(⊙﹏⊙)

Totoo ba 'to? o totoo talaga? Tanga. Iisang meaning lang 'yun.

 Naka-hoodie siya at white pants tas may dalang isang maleta. Napa-iling ako at sinarado ko na 'yung gate. Nag-iimagine ka lang DJ eh.

"Huy! DJ naman eh! Malamig dito sa labas!" sabay pigil sa pag-sasara ng gate.

Sumigaw siya so totoo nga 'yung nakikita ko?

Binuksan ko ulit ang gate. Lumapit siya pero napa-layo din .

"Uminom ka ba? Ang baho mo DJ." Hinila ko na lang siya papasok sa bahay. Nang-asar pa eh.

"Bakit ka naman ginabi? Pupunta ka na nga lang gabi pa. Pano kung mapa-hamak ka pa diyan sa pag-sakay mo ng taxi? Ha? Sana diba, tinawagan mo ako para nasundo kita. At lagi ko 'yung binibilin sa'yo. Makulit ka din eh."

 

Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa kusina.

Maka-walk out naman 'to. Bahay niya ba? Bahay niya?

Tsss.

Sinundan ko siya sa kusina at nakita kong nagti-timpla siya ng kape. Umupo ako sa dinning chair. Inilapag niya ang isang tasa ng black coffee.

"Ano? Bakit ngayon ka lang –"  inilagay niya ang daliri niya sa labi ko. Tinanggal din naman niya agad.

"Sir, try to look on your phone. Parang may something eh." Nag-roll eyes ako sa kanya at dinukot ang phone ko mula sa bulsa.

5 missed calls & 3 Messages all from Kath.

Tumingin ako sa kanya, ngumiti siya ng mapang-asar.

Sorry naman!!

"Eh bakit hindi ka tumawag kay mama?" at unti-unti kong ininom 'yung kape. Alangan, mainit.

"May hiya naman ako nuh." Inubos ko 'yung kape ko. Medyo nahulasan ako naman ako kahit papano.

"Tsk. Bukas na kita kakausapin. 'Dun ka sa kwarto ko matutulog. Sa kwarto mo kasi pinatulog ang mga pinsan ko." nag-kibitbalikat na lang siya. Pina-una ko siyang paakyatin ng kwarto at ako ang nag-buhat ng maleta niya.

Pag-pasok ko ng kwato naabutan kong hinalikan niya ang pisngi ni Jordan. Nag-bihis siya ng pantulog, nag-palit din ako. Hindi kami sabay ah? Mga isip niyo po!! Jusko.

'Dun ko siya pinatulog sa kama at ako sa sofa. Hindi na siya nakipag-talo kasi parehas kaming pagod.

K I N A B U K A S A N

 

Naramdaman kong mag yumuyug-yog sakin.

"Daniel.. Bakit ka ba dyan natulog?" I keep my eyes shut. Ang sakit ng ulo ko eh.

Istorbo naman si Mama oh, sarap ng tulog ko dito eh.

"Daniel, gumising ka na. Bakit naman hindi mo sinabi na dumating si Kath?" napa-mulat ako.

Bumangon ako sa pagkaka-higa at humarap kay Mama.

"Si Kath po? Nasan?" itinuro niya si Kath na mahimbing na natutulog sa kama ko. Aish, oo nga pala dumating siya ka-gabi.

"Naka-alis na ang mga pinsan mo kanina pa. May mga trabaho daw sila eh. Mag-pahinga ka muna. Tumabi ka din muna kay Kath. Baka sumakit katawan mo diyan eh. At wag ka ding magulong matulog, baka maabala mo si Kath."  Sabi niya habang paplabas ng pinto.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon