Kabanata 19

15 2 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

In love

Naging madali sa amin ni Ian ang mga naunang buwan pero minsan tumatawag akong tulog siya at minsan rin tumatawag siyang tulog naman ako. Pero kahit ganun man ay kakayanin naman namin. Sa loob ng tatlong taon, nakayanin naming sa cellphone lang mag-usap. Mag celebrate ng birthday niya at birthday ko virtually. Monthsary namin ganoon rin. Hindi na niya ako nadalaw sa loob ng tatlong taon na iyon dahil bukod sa parehos kaming busy sa pag-aaral... naging sobrang higpit din ni Dad. Gustuhin ko mang umuwi sa Pilipinas ay mas gusto ni Dad na manatili dito sa bahay. Naging sobrang busy rin naming dalawa ni Ian sa mga nakaraang araw dahil parehos naming finals.



Pababa na ako para magtapon ng mga basura dahil ang dalawang kasambahay ay nagluluto at naglilinis sa itaas ng bahay. Pero dahil sa may naalala ako nakaligtaan ko. Si Lola at Lola naman ay busy sa hotel nila kaya naman madalas hindi na nakakauwi sa bahay.



Ang naiiwan lamang ay ang mga kasambahay, si Tita Gina, ako at Tito Vince pero minsan dahil sa gusto ko ng katahimikan hindi na ako lumabas sa kwarto ko at nilolock ito. Sa loob na lamang ako nagpapahatid ng pagkain, sa mga kasambahay. Minsan kasi naririnig kong nag-aaway si Tita Gina at Tito Vince.


My American friend, Kezia, called me kaya naman agad ko iyong sinagot.




"Lirah, I'm in the mall. You can be with me. I'm just bored. Come here." anito at ipinakitang nag-iisa nga siya. Kezia is a good friend of mine. Kahit kasi na American siya ay may dugong Pilipino pa rin ito kaya siguro mabait at nagkakasundo kami.




"My grandparents are not here, Kezia. May Tita and Tito's will not allow me. I am so sorry. I feel bad about it." ako.



"No, it's okay. I was just joking but maybe the other day?" anito sa akin.



"Of course, I'll try. Okay?" ako.



"Okay, I'll hang up now, Lirah. Love you, girl." anito sa akin.





Pagkatapos non ay kinuha ko iyong binilad ko projects like yong bahay na pinatayo ko talaga as my created project gamit ang mga useful pa na materials.


Nang lumabas ako para kunin iyon ay kinailangan ko pang kumuha ng ladder chair para maabot, nakalimutan kong mataas pala ang pinag-sabitan ng kasambahay.



"Oh.. hindi mo maabot? Ako na." si Tito Vince. Kinuha niya ito at binigay sa akin agad.




"Ang galing mo. Ang ganda naman ng bahay na iyan." anito.




"Ah... opo. Pangarap na bahay ko kasi ito kapag magkakaroon na ako ng sariling pamilya."



"May boyfriend ka pala?" anito sa akin medyo nailang ako sa kanya dahil iba kasi iyong tono na pananalita niya.



"Ah... opo. Matagal na rin kami. Mag lilimang taon na kami. Boyfriend ko siya grade 11 pa lang ako. Gusto rin naman siya ni Mom dahil family oriented at ma respeto, matalino rin." ako. Tumango siya sa akin pero hindi kumbinsido kaya naman agad na akong nagpaalam.


"Una na po ako." ako at umalis na.




Tanghali na samin 12: 23 AM. I locked my room and used my headset. My messenger was ringing. Napangiti ako. Ian was calling me, the best part of my everyday. Sinagot ko iyon at nagsalita.


Chasing Soul (Aliser Series 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora