakit, ano ba ’yon?” tanong niya. Nahihiya pang yumuko si Leila at parang ewan siyang kinikiliti ng kung anong bulate, it annoyed Riza that she almost grabbed her next and she insisted her to say what she wanted to say.

“Ano nga kasi ’yon?! Nakaka-sayang ka ng oras, Leila!” she growled annoyingly. Inalog-alog niyang muli si Leila habang pinipilit niya itong pasagutin sa kaniyang tanong.

“Ito na, ito na, sasagot na! Nahihilo ako sa ginagawa mo, alam mo ’yon?!” Inayos ni Leila ang kaniyang sarili, matapos iyon ay huminga siya nang malalim at dito na nga siya nag-kuwento.

“Kasi... may susundo pala sa ’kin ngayon, nakalimutan kong sabihin sa ’yo kanina kasi abala rin ako sa schoolworks.” Pag-amin niya, dito naman muling napatanong si Riza.

“Ha? Sino namang susundo sa ’yo? Parehas tayong walang sasakyan.” Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto niya ang isang bagay.

“Or could be... may jowa ka na ba?!” gulat niyang tanong.

“Oo, apparently... mag-isang buwan na kami this July sixteen.” Napaiwas ng tingin si Leila kay Riza habang mamula-mula siya nitong sinagot.

“Kaya naman pala, kaya naman pala! Pero okay lang, as long as masaya ka ay okay na rin ako. Wala naman akong karapatang manghimasok sa personal mong buhay eh, so susuportahan kita sa relasyon niyo ng jowa mo.” Ngiti pa niya.

“Salamat ha, I thought kasi na kapag sinabi kong may jowa na ’ko eh magagalit ka kasi mas maglalaan ako ng time sa jowa or whatever kaysa sa ’yo... alam mo na ’yon.” Paliwanag naman ni Leila na ikinatawa ng kaniyang kaibigan.

“Bakit naman ako magagalit? Ikaw talaga oo, magiging masaya pa nga ’ko at may jowa ka na! Siya nga pala, ano mayaman ba jowa mo?” Lumapit si Riza at bumulong na ikinatawa maman ni Leila.

“As in! Taga-Northridge siya, beh! Nag-aaral siya sa Northridge Academy sa Baguio!” Halos masilihan ang pwetan ni Leila nang sabihin niya ’yon.

“Ay aba naman! Iba rin kung maka-bingwit eh, ano?” tugon naman ni Riza.

Sandali pa ay may humintong isang sasakyan sa harap nila—isang puting SUV, bumukas ang pinto nito at iniluwa nito ang isang lalaking nakasuot ng magarang uniporme.

Medyo may katangkaran ito, maputi rin at may kulay kayumangging buhok, ang kaniyang mga mata ay medyo bilugan at makapal ang kaniyang labi, he has an average body too. But still, he’s expensive as he looks. May suot ding face mask ang lalaki na kalaunan ay tinanggal niya.

Kaagad namang napangiti si Leila dahil ito na nga ang kaniyang hinihintay. She smiled at Riza and she looked at her, kinalabit niya ’yon dahilan upang mapatingin si Riza sa kaniya mula sa boyfriend nito.

“May balak ka pa yatang agawin eh.” Bulong ni Leila rito dahilan upang mapatindig ang mga balahibo ni Riza.

“’Di ah, ’di ako gano’ng tao, ’no!” pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Nginisian naman siya ni Leila.

“Joke lang, ikaw naman. Alam kong ’di ka gano’ng tao!” tawa nito. Tumingin si Leila sa boyfriend niya at napangiti, lumapit siya rito at Ipinakilala niya si Riza sa kaniya.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon