My Family

32.5K 208 7
                                    


**********************************************************


CHAPTER 33:








Kinabukasan maagang may nagdoorbell sa bahay ni Mia sinilip niya kung sino ang tao sa gate nakita niya si Joshua bakas sa mukha nito ang lungkot at mukhang hindi pa ito nakakatulog dahil mukhang hagard ang itsura, lumabas siya at kinausap ito.










"Sir bakit po?" tanong niya










"Mia andiyan ba si Andy? Kailangan ko siyang makausap" may pag-aalala sa tanong nito










"Kagabi po dumaan dito pero umalis din kagad"










"Ha?! Alam mo ba kung san sya tumuloy ngayon?"











"Hindi Sir… P-pasensya sya" pagsisinungaling nito











"Sige pag may balita ka sa kanya tawagan mo kagad ako" sabi nito










"Sige po Sir" sabi ni Mia











Hindi alam ni Joshua kung pano magsisimulang hanapin ang mag-ina niya, pinuntahan din niya ito sa mansion pero wala. Gulong-gulo na ang utak ni Joshua kaya umuwi muna siya sa condo nya.










********************************










Dumating na si Andy sa probinsya niya sa Camarines Sur, matagal na rin siyang hindi nakauwi dalawang taon na sumakay na siya ng tricycle papunta sa bahay nila. Pagkababa niya sa tapat ng bahay nila pinagmasdan niya muna ang bahay nila, wala pa rin itong pinagbago nalungkot siya parang lahat ng plano niya ay naglaho ni hindi nya man lang natupad ang pangako niya sa kanyang pamilya ngayon ay bumalik siya ng bigo.










Dahan-dahan siyang lumalakad palapit sa pipinto nagdadalawang-isip siyang kumatok, kakatok na siya ng biglang bumukas ang pinto inuluwa nito ang kanyang kapatid.










"Ate…" gulat pa ito










"Nay si Ate andito!!!" tawag sa ina nito, humahangos na dumating ang ina niya. Tinitigan siya nito tila nagulat ng makita siya, tinignan din nito ang batang dala niya napayuko naman siya.











"Nay Sorry po….." naiiyak na sabi ni Andy unti-unti ng tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi, tila naawa naman ang kanyang ina at niyakap siya hanggang sa humagulgol na siya ng iyak.










"Tahan na anak…." naiiyak din na sabi ng ina "Halika pumasok ka muna" at pumasok na sila sa loob ng bahay.










"Anak ano bang nangyari?" pag-aalala sa tanong nito











"Nay patawarin niyo po ako…. Huhuhu…."











"Anak ano bang pinagsasabi mo? Bat ka nahingi ng tawad?" pagtataka nito











"Nay nabigo ko po kayo, nabigo ko po lahat ng pangarap ko para sa inyo…."











"Anak ano ka ba ang dami mo ng naitulong samin sobra-sobra na…"











"Nay si DJ po anak ko, apo nyo po….." nagulat ang nanay nya pero mas nagulat siya ng kargahin ang anak nya at ngumiti ito.











"Talaga napakagwapong bata, siguro mana sa ama…" sabi nito habang nilalaro ang bata










"Nay nakipaghiwalay na po ako sa ama niya, hindi ko na rin po naipakilala sa inyo…."










"Ganun ba, wag kang mag-alala makakaya rin natin ito…" pagpapalakas ng loob ng ina niya










"Siya nga pala nasaan si itay?"











"Naku anak parating na un galing sa taniman" aliw na aliw sa bata










"Taniman?" takang tanong niya "Kailan po tayo nagkaron ng taniman?"











"Nakaipon kami dun sa perang pinapadala mo sobra-sobra kasi kaya naisipan namin na magtanim ng saging sa lupa natin sayang naman hanggang sa lumago ayun" natutuwang sabi nito










"Talaga po!" masayang sabi ni Andy











"O ayan na pala ang itay mo" papasok na ng bahay, agad niyang niyakap ang ama miss na miss na nya ito










Kinuwento din nya sa ama ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay, naunawaan naman siya nito at natutuwa ng makita ang apo niya.










Nakahinga ng maluawag si Andy dahil alam niyang tanggap siya ng magulang. Ang kailangan na lang nyang gawin ay makahanap ng bagong trabaho para makatulong sa pamilya at sa panggastos nilang mag-ina sa pang araw-araw.










********************************










Nanood si Mia ng TV nag biglang may nagdoorbell.










"Naku baka si Sir na naman yan" lumabas siya ng gate pero iba ang nakita niya si Edward.










"Hi Mia, andyan ba si Andy?" nung huli nya kasing dinalaw ang kaibigan ay doon pa ito tumutuloy sa apartment ni Mia.










"Wala na siya dito umuwi na ng probinsiya nila" sabi ni Mia, nagulat ang binata










"Bakit?" takang tanong nito










"Malaki ang problema ng kaibigan natin mabuti pa kausapin mo na lang siya"











"Sige salamat…" agad na sumakat at umalis ang sasakyan ni Edward











Nagpunta kagad si Edward sa condo nya at kinuha ang mga gamit na kailangan, alam nya kung nasaan ang kaibigan at pupuntahan niya ito ngayon din.






***************************************************************

Pasenya na sana makapagupdate ako this weekends magiging busy kasi katawang lupa ko sana magawa ko hehehe gudnight.


VOTE


BECOME A FAN


LEAVE COMMENTS & SUGGESTION IF YOU LIKE


Lovelots

JHingzzy





One Sided-Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon