"Ky, pusa mo ba yan?" biglang tanong ni Jaryl kaya napalingon ako sakanya.

At tama nga siya, pusa ko nga yung papalapit samin. Saan ba nagsusuot tong lintik na to. Biglang maglalaho, biglang susulpot.

It's f*cking Krystal the galang pusa. Kaya agad ko itong nilapitan at binuhat.

"Saan ka ba nanggaling at nagsusuot ha?!" sermon ko agad sa pusa ko.

Nagulat naman ako ng mapansin ko si Tita Yana na nakatingin rin to.

"Bakit Tita Yana?" takang tanong ko sakanya.

"Ngayon ko lang napansin na hindi siya normal na pusa. Ky, that cat is under a strong curse na binigay sakanya nung isilang siya.." sambit ni Tita Yana ng hindi lumulubay ang tingin sa pusa ko. "..yung mga mata niya, it's look the same sa namayapang Sandiwu Brisk." seryosong sambit niya at tsaka nilapitan ang pusa ko at kinuha ito sakin.

"Anong gagawin mo sa pusa ko, Tita Yana?" nag-aalalang tanong ko kay Tita Yana pero hindi niya ko pinansin.

Sinenyasan niya kaming lumayo lahat kaya nagtataka ay nagsilayo naman kami at tsaka siya nagbigkas ng isang spell.

"Ari — Secuberya ala forme mafians." bigkas ni Tita Yana sa isang spell at hinimas ang balahibo ng pusa ko. At tsaka nagliwanag ang paligid.

Kaya napatakip kami ng mga mata namin sa sobrang liwanag. At ng tuluyang maglaho ang liwanag, may nakita kaming lalaking nasa harap ni Tita Yana.

"Tama ako, ikaw nga. Ikaw ang anak nina Sandiwa Serena at Sandiwu Brisk, the cursed child, sa wakas natagpuan rin kita. Matagal ka ng pinapahanap ni Haring Keiron at Reyna Criszette sakin." usal ni Tita Yana.

Pinapahanap?

Kala ko ba si Tita Serena lang hinahanap nila. But they also finding Tita Serena's Child.

"Sino po kayo? Ano pong nangyari sakin?" naguguluhang tanong nung lalaki na nasa harap ni Tita Yana.

So hindi talaga pusa yung inaalagaan ko dahil tao dun siya. And hindi siya babae, lalaki pala siya.

"Teka, naguguluhan ako? Sinong Serena? I remember may sumugod samin sa bahay dahil hinahanap niya si Serena samin. Eh kami lang naman ni Ina nakatira sa bahay na yun. Sino si Serena? Siya ang dahilan kung bakit nawawala din ang Nanay ko ngayon." biglang sabat ni Brylle.

Kaya napalingon si Tita Yana sakanya.

"Dahil ang hinahanap nilang Serena ay ang Nanay mo." sagot ni Tita Yana sakanya.

"Hindi, imposible yan hindi yan ang pangalan niya. Brenna po pangalan niya hindi Serena." umiiyak na saad ni Brylle kay Tita Yana. Kaya hinawakan ko pa maigi yung kamay niya upang pakalmahin siya.

"Ngunit iho, eto ang katotohanan. Brenna is Serena, bakit naman kayo susugudin ng kaaway sa bahay kung alam niyang hindi si Serena ang Nanay mo." sagot ni Tita Yana.

"Kung iyan ngang dating pusa na yan ang anak nila Serena at Brisk. Sinasabi niyo po bang hindi niya ako tunay na anak? All this years hindi siya ang tunay kong Ina?" di makapaniwalang tanong at konklusyon ni Brylle.

"Oo iho, dahil Ikaw ay anak ng mortal na si Justine at isang taga Britania na si Diana." seryosong sagot ni Tita Yana sakanya.

"Hindi, hindi maaari. Hindi yan totoo." umiiyak na saad ni Brylle kaya inakap ko na siya.

Hindi ako makapaniwalang pwede pala mangyari lahat ng to.

"Imposibleng mali ang mga nalalaman ni Reyna Yana, Brylle. Dahil eto ang kapangyarihan niya, na kailan niya lang nadiscover na kaya niyang makita ang pinagmulan ng isang tao o hayop." sabat ni Headmistress Mika. Kaya wala ng nagawa si Brylle kundi humikbi habang ang iba naming mga kasama ay naguguluhan at tila nabigla sa mga rebelasyon na sumiwalat sa harap nila.

Miski ako, hindi ako makapaniwalang anak si Brylle ng dating naging taksil kay Ina na si Dianna. Nakwento din nila ito sakin.

Nakita ko namang nilapitan ni Tita Yana at Kyle yung pusa ko na ngayon ay tao na. We don't know his name.

Kung totoo nga lahat ng to. Pinsan ko pala yung dating pusa ko.

Di ko na alam ang iisipin ko ang tanging alam ko lang ay kailangan ako ni Brylle.





Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon