Thank You Edward

34K 207 17
                                    


Thank you po sa mga nag-comment sa story ko at sobrang nagugustuhan nyo ung story ko pasensya rin kung hindi ako makapgupdate kagad medyo busy lang sa work.


****************************************************************


CHAPTER 34:








Naiwang mag-isa si Andy sa bahay nasa kwarto sya at inaalagan ang anak ng may narinig siyang pagkatok sa  pinto. Lumabas siya para tignan kung sino ang tao pagbukas nya nagulat sya sa nakita kung sino ang taong nasa harap nya.









"Edward…."









"Hi, nabalitaan ko kasi may Mia na umuwi ka daw dito sa atin kaya pinuntahan kita"









"Pasok ka, eh diba may inaasikaso ka sa Manila"









"Tinapos ko na kahapon sakto nga eh, teka bat ka nga pala umuwi dito buti pinayagan ka ni Joshua" napabuntong-hininga si Andy









"Hindi alam ni Joshua na andito ako ngayon…"









"Bakit may problema ba kayo?"









"Iniwan ko na sya…. Nalaman ko kasi na may nabuntis syang ibang babae at ung pinagseselosan ko pa…" naiiyak nyang sabi










"Ano?! So pano kayo ngayon?" tanong nya










"Kaya kong buhayin ang anak ko bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho para mabuhay kami ng anak ko"










"Don't worry sa agency ko na lang ikaw magwork tutal need ko ng secretary"










"Wag na nakakahiya naman…" tanggi nya









"Anong nakakahiya kaibigan kita sino pa bang magtutulungan kundi tayong dalawa" pagpipilit nito









"Salamat Edward maraming salamat… bukas na bukas asikasuhin ko ung mga requirements ko"









"wag na no need ok magstart ka na tomorrow"









"Salamat …." at hinawakan nya sa kamay ang kaibigan, natuwa naman ito.









*****************************








Nagsimula ng magtrabaho si Andy bilang secretary sa agency na pag-aari ni Edward, sa una medyo hirap nya pero habang tumatagal nasasanay na sya sa trabaho niya. Habang nag-aayos siya ng gamit dahil malapit na uwian lumapit sa kanya ang lalaki









"Andy may lakad ka ba mamaya?" tanong nito









"Wala naman, bakit?"










"P-Pwede ba tayong magdinner?" nahihiya nitong tanong










"Sige treat ko tutal bagong sahod naman ako hehehe..."










"Ano ka ba ako ang nagyaya tapos ikaw ang manlilibre syempre ako manlilibre"









"Ano ba Edward nakakahiya dami mo na kayang naitulong sakin noh"










"Tinulungan lang kitang magkaron ng trabaho pero ikaw pa rin ang naghihirap sa pera mo" paliwanag nito, biglang napaisip si Andy sabagay may point naman ang lalaki.









"Ok sige na nga basta next time ako naman ang manlilibre ha"









"Hehehe.... sige na nga matahimik ka lang" natatawang sabi ni Edward









Pagdating sa restaurant umorder na sila ng pagkain at nagsimula ng kumain.









"Kumusta naman si DJ?"









"Ok naman ayun ang kulit-kulit pano nakakalakad na hehehe..." natatawa nyang kwento,









Medyo matagal na din hindi nakakadalaw si Edward kina Andy dahil busy ito sa negosyo, habang kumakain sila biglang nakaramdam ng hilo si Andy.









"Andy ok ka lang?" pag-aalala ni Edward









"Oo medyo nahilo lang..." sabi nito









"Baka pagod ka lang sa trabaho"









"Baka dahil din sa puyat lagi kasi akong pinupuyat ni DJ"









"Sige bilisan na natin kumain para makapagpahinga ka na"









Pagkatapos kumain hinatid kagad ni Edward si Andy sa bahay nila, hindi na tumuloy ang lalaki dahil nagmamadali rin ito at may aasikasuhin pa.









Pagdating nya naabutan niyang tulog na ang anak sa kwarto, habang tinititigan ang anak biglang nakaramdam ng pagsusuka si Andy, tumakbo sya kagad sa banyo. Lahat ata ng nakain nya kanina ay naisuka na niya naghilamos siya ng mukha at napatitig sa salamin tinititigan ang sarili.





**********************************************************************


VOTE


BECOME A FAN


LEAVE COMMENTS AND SUGGESTIONS IF YOU LIKE


Lovelots

JHingzzy



One Sided-Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon