"There are three hundred and sixty five paper cuts inside. Open one each day, until I come back," he briefly explained.

Nanlaki ang aking mga mata at muling naibalik ang aking tingin sa glass jar. "Hoy, weh?! Ba't ang effort mo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Nagkibit-balikat ito at agad kong napansin na unti-unti nang lumalawak ang ngisi sa kanyang labi.

"I love you, that's why," he blatantly answered.

Agad akong napatigil sa aking kinauupuan kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Napaiwas ako ng tingin mula sa screen ng aking cellphone at mahinang tumikhim. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha.

Nang mapansin niyang nanahimik ako ay muli itong tumawa nang mahina. "I listed three hundred sixty five reasons why I love you. It's kind of a tradition in between the two of us now..." he trailed off.

"Grabe! Tapos ako, ang binigay ko sa'yo ay bracelet na may tracking device," pagbibiro ko at muling binalik ang aking tingin sa screen kahit alam kong namumula pa rin ang aking mukha.

Bahala na! Madilim naman nang kaunti sa aking pwesto kaya hindi niya na siguro 'yon mapapansin.

"Sisimulan ko ang countdown bukas. Kapag 'to naubos na tapos wala ka pa rin dito, nako! Magagamit ko talaga 'yong tracking device ko sa'yo!"

Halos isang buong oras pa kami nag-usap bago ko siya pinilit na magpahinga na. Halatang-halata na talaga sa kanya ang pagod, pero mas gugustuhin daw niyang makita at marinig ako kaysa magpahinga. Muntikan ko pa siyang patayan ng tawag kung hindi lang siya sumunod sa akin na magpahinga na.

Nang matapos iyon ay muli kong tinuon ang aking atensyon sa jar na binigay niya sa akin. Medyo may kalakihan iyon at halatang babasagin. Tinanggal ko ang takip noon at hinugot ang una kong makapa.

Nagulat pa ako nang hindi lamang isa ang makuha ko. It was already sectioned by five. Nakatali ang limang piraso ng papel sa isa't-isa. Napansin ko ring may sari-sarili iyong numero sa harapan ng bawat nakatiklop na papel.

Bahagyang umangat ang aking kilay sa kuryosidad at tiningnan pa ang loob ng jar. Umawang ang aking labi nang mapansing nakaayos ito ayon sa kani-kanilang pagkakasunod-sunod. Nakapatong ang mga ito sa isa't-isa para sunod-sunod kong makukuha sa tamang ayos.

'Di ko na lamang namalayan ay nakangiti na pala ako habang binabalik ang mga kinuhang papel sa loob.

Pagkagising na pagkagising ko kinabukasan ay agad akong dumiretso sa binigay sa akin ni Hugh at kinuha ang pinakaunang papel.

Day 1: I love the way you smile. How the side of your lips curves upward and shows the subtle whisker smile on your cheek.

Kahit na bagong gising pa lamang ako ay todo ngiti na agad ako sa nabasa. Kinagat ko ang gilid ng aking pang-ibabang labi at agad tinakpan ng aking dalawang palad ang aking namumulang mukha.

I let out soft squeal as a smile finally escaped my lips. Malawak ang ngiti akong kumuha ng tape at nilagay iyon sa dingding na katapat ng aking lamesa sa kwarto.

Hanggang sa pagpasok ay hindi ko matanggal ang ngiti sa aking labi. Sobrang saya akong umupo sa aking swivel chair at halos batiin pa lahat ng aking nakakasalubong na katrabaho.

Nang tumingin ako kay Nica ay kita ko kung paano bahagyang kumunot ang kanyang noo. Binati ko rin ito at hinalikan pa sa pisngi. "Good morning, Nics!" tuwang-tuwa kong bungad bago tuluyang umupo sa aking swivel chair.

Sobrang gaan ng pakiramdam akong nagtrabaho. Nang dumating ang aming lunch time ay magkasama kaming dalawa ni Nica na bumaba sa isang restaurant.

"Jade, why do you keep on smiling? I thought you will be sad after he leaves," nagtataka at nag-aalalang tanong sa akin ni Nica.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now