Chapter 39 (Part 1 of 2)

Começar do início
                                    

Galit nga pala ako sa kanya! Galit dapat ako sa kanya!

Kita ko ang bahagyang pagsasalubong ng dalawa niyang kilay dahil sa aking ginawa. Umiwas ako ng tingin mula sa kanya.

"Are you okay? Were you hurt?" punong-puno ng pag-aalala niyang tanong. "I'm sorry, I stopped you from slapping him earlier. Your hand doesn't deserve to be touched by his face."

Tumango naman ako bilang sagot. Galit ako!

Ilang segundong walang nagsasalita sa aming dalawa nang mapagdesisyunan niyang basagin ang katahimikang iyon.

"Jade, are you really oka—"

Pinutol ko ang kanyang mga salita at masamang tumingin sa kanya.

"Bakit ka nandito? Ghinost mo na 'ko, 'di ba?" masungit kong pagpapaalala sa kanya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay kasabay ng pagkrus ko ng aking braso sa taas ng aking dibdib. Mas lalo lamang kumunot ang kanyang noo, sobrang naguguluhan sa aking inaasta.

"Oh, ano? Ba't 'di ka makasagot?" tanong ko pa. "Halos dalawang araw kang 'di nagparamdam. Imposible namang dalawang araw kang nasa eroplano? Ano 'yon? Nag-pause sa gitna ng ulap?" pilosopo kong dagdag.

Umayos ito ng tayo habang nakatingin pa rin sa akin. Unti-unti nang sumisilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi nang mapagtanto kung bakit ako nagagalit.

"I should be the one who's asking you that, Jade. You are the one who's not replying to any of my messages," maliit ang ngiti niyang sagot.

Napatigil ako sa sagot niya kasabay ng pagkunot ng aking noo. Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala sa sagot na binigay niya sa akin.

"Look at your message requests in different social medias and your gmail account. I was trying to contact you there, since you weren't answering any of my video calls, but you also weren't answering any of them," maiksi niyang pagpapaliwanag.

Kahit na punong-puno na ng alak ang aking sistema ay para bang awtomatiko akong nagising dahil sa mga sinasabi nito. I hurriedly looked for my bag that was just beside Nica and grabbed my phone inside.

Mabilis ko iyong hinalughog at agad nakitang iisang app pa lamang ang naka-download doon. Dahil sa sobrang pagka-busy sa trabaho ay hindi ko na namalayang pangtrabaho lang pala ang aking nasetup na app.

Tumingin ako sa message requests at nakitang iilang messages na ang nandoon na galing kay Hugh noong isang araw pa.

Hindi naman kasi namin ito ginagamit pang-communicate sa isa't-isa! Puro lang kami facetime o 'di kaya'y text messages. Pero dahil nga bago ang aking cellphone at number ay hindi ko pa 'yon nasesetup.

Hugh Villaflor • Active 19 hours ago

Hey, Jade, you aren't answering my calls?

Are you okay? Call me when you read this. I love you

Am I going straight to your message requests?

Please, Jade. I'm getting worried for you.

I love you. And I miss you. So bad.

Halos lahat ng kanyang mga text ay limang minuto ang pagitan.

Mabilis ko pang dinowlonad ang ibang apps habang tumitingin sa aking gmail. Napaawang na lamang ang aking labi nang makitang may iilang messages nga siya doon na napabilang na sa spam messages.

dashiellhugo@gmail.com

Jade, please call me back.

I miss you. I want to hear your voice and see your smile.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora