Kabanata 9

31 10 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Jealous


Hindi ako nag reply sa text sa akin ni Ian. For the last day of the intramurals kailangan naming icheck ang mga gamit for medics. Hapon na ng dapit ng ina-announced na ng senior adviser ang winner in total. Panalo kami and that was a happy moment for me.




Nang hapon na iyon pinuntahan ko si Steve, hindi dahil sa chismis na nakita ko sa fb page tungkol sa amin kundi para kunan siya ng statement sa mga nararamdaman niya nitong nakaraang araw tungkol sa paa niya at ilong. I listed it all, actually I just wrote na yong paa niya is still aching kaya kailangan ko siyang isama pabalik sa clinic para matignan ni Miss Nurse at maikonsulta sa professional.





I went back in the clinic to help, Miss Nurse at kasama ko rin si Steve. Nga lang pag bukas ko ng pinto naroon si Gwyne at Ian. Gwyne was there... mabagal na inaayos ang mga gamit for medics kaya nagtungo na ako doon at tinulungan siya pero bago iyon hinatid ko muna si Steve kay Miss Nurse... kaya nakita rin ako ni Ian. He was there too... hindi ko alam kung ano ang ipinunta niya dito at kinausap talaga si Miss Nurse.





"Ah.... andyan ka na pala, Alirah. Can you help me here. Titignan ko lang ang paa ni Ian at ikaw naman Steve, maupo ka na muna." Si Miss Nurse.




"Si Ate Gwyne nalang po, Miss Nurse. Ate Gwyne, tulungan niyo naman po si Miss Nurse oh? Titignan ko lang rin si Steve." Nang sinabi ko yon parang nagsisi ako agad ng lumapit talaga si Ate Gwyne. Ian was wearing his mad face. Halatang galit at nakataas ang kilay nito. I went to Steve and offer him a glass of water.





"Thanks, Lirah." aniya at tumango ako. Pinagmamasdan ko si Steve at patuloy na inaayos ang mga gamit sa medics.





"Steve, halika ka na. Alirah, pakitulungan naman si Ian oh? Gwyne dito ka na muna. Kailangan pa kita." aniya kaya imbes na lumabas si Ate Gwyne ay hindi niya nagawa.





"Lirah. I'll go inside." Pagpapaalam ni Steve sa akin.





Ian directly went on me. Nakapasok na sa loob si Steve at Gwyne kaya ang nasa labas ay ako at si Ian.





"Kayo na pala. Ang bilis naman." sarkastiko niya yong sinabi sa harap ko kaya medyo nainis ako.






"Pwede-"




"Nasa journal pa kayo ng school ha. Kaya pala ayaw mo sa soccer field kasama mo naman pala siya."




"Ian-"




"Ganun na lang yon?"'




"Ano ba-"





"You like him that much. I get it."






"Ano ba Ian! Kaibi-"






"Talaga ba?"






Hindi niya talaga ako pinapatapos kaya mas lalo akong naiinis sa ginagawa niya. Yong pinapakita niya sa aking galit ngayon ay yong galit na sinasabi ni Claire.





"Let's talk after this." Bumuntonghininga ako kaya naman mas pinili niya na ring manahimik at umupo.






Pagkatapos matignan ni Steve ay lumapit siya sa akin.






"Let's go, Lirah?" aniya.





"Ahm... Stevey, mauna ka na lang. Kailangan ko pa kasing antayin ang pinsan ko." pagsisinungaling ko at kita ko namang tumawa si Ian.







"Are you sure?" mas lalong lumapit sa akin si Steve at yumakap. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti siyang umalis.






"Ian... sabay na tayong lumabas." Si Gwyne.






"No need. Kasama ko ang girlfriend ko." si Ian kaya agad akong pumasok sa loob kung saan naroon si Miss Nurse. Nakita ko pang tumatawa tong si Ian ng sinabi niya yon kaya pinandilatan ko siya.






Shitt! Ian! Bwesit naman oh. Kailangan niya ba talagang sabihin yon? Paano na lang kung maniwala ang mga tao sa mga sasabihin niya. Nakakahiyang nagsisinungaling kaming dalawa.





Nagpaalam na si Ate Gwyne kay Miss Nurse na tapos na ang lahat at mauuna na siyang umuwi. Miss Nurse thanks us two. Pero sinadya kong paalisin muna si Ate Gwyne kaya naman nung kami na lang tatlo ang na sa clinic kasama si Miss Nurse ay medyo nakahinga ako.







"Oh.... Ian. Akala ko ba umuwi ka na?" si Miss Nurse.






"Hinihintay ko po, girlfriend ko." si Ian kaya hindi na ako nakatiis.





"Ah... opo, Ma'am. Yong pinsan ko inaantay niya." Ngumiti lang si Miss Nurse.





Sabay kaming nagpaalam kay Miss Nurse at feeling ko wala namang kwenta ang pagsisinungaling ko dahil hindi naman naniniwala sa akin si Miss Nurse.






Ian was walking with me at the soccer field. May mga students pa namang naiiwan kaya naman naupo kaming dalawa sa may sementong upuan malapit sa field.






"Ian... hindi ako natutuwa sa mga sinasabi mo." agap ko at tinitigan siya ng masama.





"So, should I say girlfriend of Steve? We have the same second name, then. That shitt!" aniya at may galit na rin ang tono.






"Pwede ba, wag kang mandamay ng ibang tao."





"And now you're siding with him. Alirah. How cool." aniya.






"You paranoid." hinampas ko siya.







"Were you jealous kaya hindi mo ako pinapansin? Galit at nagseselos ka nga ba gaya ng sabi ni Claire?" anito at hindi ako naka sagot. Nagseselos nga ba talaga ako?






"Alirah it was just a pageant. I waited you at the soccer field and you were with that Steve. Do you like him?" Tumingin ako sa kanyang naiinis sa mga sinabi niya.





"Would I get jealous if I like him? Ian?" agap ko and he then smiled at me na parang natuwa pa sa sinabi ko.






"You were jealous then. And not talking to me is your way to escape. Am I right?"




"Pwede ba wag mo akong kausapin. Nakakainis ka!" Umalis na ako doon pero hinabol niya ako at pilit na kinukuha ang kamay ko para maisiklop sa kanya. Hindi ko siya pinapansin pero natigil yon ng nagsalita siya ng malakas.






"Alirah.... let's date." aniya.





Tumingin ako sa kanya at chi-neck ang palibot kung may nakarinig ba sa sinabi niya buti na lang wala.




This story is not yet edited. Expect ungrammatical, typos and error words.


Miss-Staream

Chasing Soul (Aliser Series 1)Where stories live. Discover now