Ang Simula.

157 10 0
                                    

LET ME INTRODUCE MYSELF FIRST

Hi! ako si Reenroze Thasiya Lincole you can call me Roze, Isa akong Prinsesang mahinhin, limitado ang maaaring gawin and I'm good at lying. Hindi lang ako prinsesa, kakaiba ako sa kanila. You know why? .....

Ako si Trianah Laveska you can call me Ria, isa akong babaeng mahilig magparty, magbar at gawin ang bagay na gusto ko. If you are asking what connection i have with the Princess. Sasagutin ko 'yan

AKO AY SIYA

SIYA AY AKO

Princess Roze:

"Ako ang itinakdang ikasal sa Prinsipe"

Trianah:

"Ngunit ako ang mahal nya!"

Dahil sa tradisyon ng Royal family, natutong magpanggap, manloko at magsinungaling

Ngunit mas nangibabaw ang PAGMAMAHAL

Because heart can't lie, but mind can

PRINCESS REENROZE pov

"Woooh! Muntik na!" Mabilis kong iniwansan ang kotseng matulin ang takbo

"Hoy Miss!, Magpapakamatay kaba?!" Huminto ang sasakyan ng matandang lalaki at dumungaw sa bintana ng kanyang kotse

Tinakbo ko kasi ang kalsada kahit hindi pa nagred ang traffic light. Rinig na rinig ko ang reklamo ng malalakas na busina ng mga sasakyan.

"Sorry! Need to go! Bye... ! " asar ko sa matandang lalaki na nasa loob ng kanyang kotse, inis ang mukha nito.

I just sneered at him

"Bwiset!" Nakita ko pang hinampas ng matanda ang kanyang manubela dahil sa inis. Mukhang nagmamadali ata s'ya.

Mabilis kong tinakbo ang patungo sa Palasyo. Nang makarating ako sa bakod halos kasing bilis ata ni Flash kong inakyat iyon.

"Okay, Princess time" tingin ko sa aking relong pambisig bago ipinapagpag ang dumi sa aking mga palad

It's seven fourthy o'clock in the morning. I just came home from Cyntia's mansion.

Tuwing Gabi sinasamantala ko ang kaantukan ng mga Royal Guards tsaka ako tatakas.

Aakyatin ang bakod at makikipagkita sa kaibigan kong si Cyntia.

Uuwi ng umaga bago dumating ang oras ng paggising sa akin ng Royal Maid. Laging nakatatak sa aking utak ang oras na "8:00 am".

Ganyan ang routine ko every night. Kung ang ibang Prinsesa ay skin care ang kaharap sa Gabi bago matulog. Ibahin nyo ako, mas gugustuhin kong magbar at magparty kaysa sa pagpapaganda ng balat.

Cyntia and I had a party with her classmates last night. We partyed, drank, and danced in their mansion. Until we fainted from drunkenness. It's fun! Really Really fun!.

Love behind the Mask (FORVIENTE #1)Where stories live. Discover now