One-Sided Love

43.8K 322 29
                                    

**********************************************************************************************************


CHAPTER 15:



Sa opisina....



ANDY POV:



"Alam nyo bang buntis si Andy" Officemate 1



"Talaga? kaya pala parang lumaki ang balakang nay at tumaba" Officemate 2



"Sino kaya ang ama? Eh wala naman akong nababalitang boyfriend un? Officemate 1



"Oo nga hindi naman kinasal baka naman may-asawa na ang ama kaya di napakasalan" Officemate 2
 


Naririnig kong bulong-bulungan ng mga katrabaho ko, alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil medyo halata na ang tiyan ko dahil apat na buwan na ito hindi rin nila alam na kinasal ako dahil simula't-simula hindi naman nila alam na boyfriend ko si Joshua kaya dalaga pa rin ang status ko sa office namin. Akala nila nabuntis lang ako ng sino hindi ko naman sila masisisi kung pag-usapan man nila ako.



Breaktime nasa rooftop ako, pagbreaktime namin dun ako natambay para makapagisip-isip. Maya-maya lumapit sakin si Mia.



"Wag mo na silang pansinin friend" pag-aalo sakin ni Mia



"Di ko naman sila masisisi kung pagchismisan nila ako halata na rin naman ung tiyan ko at alam nila wala pa akong boyfriend so what will you expect" mapait nyang ngiti



"Nasaan na ba ung magaling mong asawa?"



"Baka nandun sa babae nya"



"Ha?"



"Nakita ko sya last week sa restaurant nung nakipagmeet ako sa client natin nakita ko syang nakikipaghalikan sa babaeng kasama"



"Ano?! grabe naman talaga un, ganyan na nga trato nya sayo tapos nambababae pa" di ko napigilan ang maiyak



"Pinababayaan ko na nga lang sya alam kong masakit lalo na pagnakikita kong sya masaya sa piling ng iba samantalang ako eto naghihirap nagdurusa sa nararamdaman ko dahil alam kong ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Ang hirap pala ng one-sided love pag ikaw lang ang nagmamahal" sabay pahid ko sa  mga luha ko.



"Mahal na mahal ko sya Mia akala ko mahal nya din ako un pala lahat ng pinakita nya sakin noon hindi pa la totoo, akala ko napatino ko na sya na ako na alng ang mamahalin nya hindi pala huhuhu...." niyakap ako ni Mia



"Tama na friend tibayan mo ang loob mo wag kang malungkot wag kang iyak ng iyak makakasama sa baby mo. Isipin mo na lang kahit nawala sayo si Joshua may dumating naman na mas maganda diba." pagaalo sakin ni Mia



"Tama ka nga Mia, dapat isipin ko na lang ang magiging anak ko dapat isipin ko na lang kaming dalawa kaming dalawa lang...."




********************



JOSHUA POV:



Isang linggo ng nakaraan simula ng makita ako ni Andy na may kasamang babae, sobra akong naguilty na makita ko ang reaksyon nya ng makita akong may kahalikan, hindi ko naman sinasadya un dahil si ivy ang humalik sakin at hindi ko alam na andun pa la sya may kameeting na kliyente. Hindi na rin kami nagpapansinan mukhang pinabayaan na ako. Ano pa bang aasahan ko sa mga pinapakita ko sa kanyang masasama sa kanya na susuyuin nya pa rin ako? F--k Syet lang ang sama ko talaga.



Napagisip-isip ko lahat ng sinabi sakin ni Andrei nung nasa bar kami kaya tinawagan ko si mama para magpalipat muna sa main branch namin kung nasaan si Andy para mabantayan siya sa kalagayan nya, alam kong hindi madali ang magbuntis para kahit hindi ako makalapit at makausap sya nakikita ko pa rin at nalaalaman ang kalagayan nya.



Kinabukasan..........



"Good Morning!" bati ko sa mga empleyado ko napatingin sakin si Andy marahil nagtataka sya kung bakit andito ako



"Good Morning Sir!" bati nila sakin, nakatitig pa rin ako sa maganda kong asawa, Haist.... kahit buntis sya napakaganda pa rin nya, pero hindi sya tumitingin sakin dahil alam kong masama ang loob nya sakin.



"Sa ngayon ako muna ang maghahandle dito sa main branch dahil maraming aasikasuhin ang presidente ng kumpanya." nagulat si Andy kaya napatingin sya sakin.



"Sige back to work" at nagtuloy na ako sa opisina ko



Sa ospital.........



Nagundertime si Andy dahil magpapacheck-up sya sa doctor dahil schedule nya ngayon.



"Doc kumusta po ang baby ko?" tanong ni Andy



"Well Ms. Marquez ok naman po healthy naman ang baby nyo base dito sa ultrasound wala naman problema sa baby nyo pati ang puso ng bata healthy naman basta wag lang ka lang msyadong mastress" paliwanag ng doctor



"Doc maraming salamat po"


 
Pagkagaling nyang ospital naisipan nyang bumili ng gamot para sa pagbubuntis nya, napansin nyang wala na pala syang ipon naubos na sa pagpapacheck-up nya simula nung nabuntis sya hindi na rin sya umasa sa asawa nya dahil sinolo na lang nya ang gastos para sa bata at nagiipon pa sya para sa panganganak nya at pambili ng gamit ng bata dahil ayaw na nyang umasa sa asawa nya.



Habang naghihintay sya ng taxi may huminto sa tapat nya na kotse at bumaba ang isang gwapong lalaki.



"Hi! Andy"



"Edward ikaw ba yan?" tanong ni Andy



"Yes" nakangiti ito



"Kumusta ka na? kailan ka pa bumalik?" si Edward ay kababat ni Andy sa province nila nagkahiwalay lang sila after ng highschool dahil sa London na ito nagcollege.



"Eto ok lang last week lang ako dumating may inaasikaso lang ako dito, Are you pregnant? may asawa ka na pala nahuli na ako?" nanghihinayang nitong sabi



"Ikaw puro ka kalokohan" matagal ng may lihim na pagtingin si Edward sa babae ngunit hindi lang sya makapagtapat dito noon.



"Tara dinner tayo" invite nya kay Andy



Kumain sila sa malapit na restaurant at sandaling magkwentuhan, pagkatapos ay hinatid nya ang dalaga sa tinutuluyan nito.



Pagdating ni Andy sa bahay wala pa si Joshua kaya nag-ayos na sya ng sarili, maya-maya narinig nyang nagring sa celphone nya nakita nyang tumatawag ang ina nya.



"Hello" ilang sandali pa dumating na din si Joshua, hindi narinig ni Andy ang pagbukas ng pinto dahil may kausap ito sa telepono. Sinilip sya ng binata sa kwarto dahil naiwan nyang nakabukas ang pinto nakaupo sya sa may gilid ng kama at dinig na dinig ang pinag-uusapan nila.



"Hello Nay kumusta na po kayo dyan?"



"Eto ok naman po ako, ano pong nangyari kay itay? ano pong sakit nya?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Andy



"Nay pasensya na po maliit lang mapapadala ko sa inyo ngayon kasi po may sakit ako kaya nagpapacheck-up din po ako dito" gumagaralgal na ang boses nito at halatang umiiyak.



"Marami po kasing gastos ngayon dito, sige po nay gagawa po ako ng paraan para mapagamot si itay ng mas maaga"



"Wag po kayong mag-alala sakin ok naman po ako dito masaya naman po, mag-ingat po kayo dyan" halatang pinipigilan nya ang pag-iyak habang si Joshua nakikinig lang sa asawa.



'Sige po nay mahal ko po kayo bye..." ibinaba na ni Andy ang telepono at tuluyan ng naiyak. Awang-awa si Joshua sa asawa alam nyang may problema ito at hindi nya madamayan alam din nyang delikado sa kalagayan nito ang sobrang madepress pero hindi nya alam ang gagawin. Pumasok na lang sya sa kwarto at narinig ni Andy na dumating na pala sya kaya isinara na ng dalaga ang kwarto nya.



JOSHUA POV:



Kaninang hapon nalaman kong nagundertime si Andy para magpacheck-up ni hindi ko man lang sya masamahan sa mga importanteng lakad. Pagdating ko sa condo nakita kong bukas ang pinto ng kwarto ni Andy at may kausap sya sa celphone kaya pinakinggan ko kung sino ang kusap nya baka may nanliligaw pa sa sawa ko selos ko lang.



"Hello Nay kumusta na po kayo dyan?" ina nya pala kausap nya



"Eto ok naman po ako, ano pong nangyari kay itay? ano pong sakit nya?" ano kayang nangyari sa ama ni Andy



"Nay pasensya na po maliit lang mapapadala ko sa inyo ngayon kasi po may sakit ako kaya nagpapacheck-up din po ako dito" hindi pa pala alam sa kanila na buntis si Andy at malamang hind pa din nila alam na kasal na ito, mukhang malaki ata ang problema na mahal ko mukhang financial hindi nya sinasabi na wala na pala syang pera dahil sa pagpapacheck-up, mukhang ayaw nya atang humingi sakin ng tulong at sinosolo ang gastos grabe tlaga galit nya sakin. teka umiiyak ba sya?



"Marami po kasing gastos ngayon dito, sige po nay gagawa po ako ng paraan para mapagamot si itay ng mas maaga"



"Wag po kayong mag-alala sakin ok naman po ako dito masaya naman po, mag-ingat po kayo dyan" naawa ako sa asawa ko ng marinig syang umiiyak mukhang malaki at ang problema.



'Sige po nay mahal ko po kayo bye..." ibinaba na ni Andy ang telepono at tuluyan ng naiyak. Awang-awa ako sa asawa ko alam kong may problema sya at hindi ko madamayan alam kong delikado sa kalagayan nya ang sobrang madepress pero hindi ko alam ang gagawin. Pumasok na lang muna ako sa kwarto at isinara na ni Andy ang kwarto nya mukhang alam nyang andito na ako.



Habang nakahiga ako iniisip ko kung paano ako makakatulong sa problema nya ayokong iwan sya sa ganong sitwasyon. Bumangon ako dahil hindi ako makatulog, pumunta ako sa kwarto nya at nakita kong hindi nakalock ang pinto nilapitan ko sya at umupo sa gilid ng kama nakita kong namamaga ang mata nya mukhang sobra ang iyak nito kanina.



"Don't worry love tutulungan kita hindi kita pababayaan" bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa noo bago ko ako tumayo sa kama nakita ko sa side table ang isang sobre binuksan ko ito pakialamero lang, nakita ko ang ultrasound ng anak ko. Biglang kumabog ang dibdib ko sobrang saya ko ng makita ang itsura ng anak ko kahit maliit pa lang ito ibang saya ang nararamdaman ko. Bumalik ako sa kwarto ko at nakaisip na ng paraan para matulungan ang asawa ko.

**********************************************************************************************************

VOTE


BECOME A FAN


COMMENTS & SUGGESTION


Lovelots

JHingzzy

One Sided-Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon