Chapter 22:

73 5 9
                                    

Sumapit ang araw ng Linggo, ito na ang araw na pinakahihintay ng mga miyembro ng track and field club dahil ito na ang kanilang laban sa divisional track meet. Maaga pa lamang ay nakarating na sila Leni at ang ibang miyembro ng club na lalaban sa meet sa Benguet Sports Complex. Kalaban nila ang iba’t ibang paaralan sa dibisyon nila sa La Trinidad at mga kalapit na bayan.

Iba’t ibang mga mag-aaral sa magkakaibang eskuwelahan ang naroroon, sa bawat puwesto nila sa stadium ay may mga tarpulin na nakasabit at nagsasabing “break a leg” o kaya naman ay “full speed ahead.” Maaraw din ang panahon, medyo mainit din ang temperatura dahil malapit na ang tanghaling tapat.

Leni is wearing her pink track suit as she looks downward the tracks where she would run, hawak niya ang kaniyang teddy bear stuffed toy at kasalukuyan niya itong pinipisil-pisil dahil sa nararamdaman niyang kaba. Malalim ang kaniyang paghinga at pilit niyang inirerehistro sa kaniyang utak, pinagmamasdan niya ang mga paaralang kaniyang makakalaban at totoo ngang mabibilis ang mga kalahok nilang isasalang sa karera ngayong taon.

Saglit pa ay sumulpot si Kiko sa gilid ilang metro ang layo kay Leni, napangiti siya nang makita niya ang dalaga habang seryoso itong nakatingin sa tracks. He walked to her and greeted her as soon as he reached Leni.

“Malapit ka nang tumakbo ’di ba?” he smiled. Napatingin naman si Leni sa kaniya at nang mapagtanto niyang si Kiko ang kumausap sa kaniya at napangiti rin siya, she nodded and she responded immediately.

“Oo, malapit na nga ’ko.” Ngiti niya rin. Saglit pa ay naging seryoso ang mukha ni Kiko at tumingin rin siya sa tracks, humawak siya sa bakal na railings sa harapan ng kanilang kinatatayuan at huminga siya nang malalim.

“I hope you beat your personal best and win the gold again this year.” Saad niya. When he looked at Leni, she’s hardly squeezing her stuffed toy.

“Hindi ko alam, Kiko. The opponents are just... petrifying.” Leni took a deep breath, napangisi naman si Kiko at dito ay hinawakan niya ang kamay ni Leni na nakahawak sa stuffed toy. Because of this, Leni’s eyes widened and she blushed as she tilted her head to look at Kiko.

“Kaya mo ’yan, I’ve seen how hard you worked for this event.” Saglit pa ay binitawan ni Kiko ang kaniyang kamay dahil maging siya ay naiilang na rin sa situwasyon, hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang humawak sa kaniyang mga kamay.

Dahil noon pa man siguro...

“Gawin na lang natin ang makakaya natin, Leni.” Kiko rephrased the situation as he changed the mood by encouraging Leni for the race.

“K-kaya nga, let’s just d-do our best.” Nauutal na ang dalaga dahil sa nangyari. She squeezed her bear stuffed toy again.

“Leni, I wanted to tell you something.” Kiko looked at her in the eye. When thier eyes met, Leni could feel that it was something she wasn’t prepared to hear. Just by Kiko looking at her, she gradually feels that her heart is racing. It’s just like when Bongbong is around, but not like what she feels towards the boy.

“Ano ’yon?” Confused by the situation she’s in, she asked what was it.

“I’ve been longing to tell you this, Leni.” Napaiwas ng tingin si Kiko, huminga muna siya ng malalim bago magsalita. He mustered the courage to say what he wanted to say.

“Leni, I lik—”

“Calling the attention of the participants of the girls’ one hundred-meter sprint, please proceed to the tracks as soon as possible for the race is about to start.” Kapuwa sila napalingon sa tracks nang marinig nila ang announcer.

“That’s my queue, aalis na ’ko. Baka ma-late pa ’ko sa karera!” Leni panicked, kaagad siyang nagpaalam siya kay Kiko nang marinig niya ang anunsiyo.

HatsukoiWhere stories live. Discover now