At the Bar

39K 291 3
                                    

CHAPTER 7

Naging maayos ang convention na dinaluhan nila Joshua at Andy na ginanap dun din mismo sa hotel na tinutuluyan nila paglabas nila ng function room.

"Joshua? Hi!" bati ng babae sabay halik sa pisngi ng lalaki nagulat si Andy

"Hi..."

"So who is she? Another girl?" nakangiti ito na pang-asar

"No, this is Andy my secretary and friend Andy this is Isabel" pakilala nya sa dalawa tumungo lang si Andy

"Sige I have to go, see you around" at umalis na ito na masama ang tingin  kay Andy 

Gabi na ng matapos ang convention pero naisipan pa rin nilang mamasyal nagpunta sila sa isang bar dahil meron acoustic night doon.

Pagpasok nila ng bar ang mga babae nakatingin kay Joshua dahil siguro nakikilala nila ito dahil sikat din na model ito ng produkto nila isa pa dahil na rin sa gwapo nitong mukha at machong tindig. Samantalang kay Andy marami rin lalaki ang tumitingin dahil sa angkin nitong ganda at sexy ang katawan kahit simple lang ang pananamit nito.

Pumwesto sila sa may malapit sa balcony para maramdaman nila ang sariwang hangin at makita ang magandang view, ilang sandali pa umorder na sila.

"Andy anong gusto mong kainin"

"Kahit ano ikaw na bahala"

"Ok sige, miss isang sisig, gambas, mango shake at beer"

"You like the place"

"Oo naman maganda ung mga music pati ung ambiance ng bar"

Kumain sila habang si Joshua medyo tipsy na dahil medyo naparami na rin ang inom.

"Josh CR lang ako"

"Ok sige" pagbalik ni Andy nakita nya si Joshua na may kasamang babae at magkadikit na ang mukha habang nag-uusap at nagtatawanan kulang na lang maghalikan ito sa sobrang lapit, un ung babae na nakita nila sa convention kung hindi sya nagkakamali tila parang nainis sya sa nakita. Hindi na bumalik si Andy sa table nila at tuluyan ng umalis. Naghihintay sya ng taxi sa labas ng bar dahil overlook ang bar paglingon ni Joshua nakita nya si Andy na nakatingin sa kanila bago pa nya matawag ito nakapara na ito ng taxi at tuluyan ng umalis.

JOSHUA POV:

"Isabel I have to go" nagmamadali akong tumayo kahit tipsy kailangan kong sundan si Andy baka kung anong mangyari sa kanya gabi na sobra akong nagaalala.

"Josh wait!" sigaw ni Isabel hindi ko na sya inintindi ang mahalaga sakin si Andy 

Shit! ano bang nagawa ko? mukhang nagalit ata si Andy at iniwan ako sinuntok ko ang manibela ng sasakyan ko.

Pagdating ko sa hotel dali-dali kong pinark ang sasakyan ko at nagtungo sa room namin. Pagdating ko gising pa si Andy kasalukuyang naghahanda para sa pagtulog.

"Andy bat bigla kang umalis?" tanong ko

"Eh kasi nakita kong busy na kayo kaya di na ako nakapagpaalam, nakakahiya naman bumalik pa dun sa table baka makaistorbo lang ako" habang nagsasalita sya hindi nya ako tinitignan kunwari nag-aayos sya ng kama

"Hindi ko kasi alam na nandun pa la si Isable kanina nagulat na lang ako nung lumapit sya sakin nung nag-cr ka, tapos ayun nakipagkwentuhan"

"Ano ka ba Josh bat ka nagpapaliwanag sakin hindi mo naman ako girlfriend kaya wala ka dapat iexplain sakin ok lang un naiintindihan ko" natigilan ako sa sinabi nya tama nga naman sya pero bakit ganun parang may lungkot akong nakikita sa mga mata nya, namamalik-mata lang ba ako dahil sa epekto ng alak o totoo ang nakikita ko?

"Sorry pa rin dahil pinabayaan kita, sige magpahinga ka na...." pagkasabi ko non lumabas muna ako kwarto namin.

Haist........ ayan tampo-tampuhan si Papa Josh hindi pa magjowa may LQ na kagad eto kasing si Josh habulin eh iba na nga ang bachelor .


VOTE


BECOME A FAN


COMMENTS AND SUGGESTION

 

One Sided-Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon